Martin del Rosario ready to do sexy roles

Martin del Rosario is in a wait-and-see mode. In the meantime, he announces, "Abangan na lang ang mature na Martin del Rosario, mature sa pagtanggap ng proyekto at sa mga maseselang eksena."


Matapang na raw sa pagtanggap ng proyekto ang bagong Kapuso contract artist na si Martin del Rosario at kaya na niyang magpaka-daring sa mga proyektong ibibigay sa kanya.

“Siguro para na rin sa pagbabago ng image, kasi habang tumatanda, dapat may iba kang ginagawa at ipapakita," sabi ni Martin sa PEP.ph ( Philippine Entertainment Portal).

Dagdag niya, “Para na rin yung mga tao, may bago na ring makikita sa akin.

"Hindi yung ganun-ganun na lang ang ginagawa ko at napapanood nila.

“’Tsaka halos karamihan ng ginagawa ko, very young na good boy.

"Kaya magpapa-sexy na ako para maiba naman."

Pinaghuhugutan daw ng lakas ng loob sa pagpapa-sexy ni Martin ang kanyang pangarap na makilala bilang mahusay na aktor.

“Medyo matagal-tagal na rin ako sa showbiz, gusto ko naman makilala ako bilang mahusay na aktor.

"Na kahit na nagpapa-sexy ako, yung acting ko pa rin yung makikita nila.

“Naisip ko rin na kailangan ko na rin tumanggap ng mature roles.

"At kasama diyan ang pagtanggap ng proyektong may maseselang eksena, like bed scene o magpapakita ng skin.

“Gusto ko kasing maging versatile actor, gusto ko maging character actor.

"And, of course, gusto ko ring maging leading man."

Dagdag niya, “Pangarap ko kasing makagawa ng iba’t ibang roles.

"Mga challenging roles na susukat sa kakayahan ko bilang artista.

"Sexy roles, puwede rin, basta maganda yung pagkaka-execute, maganda yung treatment.

"Yung hindi bastos, papayag ako...

"Basta ipaliwanag lang sa akin kung bakit kailangan kong gawin yun at kailangan ba talaga sa eksena.

“Gusto ko rin hindi lang basta-basta sexy. Gusto ko rin na makapal yung plot niya, gusto ko na sexy love story.

"Walang problema sa akin, lahat gagawin ko, katulad ng sinabi ko."



EYEING LOVI AND HEART. At kung gagawa ng sobrang sexy project si Martin, si Lovi Poe raw ang gusto niyang makasama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Bukod kasi sa maganda at malakas ang sex appeal ni Lovi, magaling din siyang umarte at mabait.

“Gusto ko rin si Heart Evangelista kasi maganda rin siya at mahusay na artista."

Dahil focused daw siya sa pagiging isang mahusay na aktor, wala raw muna sa isip niya ang romance.

“’Tsaka na siguro yung ibang bagay like lovelife.

"Maganda kasi na may focus ka sa isang bagay na gusto mong gawin at yun yung acting."

Wala pa raw siyang mga projects ngayon, “Ako naman naghihintay lang ako.

"Alam ko naman kasi na may plano at proyektong nakalaan sa akin dito sa GMA-7.


“Right now, busy ako sa pag-guest sa iba’t ibang shows ng GMA habang wala pa akong regular show."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN