Angeline Quinto contemplates breast reduction; asks Erik Santos for his opinion

“Wala naman po akong aaminin. Wala pa akong aaminin talaga. Pero ready naman po talaga ako kung anuman ang mangyayari sa amin ni Erik in the future. Handa naman akong i-share sa inyo,” says Angeline Quinto about status of her relationship with fellow singer Erik Santos.


Inamin ni Angeline Quinto na minsan din niyang naranasan ang ma-insecure dahil sa kanyang hitsura, lalo na noong nagsisimula pa lamang siya sa showbiz.

Sa press conference ng bago niyang pelikula, ang Beauty In A Bottle, kaninang tanghali, October 17, napag-usapan ang insecurities na nararamdaman niya at ng mga kasama niyang lead actresses na sina Angelica Panganiban at Assunta de Rossi.

Pahayag ni Angeline, “Una ko pong naramdaman ’yon actually noong nasa Star Power pa po ako, noong una akong nanalo.

“Kasi, halos lahat po ng mga kasama ko doon ay talaga namang may mga hitsura at may boses.

“So, parang sa akin, every time na nagmu-mall shows kami, parang bilang ko lang sa sarili ko yung nagpapa-picture sa akin.

“’Tapos naranasan ko pa nga po, na grupo po kami, pero sa akin nakisuyo na magpa-picture.

“Hindi po kasi yata nila alam na kasama ako sa contestants.

"Doon ko po na-feel talaga."

Nagpapasalamat daw si Angeline dahil kinuha siya ni Dra. Vicki Belo bilang endorser.

Ang kilalang beauty doctor daw ang nagsabi sa kanyang subukan ang gamot na pampaputi, ang glutathione.

Kuwento ng singer-actress, “Ang dami niyang ibinibigay sa akin na libreng gamot.

“Ang una ko pong naranasan ay yung pampaputi, yung glutathione, every day ko ’yon iniinom.

“Once a day nga lang ’yon, pero ako, ginagawa ko pong dalawang beses—sa umaga at saka gabi.

“Eventually, mas napapansin ng mga tao na mas maganda ako kapag happy ako tingnan.

“So, sinasabi ko talaga sa sarili ko na mas good vibes lang ang tingin sa tao, mas mapapansin ka po talaga.”



NO TO NOSE JOB. Taliwas naman sa madalas na usap-usapan tungkol sa kanya, nilinaw ni Angeline na hindi siya nagpaayos ng kanyang ilong.

“Yung iba naman po, sinasabi na kaya nagbago ang hitsura ko dahil sa ilong.

“Gusto ko lang po sabihin na hanggang ngayon ay hindi po ako nagpapagawa ng ilong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sinabihan ako ni Ms. Regine [Velasquez] na huwag kong subukan kasi magiging malaki ang epekto sa pagkanta ko.

“May ilang singers ako na kilala na, feeling ko, talagang nag-iba ang boses dahil nagalaw yung ilong nila kaya natakot ako doon.

“Pero lahat naman ng babae, ’yon ang gusto.

“Pero ako po, okay na ako sa ipinagawa ko—lipo, arms, at saka yung sa mata ko.

"Wala na po bukod doon."

YES TO BOOB JOB? Samantala, inamin ni Angeline na kung may ipapagalaw pa siya, gusto niyang magpabawas ng kanyang boobs.

Sabi niya, “Sa totoo lang po, itong boobs ko, nahihirapan ako, kasi sobrang laki!

“Akala ng iba, nagpadagdag ako. Hindi nila alam, lagi akong namumroblema every time na mayroon akong shoot.

“So, nag-consult ako kay Dr. Belo kung ano ang magiging result kung magpapabawas ako.

“Sabi naman niya, masakit. Sobrang sakit daw kaysa magpadagdag.

“Gawan na lang daw sa mga damit ko... minsan masakit sa gowns talaga.”



CONSULTING ERIK SANTOS. Kaugnay ng isyu niya sa kanyang dibdib, kinonsulta pa raw ni Angeline ang nali-link sa kanya ngayon na si Erik Santos.

Ano naman ang naging reaksiyon ni Erik sa gusto niyang gawin?

Sagot ni Angeline, “Sabi niya, ’Huwag na. Sisingilin ka niyan pagtanda mo.’”

Biniro siya ng entertainment reporters na weakness ni Erik ang may “malaking hinaharap.”

Natawa si Angeline at sinabing, “Mukha naman.”

Dagdag pa niya, “Hindi nga Angeline ang tawag niya sa akin kundi ’Quinto’!

"Siguro naaalala niya si Rufa Mae Quinto... joke lang!

“Hindi, kasi yung iba, inaasar ako na, yun nga, siguro lahat ng Quinto, malaki ang hinaharap.”

Naging ex-girlfriend ni Erik ang sexy comedienne na si Rufa Mae Quinto.

Naasar ba si Angeline kapag tinatawag siya ni Erik na "Quinto"?

“Hindi naman. Yun naman ang totoo, magkaapelyido kami ng ex-girlfriend niya,” tugon niya.



GETTING CLOSER WITH ERIK. Dahil napag-uusapan na nila ni Erik ang tungkol dito, ibig sabihin kaya nito ay nagkakamabutihan na sila nang husto ng kapwa niya ASAP champion?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon, ayon kay Angeline, “exclusively dating” pa rin sila ni Erik.

“Sinasabi ko naman sa lahat na ayaw ko naman madaliin ang lahat.

“Ayaw ko naman pong magsisi sa bandang huli.

“Paano kung hindi pa namin kilala ang isa’t isa?

“’Tapos kapag sinagot ko si Erik, ’di ba, parang makilala ko si Erik na kami na, ’tapos mayroon akong hindi magustuhang side niya sa pag-uugali.

“Ayaw ko ng ganun, gusto ko makilala ko muna siya nang lubusan.”

Paglilinaw pa niya, “Wala naman po akong aaminin. Wala pa akong aaminin talaga.

“Pero ready naman po talaga ako kung anuman ang mangyayari sa amin ni Erik in the future.

“Handa naman akong i-share sa inyo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN