Alden Richards intimidated by role as Jose Rizal

Alden Richards will show less known facets about the character of Jose Rizal in his portrayal of the national hero, "Mischievous, makulit."


“Walang stress,” ang unang salitang nasambit ng ngayo’y tinataguriang "Kapuso Primetime Prince" na si Alden Richards nang tanungin ito at kamustahin sa pakikipagtrabaho niya sa cast ng Ilustrado.

Ayon pa kay Alden, “Ewan ko po, pero ang ikinaganda rin po ng cast ng Ilustrado, walang ere po ang bawat characters, bawat cast.

"We got along very well at nagiging madali po ang pagtatrabaho namin.

“Minsan nga, dumarating yung point na nabibitin kami sa taping days kasi, ang bilis ng araw.

"Mas nauna pong natatapos ang eksena ng mga kasama ko.

"Medyo nalungkot ako at the same time excited kasi ang daming magagandang eksenang ipapalabas dito sa Ilustrado.

“Since we’re airing for just 20 episodes, it’s only for a month, so talagang congested.

"Punung-puno ang bawat episodes.”

INTIMIDATED. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alden nung Huwebes, October 16, bago magsimula ang press conference ng historical drama, sa Historia Restaurant sa Quezon City.

Dito ay inamin ni Alden na mas matindi ang pressure na nararamdaman niya sa Ilustrado kaysa sa mga primetime series na pinagbibidahan ng orihinal niyang ka-loveteam na si Louise delos Reyes.

“Mas matindi po talaga, mas malaking pressure po.

"Title role po kasi, first title role and it’s big because Jose Rizal siya at the same time.

“Ang soap po kasi, ginawa ko siya as my own reinvention sa character.

"This one, meron na tayong background kung sino talaga si Rizal before.

"So ang daming magiging mata, ang daming magiging criticisms nito.”

Alam din daw kasi ni Alden na marami nang mahuhusay na aktor na gumanap sa katauhan ni Jose Rizal kaya alam daw niyang posible rin siyang makumpara sa mga ito.

NEW ATTACK. Ayon kay Alden, “Noong pinag-aralan ko po ang role ni Jose Rizal, nakita ko si Mr. Joel Torre, Cesar Montano, Mr. Albert Martinez, iba-iba, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pinanood ko po ang mga short clips ng projects nila at iba-iba, e.

“Binigyan nila ng sariling flavour yung life story ni Rizal at ganun po ang ginagawa ko ngayon.”

Umaasa nga raw siya na kapag pinanood ng mga tao ang Ilustrado simula ngayong Lunes, October 20, may makikita silang kakaibang pag-atake sa karakter ni Rizal.

“Kasi si Rizal, meron siyang certain quality ng pagiging mischievous.

"Curious, makulit, so in real-life, medyo ganun ako.

"Na-incorporate ko ng tama yung ganung attitude sa mga eksenang ginawa ko na nagre-require ng ganoong emosyon.

“So, yun po, makikita nila ang kulit na Rizal as Alden.”

RIGHT TIMING. Hanggang ngayon, nagpapakita ng pagkailang si Alden kapag nababanggit sa kanya at sinasabing isa na nga siya sa importanteng artista ng Kapuso network.

Lalo pa nga’t ipinagkatiwala rin sa kanya ang pagiging si Jose Rizal.

Nahihiyang sabi ni Alden, “Naku, nabigyan lang po... hindi naman po.

"Siguro po kasi, yung binibigay lang ng network sa akin, tinatanggap ko lang ng walang judgment.

"I accept every role, I accept every project na hindi pinipili kung ano ang role.

“For me, it’s a sign of a weak actor kung gusto mo lang gawin ang mga projects na gusto mong gawin.

"As an actor, mas masarap gumawa ng mga proyektong hindi mo na nagagampanan.

"It’s a self-fulfillment kasi every time, may iba kang napapakita sa audience.”

Posibleng may mga nakakaramdam sa mga proyektong naibibigay sa kanya ng network.

Mabilis namang sagot ni Alden, “Hindi naman po... well, I’m sure, marami po ang nagdi-dream na makuha ang role na ‘to.

"Siguro po, right timing.

"Siguro binigay sa akin ‘to ng GMA kasi they believe it’s the right time for me to play a role as big as Jose Rizal.

“Sa naiinggit naman po, parang wala naman po akong nakikita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Bihira naman po akong makapag-Sunday All Stars and, so far, wala naman pong ganoong feedback.”

ALL WORK, NO PLAY. Puro trabaho na nga ang inaatupag niya. Halos punung-puno ang schedules ni Alden dahil kung wala siyang taping, meron naman siyang Bet Ng Bayan kunsaan, halos nalilibot naman ni Alden ang iba’t ibang probinsiya sa bansa.

Hindi ba siya nabe-burn-out din dahil mukhang sa aspeto ng lovelife, hindi na ito makasingit sa buhay niya?

“Parang choice po kasi,” saad niya.

Anong choice?

“Choice mo kung magdu-dwell ka sa depression mo na maraming nade-deprive sa ‘yo because of your work.”

Pakiramdam niya, marami talagang nade-deprive sa kanya ngayon?

“Yun po ang hindi ko pinili, ang mag-dwell sa mga hindi ko nakukuha, hindi ko nagagawa.

"I chose to dwell on self-fulfillment ng mga nagagawa kong projects and doon sa work ko.

"Yung nagiging effect niya sa sarili ko and doon sa mga nanonood.”

Hindi niya nararamdaman na may kulang sa aspeto ng lovelife niya?

“Hindi po, kasi very fulfilling.

"Sa Ilustrado and Bet ng Bayan.

"So, mas maraming good points kung titingnan n’yo po.”

Baka naman may naisisingit talaga siyang lovelie at nagkataong magaling lang siyang magtago?

“Naku, hindi po. Wala po talagang time. Ultimo sa sarili ko, nawawalan na rin ako ng oras.

"At kung meron man po, why not naman po, sasabihin ko naman po sa inyo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN