PEP EXCLUSIVE. Nadine Samonte has been married to Richard Chua for one year

Actress Nadine Samonte on her decision to keep her marriage to Richard Chua a secret at first: "Kasi nga, we’re waiting for the right time, Halos lahat nga sa family ko ay wala din dun, iilan lang. Nandun din ang family niya, pero hindi kumpleto lahat. Yun nga, para ma-enjoy namin yung privacy."


Umamin ang aktres na si Nadine Samonte na isang taon na silang kasal ng negosyanteng si Richard Chua.

Ikinasal sina Nadine at Richard sa isang farm na pag-aari ng ina ng huli, ang dating aktres na si Isabel Rivas, sa Zambales, noong October 30, 2013.

Officially, Mrs. Nadine Eidloth-Chua na ang 26-year-old actress.

Ito ay sa kabila ng naging pahayag ni Nadine noon sa panayam ng PEP, na lumabas noong April 8, na posibleng mangyari ang kasal nila ni Richard ngayong 2014 o kaya ay early 2015.

Yun pala ay kasal na sila nang makausap siya noon ng PEP sa shooting ng pelikulang Dementia sa Bustos, Bulacan.

Read: Nadine Samonte waits end of TV5 contract before planning her wedding

PRIVATE WEDDING. Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Nadine sa Shop’s Hub, Fishermall, Quezon Avenue, kahapon, October 17, ay ibinahagi niya kung paano nila nagawang itago sa publiko ang kanilang pagpapakasal.

Unang ibinida ni Nadine ang suot-suot niyang wedding ring sa PEP, subalit nang hingan ito ng detalye ay tumanggi muna ang aktres.

Sabi niya, “Hintayin niyo na lang, may announcement kaming gagawin sa October 30—our first year anniversary.”

Pero sa pangungulit na rin namin ay unti-unti nang nagkuwento si Nadine tungkol sa napakapribadong pag-iisang dibdib nila ni Richard.

Bungad niya na patawa-tawa habang nakaakbay ang kanyang mister, “Anong kailan? Wala, wala… basta. Bahala kayo!

“Basta ngayong October, ilalabas naman naming lahat.

“Mas maganda kasi yung may privacy talaga.

“Basta, mag-abang na lang kayo sa social media!”

Nakatakda pala nilang ilabas sa kanilang Instagram account ang tungkol sa detalye ng kanilang pagpapakasal, kung hindi namin siya napaamin kahapon.

Bakit nila ginawang sikreto ito nang matagal na panahon?

Paliwanag ni Nadine, “Kasi nga, we’re waiting for the right time,

“Halos lahat nga sa family ko ay wala din dun, iilan lang.

“Nandun din ang family niya, pero hindi kumpleto lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun nga, para ma-enjoy namin yung privacy.

“Pati mga ninong at ninang, mga close din naming lahat, kaya wala talagang nagsalita. Na-keep din nila lahat.

“Walang media, walang naglabas ng pictures.

“It was a farm wedding.”

Dagdag niya, “Yun nga, plinano namin na yung announcement namin ay sa one year anniversary, sabay sana ng announcement ng baby namin, sana…

“Pero, right now, enjoy muna namin ang isa’t isa.”

Wala nang gaano pang detalyeng ibinahagi si Nadine, maliban sa ang ina niyang si Edjenta Burgos ang naghatid sa kanya sa altar dahil hindi nakadalo ang kanyang amang si Frank Eidloth, na isang German national.

Ipinakita ni Nadine sa amin ang ilang wedding pictures nila, pero pinakiusapan niya kaming huwag itong kunan ng litrato dahil sila raw ang mismong maglalabas nito.



MRS. CHUA. Sa puntong ito ay inalam namin ang pakiramdam ni Nadine ngayong Mrs. Chua na siya?

Nakangiting pahayag ng 26-year-old actress, “Heto, happy! Iba talaga ang feeling kapag…

“Adjustments? Marami, pero iba yung drive namin, e.

“Iba yung adjustments noong mag-boyfriend-girlfriend pa.

“Pero ngayon, mas okay, kasi mas mature na.

“’Tapos heto, tuloy pa rin ang plano—career, baby, negosyo…

“Basta, dire-diretso pa rin.”

Paano nabago ang takbo ng kanyang buhay ngayong mayroon na siyang asawa? Hindi ba siya natakot mawalan ng career?

Saad ni Nadine, “Actually, wala namang masyado, e.

“Kasi, para lang kaming magbarkada, e.

“Wala, e, yung sinasabi nilang nagbabago na ‘pag mag-asawa na.

“Dumating na ako sa point na dapat puro career na lang, dumating na ako sa point na mag-aasawa na ako.

“Kailangan bang matakot na lang ako nang matakot?

“E, kung wala, e, di wala. Kung meron, di salamat.

“Happy life naman ako, so what for?

“Happy life naman ako, e.”

Nasanay na rin daw si Nadine na natutulog siyang may katabi sa kama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuksong turo niya sa kanyang mister, “Mula nang dumating siya.

“Siya talaga ang lalaking hinihintay ko. Heto na, heto na ito.

“Nagkakilala kami, after a week, naging kami.

“‘Tapos, after three months, nag-propose siya in a building.

“After six months, we got married.”

Nakatakdang tumulak ang mag-asawa papuntang Bali, Indonesia, sa October 28, para sa kanilang second honeymoon.

Ang unang honeymoon nila ay ginawa sa Hong Kong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN