Coco Martin settles controversial issue, vows support for Gabriela women’s group

Coco Martin on leveling up his social responsibilities as an actor: “Sabi ko nga, ako alam ko naman bilang artista yung responsibilidad ko as an actor sa mga audience ko.”


Nakakangiti at nakakahalak na ngayon si Coco Martin matapos niyang dumaan sa isang kontrobersiya sa pagitan nila ng Gabriela Party List dulot ng segment na ginawa niya sa nakaraang Bench underwear fashion show na The Naked Truth.

Nakikipagbiruan pa si Coco sa mga kaharap niyang mga miyembro ng entertainment press kabilang na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa panayam sa kanya sa press visit ng grupo sa location taping ng magwawakas na nilang serye sa ABS-CBN, ang Ikaw Lamang.

Inamin ni Coco na nalungkot siya no’ng mga nakaraang linggo dulot ng pagpuna ng Gabriela women’s rights advocacy group sa kanyang ginawa sa nabanggit na show.

Nauna nang binatikos ng Gabriela ang Bench at saka nila isinunod si Coco, dahilan para maglabas ng official public apology ang pamunuan ng naturang retail empire at ng panig naman ng aktor.

Saad pa ni Coco sa pagbabalik-sigla niya ngayon, “Nalampasan ko na kasi yung nakaraang problema ko.”



DEEPLY AFFECTED. Gaanong kaseryoso ba ang pinagdaanan ni Coco dahil sa naturang insidente?

Pagbabalik-tanaw ni Coco, “Down na down ako noon. Siyempre, kumbaga, nandito tayo para magtrabaho. And then, naapektuhan yung trabaho ko.

“Siyempre, on my part, sa pagkakaalam ko wala naman akong ginawang mali.

“Gaya nga ng sinabi ko, inaamin ko na may pagkukulang ako hindi ko siya natingnan sa malalim na anggulo. Yun siguro yung pagkakamali ko.”

Sa gitna ng isyu, marami ang nagtanggol at sumuporta kay Coco—isang pruweba ng pagpapakita o pagpaparamdam ng pagmamahal ng mga ito sa kanya.

Komento ng Indie King, “Yun nga ang nakakatuwa. ’Pag dumating pala sa iyo yung gano’ng problema, doon mo makikita kung sino yung totoong tao sa iyo at saka yung mga totoong nagmamahal.”



APOLOGY FROM BENCH. Inunawa rin naman ng Bench ang situwasyon ni Coco.

“Actually, nakakatuwa. At least, hindi naapektuhan yung ano [business relationship] namin ni Sir Ben [Chan, owner ng Bench].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Di ba parang yung iba tini-take yung opportunity para hindi kayo magkaayos, hindi kayo magkaproblema?

“Nakakatuwa dahil supportive pa rin sila sa akin,” lahad niya.

Kinumpirma naman ni Coco na nakapag-usap na sila ni Mr. Ben Chan. Nai-post pa niya ito sa kanyang Facebook.

Kuwento niya, “Opo, kasi nag-pictorial ako sa kanila kahapon [Thursday, Oct. 16] for Christmas campaign.

“Kuwentuhan lang kami. Siyempre, humingi rin kami ng paumanhin sa isa’t isa. Siyempre nga, hindi naming inaasahan sa pare-pareho na magkakaroon ng ganong problema.”

Anong sinabi ng Bench kay Coco?

“Siyempre, humingi siya ng paumanhin kasi nga tinamaan ako doon sa isyu. Pero sabi ko nga nauunawaan ko yun, wala namang may gusto no’n.

“Yung nangyari depende sa paningin ng bawat tao. Hindi rin naman namin masisisi yung ibang tao.

“Iba, e, iba-iba yung tingin ng mga tao na ang tingin sa mga bagay-bagay ay okey lang yun. Yung iba naman hindi maganda yung pagtingin nila.

“Depende nga sa taong tumitingin. Pero sa kabila nga nun, siyempre, humingi kami ng paumanhin sa mga taong naapakan namin at nasaktan namin lalo na ang mga kababaihan,” seryoso niyang pahayag.


RENEWED SOCIAL RESPONSIBILITY. Mas lumalim ba ang social responsibility ni Coco bilang artista dahil sa nangyari?

Sagot niya, “Oo. Sabi ko nga, ako alam ko naman bilang artista yung responsibilidad ko as an actor sa mga audience ko.

“Hindi all the time na talagang nakatutok ka or ano? Siyempre, may mapapabayaan ka.”

SUPPORT FOR CONCERNED GROUPS. Bumalik na ba ang mga offers kay Coco o yung sinasabing nawala ang iba pang mga opportunities dahil sa isyu?

Nakangiting sagot naman ni Coco, “Oo, okey na. Actually, nakakatuwa nga. Mula nung magkausap kami ng ibang... yung Gabriela saka nung ibang group na concerned, nagbalikan na agad.

“Siguro, tinignan muna nila kung paano ko iha-handle yung situation. Sabi ko nga, kumbaga, inako ko na yung pagkukulang o pagkakamali sa nagawa ko yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi na dinetalye ni Coco kung ano yung magiging suporta niya sa mga concerned groups.

Sabi niya, “Nandun yung support ko sa kanila pero siyempre, sabi ko nga sana magkaroon ako ng…sana yung schedule ko mabuksan.

“Nung sinabi nila sa akin yun [cause-oriented events ng Gabriela] may naka-set na kaming schedules, e.

“Sabi ko nga if ever na wala akong work, bakit hindi? Kumbaga, yun lang naman ang pagkakataon ko masuklian o masuportahan lalo na yung mga kababaihan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN