Rich Asuncion prays for fellow Boholanons on first anniversary of killer earthquake

Rich Asuncion shares how her fellow Boholanons are slowly getting back on their feet after last year’s killer earthquake: “Isang taon na pala ang nakalipas at maayos na ang takbo ng buhay sa Bohol. Although maraming kailangan pang ayusin doon, ramdam mo naman na masigla na ulit ang mga kababayanan natin.”


Kabilang ang Kapuso actress na si Rich Asuncion sa mga nagdasal para sa kanilang mga nasawing kababayan sa Bohol noong sumapit ang first anniversary ng pagtama ng killer earthquake sa kanilang probinsya nitong nakaraang October 15.

Naalala pa ni Rich ang kanyang pagkataranta last year nang mabalitaan niya ang nangyari sa kanyang hometown. Inalala raw niya nang husto ang kanyang bunsong kapatid at ang kanyang lola.

“Tandang-tanda ko pa na sobra akong na-stress noong araw na iyon kasi iyak nang iyak yung kapatid ko. Na-trauma siya sa lakas nung lindol. I flew the next day to Bohol para maasikaso ko sila.

“Isang taon na pala ang nakalipas at maayos na ang takbo ng buhay sa Bohol.

“Although maraming kailangan pang ayusin doon, ramdam mo naman na masigla na ulit ang mga kababayanan natin.

“Yung kapatid ko, okey na siya pero alam kong may takot na siya sa lindol. Kaya from time to time, nag-uusap kami.

“Kapag may mahaba siyang bakasyon, kasama ko siya dito sa Manila,” pahayag pa ni Rich nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa GMA Network Center kamakailan.

Pinagdasal nga ni Rich ang mga kababayan niyang nasawi sa lindol, lalo na raw yung mga kilala ng kanilang pamilya.

“Nakakalungkot lang isipin na gano’n ang nangyari dahil may mga pamilya silang naiwan. Kasama sila sa mga prayers namin.

“Kahit paano, noong mangyari nga ang trahedyang iyon, mabilis kaming kumilos ng mga classmates ko at ng ibang pa naming mga kaibigan. Nakapag-organize kami agad ng relief operation.

“Kaya marami kaming natulungan na madala sa ospital, madala yung iba sa evacuation centers at mabigyan sila ng pagkain at gamot.

“Nag-fundraising event din kami at lahat ng kinita ay diretso naming binigay sa mga taong naging biktima ng lindol.

“Dasal namin na hindi na ulit mangyari iyon sa Bohol,” panalangin pa ni Rich.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

KONTRABIDA ROLE IN YAGIT. Kasalukuyang busy naman si Rich dahil sa bago niyang sinasamahan na teleserye na Yagit.

Gagampanan ni Rich ang papel ni Odette, ang babaeng obsessed kay Victor (played by James Blanco) at pilit niyang ilalayo ito kay Dolores (played by Yasmien Kurdi).

“As usual, kontrabida na naman tayo. Nagulat ba kayo?” sabay tawa niya.

“Tanggap ko naman na pangkontrabida ang aura ko kaya ginagalingan natin.

“’Tsaka first time akong madirek ni Ms. Gina Alajar. Idol ko si Direk Gina dahil nakapag-acting workshop na ako sa kanya dati.

“Kaya ayokong mapahiya sa kanya. Kung ano ang mga natutunan ko sa kanya noon, iyon ang ina-apply ko sa character ko in Yagit.”

Perennial kontrabida na nga si Rich dahil halos lahat ng mga Kapuso leading ladies tulad nila Jackie Rice, Glaiza de Castro, Kris Bernal, Jennylyn Mercado, Sheena Halili at LJ Reyes ay nakatikim na ng kanyang pagtataray.

“Okey lang naman kasi masarap kaya maging kontrabida.

“Walang pressure sa akin kasi nanggugulo lang naman ako. Pambu-bully lang naman ang drama ko parati. At ang latest victim ko ay si Yasmien Kurdi. Kaya humanda siya!” tawa pa niya.

FINISHING STUDIES. Napagsasabay nga ni Rich ang kanyang pagiging busy sa TV at ang pag-aaral. Kasalukuyang tinatapos niya ang kanyang Tourism course sa UP Diliman.

Kuwento niya, “Medyo matagal pa ako matatapos dahil ilang subjects lang ang kinukuha ko.

“Mahirap kasing mag-full load dahil nagtatrabaho tayo. Kumukuha ako ng schedule na hindi tatama sa taping days ko.

“So far, okey naman ang grades ko at nakaka-attend ako ng classes. Kahit puyat at pagod, kailangan nating makatapos ng pag-aaral.

“I also plan to take up a filmmaking course. Binalak ko ngang mag-shift sana. Pero nanghinayang naman ako sa mga naibuhos ko nang panahon sa Tourism.

“Kaya after na lang siguro ng kurso ko, puwede naman akong um-attend ng filmmaking workshops. Kapag may budget pa tayo, siguro mag-enrol na rin ako sa isang filmmaking course.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HAPPY FOR MAXENE. Isa si Rich sa naging close kay Maxene Magalona. Pero matagal na rin daw silang hindi nag-usap at nagkita kaya laking-gulat niya noong malaman niyang wala na ito sa Kapuso network.

“Before kasi madalas kaming lumabas. Magkakasama kami nila Bianca King, Bubbles Paraiso, at Glaiza de Castro.

“Pero noong maging busy ako sa school, hindi na ako nakakasama na sa kanila parati. Hanggang sa naging busy na rin si Glaiza. Si Bianca at Bubbles naman, wala na rin kaming balita sa kanila.

“Kaya nagulat ako na nasa kabilang network na pala si Max. Siguro matagal na niyang gusto iyon. Wala namang masama.

“Siyempre, happy naman ako sa friend ko saan man siya magtrabaho,” pag-amin pa ni Rich na kasama rin sa indie film na Bigkis kunsaan kasama niya sina LJ Reyes, Enzo Pineda, Pancho Magno, Mike Tan, Lauren Young, Rosanna Roces, at Perla Bautista.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN