Dingdong Dantes on running for the Senate in 2016: "It’s not part of my plans right now."

Kapuso Primetime King and National Youth Commission Chairman Dingdong Dantes was a resource speaker at the kick-off of the 5th San Juan Inter-Elementary School Basketball Tournament held at the San Juan gym last Friday, October 17.


Muling pinabulaanan ni Dingdong Dantes ang espekulasyon na may plano siyang kumandidato bilang senador sa May 2016 elections.

Ito ay sa kabila ng kaalamang kasama ang Kapuso Primetime King sa listahan ng Senatorial Preference sa nakaraang Pulse Asia Survey na nailathala noong September.

“Well, it’s a survey. Lahat naman entitled to be part of it,” pahayag ni Dingdong.

Nasa 28-30 ang ranking ni Dingdong, na nakakuha ng 11.1 percent boto mula sa 1,200 na respondents sa naturang survey.

READ: Vilma Santos, Manny Pacquiao, Dingdong Dantes cited in 2016 Senate Poll

Nang tanungin kung plano niyang sumabak sa politika, iginiit nito na sa ngayon ay tutok siya sa nalalapit na kasal nila ni Marian Rivera.

Aniya, “It’s not part of my plans right now. Ang pinaka-importante sa akin ngayon ay yung pamilyang bubuuin ko, yung trabaho ko sa National Youth Commision at sa GMA [Network].”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong sa kick-off ng 5th San Juan Inter-Elementary School Basketball Tournament sa San Juan gym noong Biyernes, October 17.

WEDDING PREPS. Samantala, ibinahagi ni Dingdong na unti-unti nang nabubuo ang preparasyon para sa engrandeng kasal nila ni Marian sa December 30.

Ayon pa sa 34-year-old actor, pareho silang hands-on lalo na pagdating sa pagpili ng kanilang entourage sa magaganap na Catholic wedding ceremony.

“To give you a glimpse, isa sa mga kasama ko sa Kubot: The Aswang Chronicles 2 kabilang sa aking groomsmen, si KC Montero.

“Mula pa nung nag-umpisa ang SOP sa GMA, magkakasama na kami.

“May mga bagay na hindi pa tapos pero slowly nagiging malinaw na yung mangyayari sa araw na yun.

“So more excitement ang nararamdaman ko,” nakangiting saad ni Dingdong.

At kahit na mahigit dalawang buwan na lang bago ang kanilang wedding day, siniguro ni Dingdong na maayos ang takbo ng preparasyon nila ni Marian para rito.

“So far, wala kaming pinagtatalunan. Basta itong araw na ito ay para sa kanya. Whatever will make her feel happy, siyempre yun ang gagawin natin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kabilang banda, tumangging magbigay ng detalye si Dingdong tungkol sa bahay na titirhan nila.

Ayaw din nitong sabihin kung nagpapatayo na ba sila ng kanilang bahay at kung maaari na itong tirhan pagkatapos ng kanilang kasal.

“Basta we’re working on it,” simpleng saad ni Dingdong.

Hiningan din ng reaksiyon ang Kapuso actor kung ang pagpapatayo ng bahay ang dahilan kung bakit tumagal ng dalawang taon ang engagement period nila ni Marian.

“No, hindi factor yun,” sagot ni Dingdong.

“It’s very ideal to have that pero siyempre hindi yun ang magiging hadlang para matuloy sa altar ang kasal.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN