Angelica Panganiban stays mum on concubinage charges

Angelica Panganiban stays mum on concubinage charges filed by Mary Christine Jolly: “Hindi ko na po kailangang sagutin yun. Mapapahamak po talaga ako. So, hindi ko na po sasagutin.”


Tila masayang-masaya at nasa mood magpatawa si Angelica Panganiban sa halos lahat ng sagot niya noong nakaraang press conference ng kanyang bagong pelikula under Quantum Films and Skylight Films na Beauty In A Bottle, noong October 17, sa 9501 restaurant sa ABS-CBN compound.

Inilalarawan pa lang ni Angelica ang karakter niya sa pelikula ay natatawang sabi na niyang, “Ako po si Estelle, ako po ang artistang mataba at talaga namang walang ka-effort-effort nang ginampanan ko ang role.”

Makikita nga naman sa trailer pa lang na nadagdagan talaga ang timbang niya.

Matagal na nilang na-shoot ang movie?

“Oo, nagpataba talaga ako dito. Wow!

“Nagpataba talaga ko for my role. Ganoon po talaga akong artista.

"Yun nga po, may isyu si Estelle sa weight niya, very true-to-life lang po!" natatawa pa rin niyang sabi.

HUMOROUS ROLE. Hindi naman daw siya nagdalawang-isip na tanggapin ang pelikula kahit na kakaiba ang humor nito pagdating sa karakter niya.

Kuwento ni Angelica, “Hindi po. Actually, noong nabasa ko ang script matagal na, talagang na-challenge ako for the role.

“Ang iniisip ko noon, paano ako magpapayat sa dulo? Yun naman pala, madali lang ang solusyon, magpataba na lang ako, saka na lang magpapayat.

“Pero ano po siya, yun talaga ang pini-pinpoint ng story, yung weight ko, pero malaki po ang kayang i-tackle ng weight ko.

“Kasi nga, lalo na sa aming mga artista, kung paano ka basta-basta husgahan ng mga tao.

“Hindi mo naman alam ang struggle ng bawat artista o normal na mga tao.

“Ang bilis-bilis nilang [maghusga] dahil sa hitsura nila, so ayun yung tinackle ng character ko.

"Actually, halos kaming lahat naman."

CONCUBINAGE ISSUE. Nabigo naman ang entertainment press na makakuha ng anumang sagot mula kay Angelica dahil sa pagkakadawit niya sa legal issues ng dating boyfriend na si Derek Ramsay sa asawa nitong si Mary Christine Jolly.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kamakailan lang, pati si Angelica ay sinampahan ng reklamong concubinage.

Nakiusap naman nang maayos si Angelica sa press kahit na pinapasagot sana sa kanya ang isyu, lalo pa’t may tatlong oras na naghintay ang entertainment press bago magsimula ang kanilang press conference.

Pero ayon kay Angelica, “Sorry po, actually, ang call time ko po ay 12:30.

"I don’t think... well, huwag niyo naman pong ipasa sa akin ang kasalanan ng iba.

“Hindi ko na po kailangang sagutin yun. Mapapahamak po talaga ako.

"So, hindi ko na po sasagutin."

DRAMA TO COMEDY. Nakilala si Angelica bilang isang mahusay na dramatic actress. Ngayon ay kilala na rin siya bilang isang mahusay na komedyante.

Naniniwala naman si Angelica na malaking bagay ang halos anim na taong pagiging mainstay ng Banana Split: Extra Scoop at Banana Nite sa pagiging komedyante niya.

“Opo naman, malaking bagay. Siguro akala nila naglalaru-laro lang kami.

"Pero nakilala ako simula bata, nagda-drama, simula 1993, yun na ang ginagawa ko. Pero parang nakasanayan mo na siya.

"Pagdating sa drama, yung emotion mo na lang talaga ang gumagana.

"Pero pagdating sa comedy, talagang gumagana ang utak.

“Noong high school ko na lang huling ginamit ang utak ko, e.

“Pero ngayong may comedy na, kailangan pala matalino ka, kailangan smart ka, witty ka. Hindi puwedeng papatay-patay ka.

“May emosyon ka na, may talino ka pang kailangan,” diin niya.

DEDMA” TO BASHERS. Sa isang banda, iba’t ibang pangba-bash na rin ang natanggap niya lalo na sa social media.

Yung tinutuligsa, nilalait siya dati dahil sa weight niya, kaya naman niya itong dedmahin.

Hindi talaga siya nagpapaapekto?

“Hindi, kasi yun ako, e. Ako ‘to, e. Choice ko ‘to.

“Ngayon, gusto kong gawin, kumain, mag-enjoy, ayokong mag-make-up, ‘eto ang gusto ko, katawan ko ‘to.

“Kung hindi ko ito trip, kung hindi ko gusto, e, ano naman, hindi rin naman kita gusto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, pantay lang, ‘di ba?

“Kapag nag-ayos kasi ako, sobra ko namang ganda. Parang next to God na ang kagandahan ko!" ang sabi niyang may kasamang biro.

“So, binibigyan ko lang ng chance ang iba. So, yun ang ginagawa ko, konting nagpapakumbaba lang ako.

“Kaya minsan, hindi talaga ako nag-aayos, nagde-dress down ako.

"Kasi kapag tinodo ko, inggit kayong lahat!"

NO TO LIPO. Pero sa seryosong sagot niya, may pagkakataong nasasaktan din naman daw siya sa mga pangba-bash.

Sabi niya, “Hindi naman ako bato, ‘di ba? Siyempre, may impact yun. Masasaktan at masasaktan ka talaga.

“Buti na lang may pelikulang ganito, malulusutan ko talaga ang katabaan ko.”

May pagkakataon ba na dahil naba-bash siya sa pagtaba niya noon, nasabi niyang magpapapayat na siya?

“Noong nakita ko naman ang sarili ko, nandiri na ako: ’Ay, ang taba!’ Napamura ka na, yung ganoon.

“Pero kasi, kailangan din naman kasi sa movie. Professional naman ako.

"Uy, panoorin niyo ang movie, totoo ang sinasabi ko! Akala niyo kasi lahat joke,” pag-amin pa niya.

Kung ang ibang artista naman ay sanay na magparetoke, si Angelica ay tahasan daw niyang masasabing wala pa siyang retokeng ginawa sa katawan niya.

“Takot ako e,” sabi niya.

“At saka parang pagtatawanan ako ng mga tao. ’Naapektuhan si Ate, nagpa-lipo.’

“At saka, takot lang talaga ako. Sabi nila masakit.

"Marami na akong pinagdaanang sakit sa buhay ko, tama na yun. Wow!” tawa na naman niya.



FAT MEMO? Ano ang mga ginagawa niya para ma-maintain ang kanyang katawan at ganda?

Sabi ni Angelica, “Well, actually, sa totoo lang, noong ginagawa ko talaga ‘to, na-enjoy ko talaga siya.

"Kung ibang pelikula siguro ‘to, grabe na ang pressure sa akin na ang laki kong tingnan, kailangan talaga na mag-crash diet ako.

“So, noong ginagawa ko siya, all the more na nakita ko na ganoon ako kataba, nae-enjoy namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, hirap na hirap kaming kuhanan yung eksena kasi tawang-tawa kami palagi sa hitsura ko.

“Yun siguro... siyempre mahirap siya, kasi hindi lang naman ito ang trabaho ko. May iba pa akong kailangang gawin.

“’Tapos, maririnig mo na nga ang mga tao, siyempre yung management, na sasabihing sobra na, yung ganun.

"So, kailangan mo talagang ibalik yung dating ikaw, kung saan ka nagustuhan ng mga tao.

“Siyempre, kailangan lovable pa rin, charming ka pa rin tingnan at maganda ka pa rin tingnan sa paningin nila.

“Kung medyo mataba ka, baka ilipat nila ang channel.”

At nagbibirong sabi pa niya, “Iniisip ko lang din si Ma’am Charo [Santos-Concio, ABS-CBN president].”

Nakatanggap na siya ng "fat memo"?

“Fat memo? Hindi, text lang: ’Iha, tama na.’

“’Opo, Ma’am Charo, pipirma na po ako ng kontrata, natatakot na po ako!’” biro pa rin niya.



LLOYDIE’S FAVORITE PART? Bilang tungkol na rin sa pisikal na kagandahan ang pinag-uusapan at tema ng pelikula nila, sa parte ng katawan niya, ano ang alam niyang paborito talaga ng boyfriend na si John Lloyd Cruz?

Ayon kay Angelica, “Feeling ko, yung lips ko. Kasi, palagi niyang kini-kiss.”

Kailan niya nararamdaman na she’s at her most beautiful?

“Siguro noong nakilala ko si John Lloyd. Wow! Oo, totoo!

"Noong nasa Vietnam ako. Talaga nga naman!" natawang sagot niya.

Sa Vietnam pala talaga nangyari, noong nagsu-shooting sila ng pelikulang 24/7 In Love?

“Magkaaminan na ‘no!” natawang sabi niya.

“Basta, parang ang ganda ko, ang kapal ng hair ko, ang lago, ang ganda. Ganda ng smile ko, ang puti ng ngipin. Lahat talaga, iba talaga.

“Kasi ano, feeling ko ano siya, para bang may dumating na blessing sa buhay ko noon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN