Solenn Heussaff says being Heart Evangelista’s bridesmaid has nothing to do with being excluded in Marian-Dingdong wedding

Although Solenn Heussaff is not invited to the wedding of Marian Rivera and Dingdong Dantes, Solenn says there’s no issue between her and Marian: “Ah, feeling ko walang ganyan. Si Marian, super mabait siya sa akin. She’s very nice. We’re not super-close. Dapat ’pag wedding nandun yung mga super-close mo.”


Kung siya ang masusunod, ayaw nang pag-usapan pa ni Solenn Heussaff ang ano mang isyu na ugnay sa dating boyfriend niyang si Derek Ramsay.

Sinubukang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Solenn tungkol kay Derek sa exclusive interview namin sa kanya matapos ang presscon proper ng Ilustrado noong Thursday, October 16. Pero nakiusap ang Kapuso contract actress na huwag na siyang tanungin ng anumang may kaugnayan sa TV5 actor.

Ang rason niya? Bugbog na raw siya sa katatanong tungkol kay Derek, gayong matagal na silang hiwalay nito at wala naman siyang kinalaman sa isyu nito sa kanyang asawa.

Sabi pa ng model-turned-actress, mula pa raw nang pumasok siya sa showbiz at nalaman ang ugnayan nila ni Derek ay hindi na siya tinantanan ng kakatanong tungkol dito.

Kaya naman ayaw na niyang magsalita at makisawsaw pa sa mga isyu.

Alam naman daw ng live-in partner niya na natatanong siya tungkol kay Derek.

Pagkumpirma niya, “He’s aware. Wala, okey lang naman sa kanya. Pero kasi parang ang tagal-tagal na noon—17 years old pa lang ako.

“So nakapag-move on na lahat. Parang lagi na lang natatanong sa akin, kaya ayaw ko na.”



WEDDING PLANS. Mas game pa si Solenn na sagutin ang tungkol sa bali-balitang pakakasal na siya sa susunod na taon ayon sa rebelasyon ni Anne Curtis sa presscon noon ng The Gifted. Sinabi ni Anne na pakakasal na raw si Solenn sa kasintahan nitong Argentinian na si Nico Bolzico.

Napangiti si Solenn nang marinig ang sinabi ng soon-to-be sister-in-law niya sa nakakabatang kapatid na si Erwan Heussaff.

Ayon kay Solenn, “Parang joke lang naman yun.

“Alam naman nila na gusto ko dahil nagli-live-in na kami for three years. Baka mangyari yun in the near future.”

Bagamat ganito ang unang reaksyon ni Solenn, idiniin namin sa kanya na parang sigurado si Anne sa kanyang pahayag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napangiti uli si Solenn, sabay paliwanag, “She was just joking. Sa totoo, wala. Wala.

“Pero sa totoo ’pag mangyayari ’yan hindi ako magpi-presscon. ’Pag may singsing na ako, alam mo na, yun na yun.

“Hindi ako magtu-Twitter, kahit Instagram. Hindi ako gano’n, e.

“Yung Instagram ko mas sa work, e. Minsan I put my... minsan I like to share my recipes. Pero ’pag kasal na or engagement, para sa akin na lang yun.”

KEEPING IT PRIVATE. Ano ang nararamdaman ni Solenn na mas nai-excite pa yung ibang tao na malaman kung kailan sila ikakasal?

Sabi pa niya, “Feeling ko since I was sharing a lot of my life with them on Twitter and Instagram, of course, kikiligin sila.

“Who doesn’t get kilig sa engagement? Kahit ako, hindi ko sila kilala, may proposal sa harap ko, super kilig na kilig ako.

“I think it’s part of life. We’re getting at that age na rin, magti-30 na ako. Tingnan na lang din natin.”

Hindi kaya dahil uso ang engagement ngayong taong ito kaya ayaw niyang sumama sa bandwagon?

Mabilis niyang pagsang-ayon, “Yun din, kaya ayokong maki-uso. Ayoko talaga. Pero tingnan natin sa future.”

Hindi raw nila pinag-uusapan ng kanyang boyfriend kung kailan ito magpu-propose. Mas gusto raw niyang sorpresa niya itong mararanasan.

Kaya ba ayaw niyang i-share sa public kapag engaged na siya dahil ayaw niyang mapasukan ng intriga ang plano nilang pakasal?

Dagdag pa niya, “Para sa akin at the end of the day, ’pag maganda yung mga pictures, you want to share, of course.

“Pero ako, I’ll share... yung buong thing. But at the end of the wedding, ’pag meron ng pictures, I’ll share it sa websites na pang-bridal.

“Pero hindi ako magpi-presscon. Hindi ako magpu-post kung may meeting ako with a designer. Para sa akin talaga yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Pag tapos na ang kasal, siguro puwede kong i-share. Yung details sa akin na lang, para ma-surprise din yung friends ko pag pupunta sila sa wedding.”

WEDDING IN FRANCE. Sa ibang bansa raw gustong magpakasal ni Solenn para limitado lang ang dadalong bisita at piling-pili lang ang iimbitahan nila.

Detalye niya, “Alam nila na gusto ko abroad, sa France.”

Biniro namin si Solenn na magastos ang plano nilang magpakasal sa ibang bansa.

Sagot naman niya, “Actually, sa lahat ng mga countries magastos talaga kahit dito sa Pilipinas.

“You just have to [observe] simplicity. Ako super-simple ako.

“Hindi ako yung type na ang daming catering. Simple table setting... Yun ang gusto ko.

“Yung chill lang, 60 to 40 people lang.”

Siya rin ba ang magpu-provide ng airfare at accommodations ng mga bisita niya lalo na sa mga kaibigan?

“Ay, hindi! Siyempre sila ang gagastos no’n. Magpu-provide ako sa make-up artist. Pero sa bridesmaid or guests, silang bahala. Ako ang gagastos sa clothes ng bridesmaid. Yung biyahe, hindi.

“Hindi ako senator!” pagtanggi niya na may halong biro.



SOLID RELATIONSHIP. Gaanong ka-excited si Solenn sa papasukin niyang buhay may-asawa kahit mahigit tatlong taon na silang nagsasama ni Nico?

Lahad niya, “Actually, it’s not the excitement anymore. Like I’ve said, live-in na kami for three years. So parang kasal na kami, kulang lang ng papel.

“It will be more exciting sa pagbubuo ng mga kaibigan namin from all around the world sa isang place. Yun ang exciting part.

“Yung iba, whatever. We’re already living together.”

Sa tingin niya, bakit kaya tumagal ang relasyon nila ni Nico? May kaugnayan kaya dito ang pagiging foreigner nito?

Paglinaw naman niya, “Para sa akin it’s not about the lahi. If you’re a good match, you’re a good match.

“So it happens na foreigner yung good match ko ngayon. Baka sa ibang panahon baka mas Pinoy yung match ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’ve dated many Filipinos. I’ve dated many. Gusto ko open-minded at hindi seloso. Yung lahi hindi naman importante.”

Kailan nagkaroon si Solenn ng katiyakan na si Nico na ang lalaking gugustuhin niyang makasama habambuhay?

Ayon kay Solenn, “Alam mo, feeling ko you’ll know when you know talaga.

“I’ve been through mga four relationships na serious, at sa age na ito, parang nakita kong super-support siya sa trabaho ko.

“Nagugustuhan niya yung friends ko, yung pamilya ko. Kahit we don’t see each other, we text each other, walang problema. We’re very trustworthy.

“Very relaxed. Parang single lang ako, hindi yung, ’Hay naku, kailangan kong mag-text.’

“Like this morning dumating ako [sa bahay] 7 am from taping ng Ilustrado.

“Nakita ko lang siya sa kama, tulog. ’Pag gising ko, wala na siya. I don’t even text na nandito ako, magkikita kami mamaya sa gabi.

“Parang chill lang. Hindi yung, ’Babe, I’m on my way to work. Babe, blah-blah.’

“May parents na ako, hindi na kailangan ng... ’di ba?”



ANNE-ERWAN WEDDING. Naibahagi namin kay Solenn ang naobserbahan naming pamuuo ng luha sa mga mata ni Anne nang malaman nito na sinabi nang una na mahal na mahal siya nito.

Muntik nang maiyak si Anne sa iba pang sinabi ni Solenn na kapag nalaman niyang sinaktan ito ng kapatid niyang si Erwan, susuntukin niya ang huli.

Nangingiting pahayag ni Solenn, “Gusto ko si Anne kasi. But of course, my brother is my brother. I love my brother. Pero the last few years that I’ve known them, wala silang away.

“So hindi mangyayari yun,” na ang tinutukoy nito ay ang pagkumpronta niya sa kapatid.

Hanggang ngayon daw ay wala pang ideya si Solenn kung may plano ng magpakasal sina Anne at Erwan.

“Siyempre naman alam ko yung brother ko na super love niya si Anne. Pero bata pa siya, 27 [years old] lang siya. Feeling ko pag 32 [years old] na yung brother ko… matagal pa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



MARIAN-DINGDONG VS HEART-CHIZ WEDDING. Malabong dumalo si Solenn sa kasal nina Marian Rivera at Dingdong Dantes dahil bukod sa hindi siya invited, isa siya sa mga bridesmaids ni Heart Evangelista sa kasal nito kay Sen. Chiz Escudero sa February 2015.

Malaking factor ba yun na bridesmaid siya ni Heart kaya hindi siya inimbita sa kasal ni Marian? Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagkakaayos sina Heart at Marian.

Mabilis namang sagot ni Solenn, “Ah, feeling ko walang ganyan. Si Marian super mabait siya sa akin. She’s very nice. We’re not super-close. Dapat ’pag wedding, nandun yung mga super-close mo.

“Si Heart, I’ve been friends with her for nine years na. Kahit bago ako nag-showbiz, kaibigan ko na si Heart.

“Marami kaming kalokohan together. So... nandun ako sa wedding niya.

“You know, we’ve been talking about this and everything, mangyayari na rin talaga.

“Happy ako sa kanya [Heart], sobrang happy rin ako kay Marian. We all know it’s gonna happen.”

Nagkasama sina Solenn at Marian sa pelikulang Temptation Island, kung saan kabilang din sina Heart Evangelista at Lovi Poe.

Noong magkaroon ng isyu sina Marian at Lovi, bineso ng una si Solenn at dinedma lang nito ang huli. Noo’y magkatabi si Solenn at Lovi.

Sinabi naman ni Solenn na wala silang problema ni Marian at magkaibigan naman sila nito. Pero kahit nga magkaibigan ang turingan nila sa isa’t isa ay hindi pa rin imbitado si Solenn sa kasal ni Marian.

Umaasa pa ba si Solenn na magbabago ang isip ni Marian at iimbitahan siya sa kasal nila ni Dingdong?

Kibit-balikat ni Solenn, “Hindi ko alam. Ako, I don’t really... wala. Kasi we’re not close naman. Kahit sino pa, yung ibang mga kaibigan ko sa showbiz, hindi ako super-super close.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN