Judy Ann Santos awestruck working with legendary directors Peque Gallaga and Lore Reyes

Judy Ann Santos says it’s a dream come true working with directors Peque Gallaga and Lore Reyes: “Hindi ko lang nasabi kay Direk Peque ito, matagal ko nang gustong yakapin si Direk Peque ’tsaka si Direk Lore. Wala lang, parang feeling ko long-lost father, yung ganun.”


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Judy Ann Santos kahapon, Sabado, October 18, sa dubbing niya para sa T’yanak sa Wildsound Studios sa Sampaguita Pictures compound, Quezon City.

Doon ikinuwento sa amin ni Judy Ann kung paano nabuo ang pelikulang T’yanak na pinagbibidahan niya.

The rebooted horror movie is also directed by Peque Gallaga and Lore Reyes.

Kuwento ni Juday, “Actually, tumawag lang si Direk Peque, parang pinresent lang ni Direk Peque sa akin before pa. When they presented Drug Mule to me, isa ’yan sa mga napag-usapan namin.

“Matagal na, as in matagal na. And then sabi ko, ‘Oo naman, Direk, pasok ako diyan, go, go, go!

“And then hindi natuloy ang Drug Mule ’tapos nawalan na kami ng contact but we still kept in touch, text-text, ganyan.

“And then one day, he called me up and he told me about the FDCP na magkakaroon ng Horror [Plus] Film Festival, tapos parang napag-usapan nga nila na puro Philippine folklore yung gagawin nilang theme for the Horror Festival.

“And then they wanted to do T’yanak.

“And then they said they wanted me to do the role of Ms. Janice. So doon over the phone, um-oo na kaagad ako kasi napag-usapan na rin namin at saka bakit hindi, ’di ba?

“Bigyan mo ako ng magandang dahilan kung bakit hindi ko siya tatanggapin.

“E, chance ko na yun na makatrabaho si Direk Peque and at the same time ire-reboot mo yung T’yanak na talagang, hanggang ngayon kapag sinabi mong T’yanak, ang sasabihin pa rin nila, ’Anak ni Janice!’

“So talagang tumatak siya sa tao, hanggang sa generation na ito, so wala akong pagdadalawang-isip, ni hindi ako nagkaroon ng point na, ‘Direk, sandali, pag-iisipan ko.’

“Sinabi ko lang kailangan kong ayusin muna ang schedule ko ’tapos we had to meet after that.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

REMAKE. Ang T’yanak ay reboot ng orihinal na Tiyanak na pelikula nina Janice de Belen at Lotlot de Leon noong 1988 na ang mga direktor ay sina Peque Gallaga at Lore Reyes. Ang dalawang direktor ang siya ring gumawa ng T’yanak reboot kung saan tampok din sina Tom Rodriguez, Solenn Heussaff, Adrian Cabido, Chinggay Riego, Lorenz Martinez, Channel La Torre, at Sid Lucero.

May cameo appearances sa pelikula sina Janice de Belen, Alessandra de Rossi, Paolo Contis, Ricky Davao, Yayo Aguila at Lotlot de Leon.

Ipapalabas ito sa mga SM Cinemas mula October 29 hanggang November 4.

Kasali ito sa Sineng Pambansa Horror Plus Film Festival ng Film Development Council of the Philippines.

At kahit isa itong indie horror film, walang naging problema kay Judy Ann, kahit na napakaliit ng budget nito, lalo na pagdating sa kanyang talent fee.

“Hindi na, wala na akong pakialam diyan, ang pakialam ko lang kasi ang direktor ko si Direk Peque at si Direk Lore, gusto ko lang talaga silang ma-experience makasama sa trabaho,” diin ni Juday.

IN AWE OF THE MASTERS. Hindi raw nagkaroon ng pagkakataon dati na makasama ni Judy Ann ang mga nabanggit na master directors.

“At that time na medyo marami na akong ginagawang pelikula, naging busy din, plus parang nag-semi-retirement din si Direk Peque.

“So alam mo yun, yung devastated ka na kasi wala na, parang okay, so hindi na matutupad yung wish mo na sana makatrabaho mo sila, ma-experience mo man lang yung tandem ni Direk Peque at ni Direk Lore.

“At saka naririnig ko lang yung mga kuwento about them so hindi ko talaga sila alam, kilala ko sila, pero I’m sure hindi nila ako kilala, yung ganun.

“Plus siguro hindi ko lang nasabi kay Direk Peque ito, matagal ko nang gustong yakapin si Direk Peque ’tsaka si Direk Lore.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala lang, parang feeling ko, long-lost father, yung ganun.

“Yung, wala lang, gusto ko lang silang yakapin, gusto ko silang mahawakan, kung totoo ba sila,” at tumawa si Judy Ann.

At ngayon ngang nakatrabaho na niya ang mga ito, ano ang masasabi niya?

“Up until nung first day, pinapanood ko pa rin sila kahit na mga ilang beses na kaming nagmi-meeting. Pinapanood ko pa rin sila, ino-obserbahan ko pa rin sila.

“Tapos the whole time na nagsu-shooting kami, napaka... hindi kasi sila madamot, e.

“At saka napaka-honest nila, sa kung ano yung gusto nilang mangyari sa eksena, kung ano yung gusto nilang mangyari sa character mo, kung ano yung nakita nilang work mo before.

“Sasabihin nila talaga sa iyo.

“Sasabihin nila sa iyo kung ano yung gusto nilang makuha which I really, really appreciate kasi kailangan ng artista yun e, ’di ba?

“Hindi naman puwedeng nanghuhula ka lang lagi kung tama o mali yung ginagawa mo.

“At talagang every detail na sasabihin nila sa akin, isinasapuso ko talaga kasi importante yun e, importante sa akin yung words nila, e.”

LESSONS LEARNED. Ang pinaka-importanteng natutunan ni Judy Ann mula kina Direk Peque at Direk Lore…

“Yung up to now may direktor pa ring makatao.

“Kung paano ko nakitaan yung mga directors ko before, kung gaano sila makisama sa mga crew, iyon yung nagma-matter sa akin, e.

“Kasi ibig sabihin nagma-matter sa iyo yung buong pelikula.

“Hindi lang yung crew. Ibig sabihin, yung kabuuan inaalagaan mo, mula sa gumagawa mismo, sa mga nagki-create nun, hanggang sa i-e-edit mo siya.

“Isa pang lesson siguro yung hindi sila madamot.

“Iyon nga, hindi sila selfish sa kung ano yung natutunan nila, kung ano yung experiences nila.

“At saka ang bilis nilang magtrabaho, ang bilis!”

POSITIVE COMMENTS. Ano ang pinakapaborito niyang ginawang eksena sa T’yanak?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung finale sa kuweba. At saka yung unang eksena ko sa nursery, sa baby’s room, yung realization niya na may baby na siya,” saad ni Juday.

Nang mapanood ni Direk Peque ang finale, sabi nito, “We have an amazing finale!”

At sa halos bawat eksena ni Judy Ann ay laging napapa-sambit si Direk Peque ng: “Amazing!”

Sinabi pa nilang, “We were taken by surprise,” dahil dati ay naririnig lamang ng dalawang direktor na mahusay si Judy Ann pero nang nakatrabaho na nila ay nagulat pa rin sila.

Sabi naman ni Juday, “Talaga? Nakaka-flatter naman. talaga ba ’yan?

“Nakakataba naman ng puso ’yan.

“Kasi siyempre maliban sa sinusunod mo lang din naman yung gusto nilang ipagawa sa iyo, kapag naririnig ko ’yang mga ganyang words from the masters, parang it makes you want to do more films and explore other genres.

“May asim pa pala ako!” ang tumatawa pang bulalas ni Judy Ann.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN