Jaclyn Jose’s wish for daughter Andi Eigenmann: “I just want her to respect herself so other people will respect her.”

Jaclyn Jose (in photo) on daughter Andi Eigenmann’s openness: “Napaka-transparent ni Andi, napaka-honest. What is inside her head will come out of her mouth. Kung ano ang nasa puso inilalabas sa bibig.”


Kilala si Jaclyn Jose bilang isang premyadong aktres. Aminado naman siya na ang mga pinagdaanan niya sa buhay ang siyang pinaghuhugutan niya ng galing sa pag-arte.

“Oo, nagpatibay, nagpahina, nagpalakas, lahat ng aspeto,” sabi niya nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Ilustrado noong October 16.

Nakikita rin daw ni Jaclyn ang potensyal ng anak na si Andi Eigenmann para maging kagaya niya sa galing sa pag-arte.

“Kasi ginagalingan din niya ang trabaho niya. Ang husay rin, e. Wala akong puwedeng mai-comment sa kanya.

“Halimbawa, sinasabing lumalabas, nakikita sa labas, pakalat-kalat, hanging around, having fun. Okey lang yun. Okey naman siya sa trabaho niya, e.

“Disciplined, professional, she does her job well. She’s doing a movie now with Tikoy [Direk Aguiluz]. Hindi naman siya nali-late ever. 6 am ang call time niya, she’s there.

“Whatever escapades she has other than work, it’s none of our business, or my business.”



OPEN BOOK. Palaging naba-bash si Andi sa social media dahil sa pagiging open niya sa kanyang personal life. Isang halimbawa ang pag-amin niya sa paghihiwalay nila ni Jake Ejercito na ang dahilan ay ang pakikipaghalikan ng huli sa isang babae.

Komento ni Jaclyn tungkol dito, “Yun nga ang gusto ko sanang maiwasan niya—talking to the public about her personal life.

“Kasi ako, hindi ko pinag-usapan ang personal na buhay ko. Siyempre, may mga escapades din ako noon. Kailangan maingat ka. Make sure na simple-simplehan lang.”

Ipinaalala sa amin ni Jaclyn na minsan naming nakita ang kanyang escapades at nagpapasalamat ito dahil pinagbigyan namin ang pakiusap niyang huwag namin itong ilabas sa diyaryo.

Patuloy pa ng premyadong aktres, “Well, I just want her to respect herself so other people will respect her.

“I don’t like crying on TV kasi nasasaktan ako... Ang feeling ko, pag in-out niya ang life niya sa public, parang nakakapit na yung tao sa love story niya in real life, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Napaka-transparent ni Andi, napaka-honest. What is inside her head will come out of her mouth. Kung ano ang nasa puso inilalabas sa bibig.”

Naiinis ba siya sa ganitong karakter ni Andi?

“Gusto ko lang na matutunan niyang laruin ang industriya. Kasi baka akala niya ang pagpasok sa industriyang ito ay ang paggawa lang ng pelikula.

“Hindi, may kaakibat itong responsibility. You have to be careful, preventive, at bigyan mo ng privacy yung sarili mo,” diin niya.

Nahihirapan ba siyang kontrolin si Andi kaya pinababayaan na lang niya ito?

“Pinababayaan ko na lang siya kasi I can’t argue with her and deal with kung anu-ano bang puwede kong sabihin kay Andi for her to ano, e... Minold [mold] ko na siya. You have to be strong. Yung lumalakas kaming dalawa lang. Gano’n ko siya tinuruan.

“I’m always working. ’Babe, you have to be strong. You have to be on your own, you have to know how to handle things on your own.’ E, ayan ang bunga ng ginawa ko.”

Kanino kaya namana ni Andi ang ganitong character niya?

“Baka kay Mark,” nakangiting sagot ni Jaclyn na ang tinutukoy ay ang yumaong ama ng anak, ang aktor na si Mark Gil.

May regrets ba si Jaclyn na hindi sa kanya nagmana si Andi sa pagiging masikreto sa personal na buhay niya?

“Hindi natin masasabi kasi genes yun, e. Hindi maituturo yun, e. It comes naturally.

“Prangka rin naman ako, diretso rin naman ako, pero alam ko lang mag-edit sa brain bago lumalabas [sa bibig].”



LOVES JAKE LIKE A SON. Nagbago ba ang tingin ni Jaclyn kay Jake kahit nasaktan nito ang anak niya?

Si Jake Ejercito ay ang longtime boyfriend ni Andi na hiniwalayan niya. Isa ito sa mga anak ni Manila Mayor Joseph Estrada sa dating aktres na si Laarni Enriquez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon ni Jaclyn sa tanong, “Hindi. Hindi nabago. Mahal ko pa rin siya [Jake]. Kasi yung pagmamahal ni Andi kay Jake ay iba naman sa pagmamahal ko kay Jake."

Ano ba yung pagmamahal niya kay Jake?

Pag-amin ni Jaclyn, “Para ko na ring anak, e. Remember sabay kaming nagbuntis ni Laarni. Sabay lumaki sina Andi at si Jake. ’Pag umaalis na kami, iniiwan ko si Andi sa kanila nong maliliit pa sila.

“So basically, I saw Jake grow up. Noong hindi pa sila mag-boyfriend ni Andi, mahal ko na si Jake.”

Mahal niya ito kahit may hinanakit si Andi kay Jake, at kahit sinasabing hindi tanggap si Andi sa pamilya ng lalake?

“Isini-set aside ko yun. Remember, minahal ko si Jake hindi pa sila mag-boyfriend. Hindi lang si Jake; pati si Icka [Jericka], si Jacob, lahat ng anak ni Laarni.

“Si Laarni mahal rin niya ang mga anak namin.”

Alam ba ni Laarni ang nararamdaman niya para kay Jake at sa mga anak niya?

“Alam niya ’yan.

“Mahal ni Laarni yung mga anak ni Vero [Veronica Jones, dating aktres at nakatatandang kapatid ni Jaclyn]. Lahat ng anak ni Vero – si Abby, si Ana, si Arianne, si Boyita, kasi ninang siya.

“Mahal niya si Andi kasi halos lumaki rin sa bahay niya ito.”



WHY IS LAARNI AGAINST ANDI? Gaya ng pahayag ni Jaclyn sa mga naunang panayam niya, hindi niya gustong kontrahin ang pagtutol ni Laarni sa relasyon ng anak niyang si Jake kay Andi.

Lahad niya, “Karapatan ng isang ina na magsalita para sa anak niya. Wala akong puwedeng i-contest dun.”

Paano madya-justify ni Jaclyn yung sinabi niyang mahal ni Laarni si Andi gayong tutol nga siya kay Andi para sa anak niya?

Sagot ni Jaclyn, “Siguro mahal niya si Andi noong bago pa sila ni Jake, kasi naman...” na ang ibig sabihin nito ay noong bago pa silang mag-boyfriend ng dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Naalagaan rin naman niya si Andi noon. Siguro lang nabigla lang siya. Hindi rin naman namin akalain na magiging ganon [na nag-ibigan].

“Magkakalaro yang sina Andi at Jake. Kasi every New Year, may mga picture kami n’yan, e. Every year, nagnu-New Year kami sa Wack-Wack [residence ni Laarni].”

Siguro malaking factor ang pagiging dalagang ina ni Andi para tutulan ni Laarni ang aktres para kay Jake.

Sagot ni Jaclyn, “Baka. Kasi iniintindi ko na rin lang din. First reaction yun ng magulang, e. Kasi gusto nila what’s best for their children. Ako rin naman ganun din kay Andi.

“Kaya lang nangyari na ito at hindi ko puwedeng talikuran ito, e. Fact na ito, e. Reality na ito na may anak na si Andi and I’m taking care of Ellie [anak ni Andi]. I’m taking care of Andi.

“I want her to take care of herself bilang hindi ko kayang kayanin lahat. Hindi ako Superman. Kasi meron din akong anak na lalaki.”

Nananatili sa poder ni Jaclyn si Andi. At malamang bago matapos ang buwang ito ay makakalipat na sa sarili niyang tirahan ang anak.

“Sabi ko nga, go-go. Start a new life. With regards naman sa apo ko, kukunin ko yun ’pag may trabaho siya,” sambit pa niya.


STRAINED RELATIONSHIP WITH LAARNI? Nagbago ba ang relasyon ni Jaclyn at Laarni ngayong nagkakagulo sina Andi at Jake?

Paglinaw niya, “Sabihin na lang natin na huminto muna kami sa isa’t isa ng communication.

Paano kapag nagkita sila?

Dagdag niya, “For sure I will say hi and she will say hi also. I’m sure isasantabi namin muna ang mga bata. Kasi malalim ang pinagsamahan namin, e.

“Dalaga pa lang sila ng ate ko, magkaibigan na sila. Mayor pa si Erap, magkaibigan na sila ng ate ko, hindi pa senador, hindi pa presidente [si Joseph Estrada].”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maaari bang sabihing hindi na matitibag ang pagiging magkaibigan ni Jaclyn at Laarni kahit anong gulo o problema ang mamagitan sa pagmamahalan nina Andi at Jake?

Aniya, “Palagay ko. Hindi na namin saklaw yun, e. Hindi na namin sakop yun, e.”

Kung ganoon naman pala, bakit tumigil siya nang pakikipag-communicate kay Laarni?

Sagot niya, “Para lang walang clash o ma-trigger yung kung anuman yung isyu.”

Hindi kaya kasalanan ni Jaclyn at Laarni kaya nagkagustuhan ang mga anak nila?

Ani Jaclyn, “Ewan ko. Hindi ko alam. Basta, iniiwan ko lang [si Andi] sa bahay nila [Laarni] ’pag may pupuntahan ako. Tapos babalikan ko na lang pag tapos na akong magtrabaho.”



NO REGRETS. Pinagsisisihan ba ni Jaclyn na inilapit niya ang anak niya sa pamilya ni Laarni kaya nag-ibigan si Andi at Jake at nagkaroon tuloy ng conflict sa friendship nila ni Laarni?

Tugon niya, “Hindi. Kasi naman noon hindi naman ganyan ’yan, e. Nag-aaway nga ’yang dalawang ’yan.

“Makikita mo sa lahat ng birthday party ni Andi mula maliit hanggang lumalaki, nandun si Jake.

“Sa mga birthday naman ni Jake, nandun si Andi. Kaya marami silang childhood pictures. Present yan palagi.

“Siyempre, bitbit ni Laarni yung mga anak niya. Kunwari birthday ng anak ko, nandun siyempre si Jake. E, magkaedad ’yan e.”

Kaya pala ang turing ni Jake kay Andi ay greatest love niya kasi nga lumaki silang dalawa na palaging magkasama?

Sagot naman ni Jaclyn, “Siguro... pero nung mga bata pa ’yang mga ’yan, laru-laro lang. Hindi rin nila alam kung paano nangyari.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN