Jonalyn Viray admits snubbing incident with former La Diva co-members Aicelle Santos and Maricris Garcia

Jonalyn Viray on her "piyok moments": “Kung pumiyok man ako, kapag nagkamali, dedma lang. Daan na lang po sa dedma. Afterwards, tatawanan na lang namin. Yung mga totoong sumusuporta, sinasabi nila na okey lang ‘yan. Nagkakamali naman talaga. Bawi na lang sa susunod na kanta. Even yung great singers sa Hollywood at dito sa Pilipinas, nagkakamali rin po paminsan-minsan.”


Magkakaroon ng repeat sa November 14, 2014, sa Music Museum, ang Fearless concert ng Kapuso singer na si Jonalyn Viray.

Nang humarap si Jonalyn sa entertainment press sa presscon, hindi lamang ang repeat ng Fearless ang pinag-usapan dahil napuna ang diumano’y hindi pagbabatian at pagpapansinan nila nina Maricris Garcia at Aicelle Santos nang magkita-kita sila sa concert ni Frencheska Farr sa Teatrino Greenhills noong Huwebes, October 16.

Sina Maricris at Aicelle ang mga dating kasamahan ni Jonalyn sa singing group na La Diva.

Naging maingat sa pagsagot si Jonalyn at imbes na tumanggi, inamin niyang totoo ang napansin ng mga eyewitness.

“Siguro that time, nahiya lang po ako. Nagkahiyaan… nagkahiyaan kami,” sabi niya.

Hanggang ngayon, walang nagsasalita sa tatlo tungkol sa tunay na dahilan ng pagkabuwag ng kanilang grupo dahil hindi nagbigay ng detalye si Jonalyn.

Saad niya, “Kung anuman yung nangyari before, ano na lang po, iiwan namin nang ganoon-ganoon na lang.

“Hindi lang po pagkakaintindihan.

“May mga gusto rin tayo na gawin as individuals. Kanya-kanya rin po na fans club.

“Nagkakasama-sama kami sa Sunday All Stars.

“Kapag may chance naman, nagpapansinan kami. Nag-uusap-usap.

“Yung sa concert ni Frencheska, nagkahiyaan lang. Nagkataon lang.”



PIYOK MOMENTS. Katulad ng ibang mga singer, naranasan ni Jonalyn na pumiyok ng maraming beses habang kumakanta, at ito ang iiwasan niyang mangyari sa repeat ng Fearless sa November 14.

“Many times po, many times…

“Ganito kasi, siyempre ang bilis ma-upload agad sa Internet, sa YouTube. Hindi ko na lang po pinapanood.

“Yung mga tao, nagko-compile sila ng mga semplang moments, hindi ko na lang po pinapanood para hindi masakit.

“Maraming songs [na pumiyok ako], like ‘O Holy Night…’

“That time, nung rehearsals, nagawa ko talaga siya. Okey naman.

“Pero nung nag-live na, medyo sumakit ang lalamunan ko kaya nung kinanta ko na, hindi ko na naabot.

“Pero ngayon, natutunan ko na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung pumiyok man ako, kapag nagkamali, dedma lang. Daan na lang po sa dedma.

“Afterwards, tatawanan na lang namin.

“Yung mga totoong sumusuporta, sinasabi nila na okey lang ‘yan. Nagkakamali naman talaga. Bawi na lang sa susunod na kanta.

“Even yung great singers sa Hollywood at dito sa Pilipinas, nagkakamali rin po paminsan-minsan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN