Ella Cruz on accepting supporting role after Aryana: “Okay lang... pana-panahon."

Ella Cruz is resigned to the way of showbiz. She says, "Magkakaroon at magkakaroon din po ng time na talagang mapapahinga tayo."


Nakakontrata pa rin si Ella Cruz sa ABS-CBN at ang huli niyang pinagbidahang teleserye dito ay ang Aryana, na natapos umere noong 2013.

Hindi naman daw siya nagtatampo kahit hindi iyon agad nasundan ng iba pang project.

Sabi niya, “Kasi parang ano lang naman, one year?

"Kasi matagal rin naman po yung Aryana.

“Nagkakaroon naman po ako ng Wansapanataym, mga guestings sa mga ibang teleserye or sa ASAP.

“Kumbaga, ano pa rin po... hindi talagang yung totally wala.

“Pinagpahinga lang po nila ako kasi nga sobrang tagal ng Aryana.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ella sa presscon ng pelikulang Dilim, noong Biyernes, October 17.

BAGITO. Ang next project ni Ella sa Kapamilya network ay ang Bagito, kung saan kasama niyang mga bida sina Nash Aguas at Alexa Ilacad.

Hindi rin daw problema sa kanya kung matapos magsolo sa Aryana ay hindi siya solong bida sa Bagito.

“Okay lang po. Para sa akin, hindi naman po importante kung bida ako or support lang ako.

"As long as mabibigyan ko ng justice or kulay or magandang pagganap dun sa role na gagampanan ko.

“Na alam kong tatatak po sa mga tao, na iyon yung talagang makikita.

"Hindi porke’t naging supporting lang siya, hindi mo siya mapapansin.

“Depende po yun sa work na ginawa ko.

“And sa Bagito, masasabi ko po na malayung-malayo po sa Aryana yung role ko dito.

"Isa akong eighteen-year-old dito na talagang puwedeng mangyari in real life yung mga mangyayari.

"Hindi siya fantaserye, and I can say na dito ko po talaga huhusayan.

"Kasi, iyon nga, maramihan kami and kailangan ring makipagsabayan sa mga makakasama ko.”

NOT INSECURE. Hindi rin daw problema sa kanya kung sa ngayon ay mas nakatutok ang atensiyon ng ABS-CBN sa ibang female teen stars ng network, ’tulad nina Kathryn Bernardo, Liza Soberano, at Julia Barretto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Okay lang po kasi ano lang naman po ’yan, e, pana-panahon po.

"Dumating sa akin si Aryana, ibig sabihin, iyon yung time na panahon ko.

“Ngayon, ibig sabihin, sila naman. Give chance to others din po.

"And darating at darating, if you deserve it.

"Darating at darating po yung panahon mo para ikaw naman yung mas umingay ang pangalan.”

Wala raw siyang kahit na anong sama ng loob dahil aniya, “Magkakaroon at magkakaroon din po ng time na talagang mapapahinga tayo.

“Pero as long as nagagawa ko po yung gusto ko, yung umarte, okay po sa akin yun.”

At eighteen, walang boyfriend si Ella at hindi pa raw siya nagkaroon ng boyfriend.

Nais din daw niyang sundan ang mga yapak ng mga aktres na sina Judy Ann Santos at Maricel Soriano.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN