Melissa Mendez forgives Fabio Ide’s girlfriend

Hindi raw nagmamadali ang kampo nina Melissa Mendez sa gagawing hakbang ni Fabio Ide tungkol sa paggamit ng kanyang apelyido para sa anak nito sa panganay anak ni Melissa na si Denisse Oca. Kuwento ng aktres, “Sabi niya [Fabio], ’I want my daughter to carry my name,’ so let’s wait for that. Noon kasi, hindi pa siya ready na apelyido niya ang gamitin ng bata, pero pinirmahan niya [ang birh certificate ni Danielle] bilang father ng apo ko. Noong lumabas n


Masaya ang aktres na si Melissa Mendez na todo-suporta ang Brazilian-Japanese model-actor na si Fabio Ibe sa kanyang apo—ang five-month-old baby girl na si Danielle Mikayla.

Si Danielle ay anak ni Fabio sa panganay na anak ni Melissa na si Denisse Oca.

Kuwento ng aktres, “Sabi niya [Fabio], ’I want my daughter to carry my name,’ so let’s wait for that.

"Noon kasi, hindi pa siya ready na apelyido niya ang gamitin ng bata, pero pinirmahan niya [ang birh certificate ni Danielle] bilang father ng apo ko.

"Noong lumabas na ang mga isyu, saka niya sinabi na, ’I want to give her my name.’

"Kasi, nung ilabas ang birth certificate, ayaw pa niyang gamitin ang apelyido niya. Kaya ‘Oca’ ang nakasulat sa kanya.

"Pero sa ngayon, wala pa naman siyang ginagawang action with regards to the changing of the family name of my granddaughter."

Kung sakaling matagalan ang pag-aasikaso ng apelyido ng kanyang apo, okay lang ba sa kanila?

Sabi ni Melissa, "Okay lang sa amin, we’re not rushing. I don’t think Denisse is rushing.

"Nasa kanila yun, nasa pag-uusap nilang dalawa.

"Basta ang importante ay nandiyan siya [Fabio] as a father, and I think, he’s a responsible father… dedicated and very loving."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Melissa sa opening ng Shopper’s Hub, sa Fishermall, Quezon Avenue, noong October 17.

FABIO’S GIRLFRIEND. Pero may paalala si Melissa kay Fabio tungkol sa kasalukuyang girlfriend nitong si Michelle Pamintuan.

Matatandaang nagkaroon ng isyu ang pagpu-post ni Melissa sa Instagram ng larawang kuha mula sa binyag ng kanyang apo, kung saan magkasama sina Fabio at Denisse.

Hindi ito nagustuhan ni Michelle at nag-post ng mga masasakit na salita sa comment nito sa Instagram post ni Melissa.

Read: Fabio Ide admits fathering Denisse Oca’s dauughter; Fabio’s girlfriend posts hurtful comments

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Melissa patungkol kay Fabio, "If I were him, I would think a hundred times kung sino ang pakikisamahan niyang babae.

“’Cause if that woman [Michelle] is capable of saying ill words against his own flesh and blood, e, paano mo ipagkatitiwala yun?

"E, ako nga, ’pag may nagsalita against my children, itapon ko ang lalaki!

"Mapapalitan ko ang lalaki, pero hindi ang mga anak ko, kasi flesh and blood ko ’yan."

Hindi naman daw sila darating sa puntong ipagkakait nila si Danielle kay Fabio.

Pagsisiguro ni Melissa, "Hindi, hindi mangyayari yun.

"Basta huwag niyang kakalimutan ang obligasyon niya sa apo ko at basta ‘di niya kasama yung Michelle.

"Wala naman akong magagawa kasi lola lang naman ako."

Pero ayon kay Melissa, napatawad na niya si Michelle sa pinagsasabi nito tungkol sa kanyang anak.

"Oo, kagabi lang. Sinabi ko na napatawad ko na siya.

"And I hope, wala na siyang sasabihin against my daughter, kasi baka makalimutan ko na Kristiyano ako.

"Siyempre, ina lang ako na ipagtatanggol ang anak ko.

"Kung ano man ang past ng anak ko, past na yun, ang importante ay kung ano at sino siya ngayon."

SMALL BUSINESS. Pagkatapos nito ay pinili ni Melissa na pag-usapan na lang ang tungkol sa bagong negosyo nila ng kanyang kapatid na si Glenda Garcia.

“Wala, isang maliit na negosyo lang ’to.

"First time naming mag-try ni Glenda, so medyo nanganganay pa kami.

"We put up nga itong Grandslam Events, ‘tapos yun, kinausap namin ang administrator ng Fishermall, we rented a portion, and we opened it up sa mga interested to rent a stall or booth sa amin.

"It’s called Shopper’s Hub nga.

"Nakakatuwa nga, kasi sina Nadine Samonte and Ara Mina have booths here."

Dugtong pa niya, "So far, okay naman ang opening day namin.

"After here, we will try sa iba pang malls and hope mag-expand siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Okay na rin ito, para habang hindi busy sa showbiz, e, heto muna ang aatupagin namin.

"And, I think, we have a market here.

“Maganda naman siya at wala pa naman kaming problema ni Glenda."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN