Carmi Martin decides to remain single for life: "I’m very happy right now with my relationship with God."

Carmi Martin has a higher purpose for choosing to stay single, but she’s also disparaged by failed relationships she sees around her. "They want to get out. At saka siguro yung mga relationships ko failed kaya wala akong asawa. Ang hirap lumabas, even if I’m not married.”


At 51 years old, nananatiling single ang maganda at seksi pa ring aktres na si Carmin Martin.

Aminado naman si Carmi na nag-struggle siya sa pagtanggap na may edad na rin siya at kung paano niya mapapanatili ang kanyang youthful looks.

Pahayag niya, “Nag-struggle ako at the age of 30… yung medyo tumataba na. Yun yung nadi-depress na ako.

"I was insecure at the age of 30 because I felt that meron nang pumapasok.

"Kasi yung Dick & Carmi [defunct musical-variety show sa ABS-CBN], umabot hanggang mga 29 yata ako, e.

“So, alam kong peak na peak pa ako noon.

"Pero nong nag-30 na ako, natapos yung Dick & Carmi and then nabigyan ako ng…

"Kami ni Nanette [Medved], naka-duster ako parati," na sa kung saang pelikula ay hindi niya maalala.

Patuloy niya, “I felt insecure and, at the same time, at that age, parang ang dami kong naisip na kung ano yung wala sa buhay ko.”

DEFIANT. Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Carmi matapos ang presscon proper ng pelikulang Beauty In A Bottle Palagi noong Biyernes, October 17.

Tinanong ng PEP si Carmi kung kailan siya tumigil ma-insecure tungkol sa kanyang pagtanda.

Tugon niya, “Nong pumasok na ako ng 40... I’m 51 na.

"So, nung talagang… kasi, ’di ba, nagagawan mo ng solusyon yun, e.

"In my case, imbes na I just accept na losyang ako, ipinaglaban ko.

“Nag-persevere ako really to maintain my looks and, at the same time, it’s the inner… it’s complete, e.

"It’s also acceptance.

"Yun nga, instead na mag-losyang at maghintay ng project, nag-aral na lang ako.

“So, naging positive ang outlook ko sa buhay.”

BEAUTY INVESTMENT. Sinabi ni Carmi sa presscon na nag-invest siya para mapanatili ang kanyang ganda.

Umabot ba sa isang milyong piso ang ginastos niya para ma-maintain ang kanyang beauty?

“Ay, hindi, kasi nag-uumpisa pa lang ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yun ang maganda, e, kapag nakikita nilang nag-e-effort ka, biglang may kukuhang endorsement...

“Pero I do my homework. Inaalagaan ko pa rin yung sarili ko.”

Kung mayroon isang aktres pinaka-insecure siya, sino ito?

“Ayun nga, si Nanette Medved, nung ginawa namin yung movie na Humanap Ka Ng Panget," banggit na niya sa naalalang title ng movie.

“Parang siya na yung transition, siya na yung bini-buildup na next na sexy.

"So, deep inside me… hindi na ako kumakain ’pag eksena na namin.

"And I know na mas maputi siya, wala siyang pores.

“And siyempre, na from sa akin, napupunta yung atensiyon sa kanya.”

FOREVER SINGLE. Sinabi rin ni Carmi sa presscon na hindi na siya mag-aasawa at pinanindigan niya ito sa interview ng PEP sa kanya.

Saad niya, “Ayoko na.

"I’m very happy right now with my relationship with God.

"Alam mo yun, kasi hindi ka na insecure…parang I’m so happy.

"Most especially, ang dami kong naririnig na failed relationships, that they want to get out.

“At saka siguro yung mga relationships ko failed kaya wala akong asawa.

“Parang nakaka-trauma.

"Ang hirap lumabas, even if I’m not married.”

Kailan siya nagdesisyong ayaw na niyang mag-asawa?

“Siguro mga two years back or siguro at the age of 45, medyo matagal-tagal na rin."


May mga nanghihinayang sa desisyon niyang ito.

“Oo nga, e, sa sobrang sayang, parang ayokong masayang."

Pero paliwanag ni Carmi, "I can do things being single. Alam mo yun?

"May purpose pa rin ako sa pagiging single ako.

“E, ngayon, kung biglang dumating si Adonis, wala na akong magagawa doon.

“What I’m saying right now, I’m not looking for one. Hindi ako naghahanap.

"Merong mga nagpaparamdam, pero hindi ko type.

“Kasi naman yung klase ng ligawan ngayon, bonding tayo.

"Alam ko, bilang Kristiyano, napatunayan ko na that I love the Lord more than my boyfriend.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi nag-i-struggle ako na parang gusto mong baguhin yung lalaki.

"Wala naman akong mahanap sa church namin.

“So, right now, I’m perfectly okay. I’m with my puppies, my sisters, with me.

“I’m serving God in our church, I’m a Sunday school teacher.

"And I also practice interior designing, I have projects.

"Masayang-masaya ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN