Carmi Martin admits it was a struggle to keep her physical needs in check

Carmi Martin loves children and puppies but she does not see herself becoming a single mom. "It’s a big responsibility, parang kaya ko lang yata yung puppies," she says.


Kung natanggap na ng aktres na si Carmi Martin na hindi na siya mag-aasawa pa, natanggap na rin niyang hindi siya kailanman magkakaroon ng sarili niyang anak.

Sabi ng 51-year-old actress, “I’m a Sunday school teacher, that’s how much I love children.

“I’m taking care of the pre-school. Gustung-gusto ko.

"Kaya lang, sa sarili ko, alam ko na I can’t be a single mom.

"It’s a big responsibility, parang kaya ko lang yata yung puppies... I have four puppies.”

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Carmi, sinabi nitong masaya naman siya sa kanyang estado ngayon.

PHYSICAL NEEDS. Pagdating naman sa kanyang physical needs, paano niya ito hina-handle, lalo’t wala naman siyang boyfriend o asawa?

Bago namin tinalakay ang usaping ito, sinabi naming marami pa rin ang nabibighani sa kanyang ganda at kaseksihan. Dagdag pa rito na exposed siya sa mga naggaguwapuhang mga lalaki.

Nakangiti niyang sagot, “Hindi. It was a struggle before, my lust, sabihin na nating ganyan.

“Siguro at the age of 40 kasi, yun ang pinaka-hot stage daw ng babae.

“Pinagpi-pray ko parati na ayaw kong magkasala.

"At the same time, nag-i-struggle ako.

“Alam mo, nagpi-pray ako na, at the right time, bring it back.

“I don’t wanna… yun bang parang nakikipag-make love ka, naalala mo na you’re being a hypocrite.

“And I’m not happy nga in a relationship because nga half-half.

"Gusto ko if I’m committed to God, I’m committed.

“And there, yun ang situation ko right now.

"Yung half-half, I even tried without God.

"That was my life before, it was miserable.

“It was proven na I was not happy.”

Tungkol naman sa struggle niya sa kanyang physical needs, “Hindi na. Pinagpi-pray ko.”

Paano yun na ang daming mga naggaguwapuhang mga younger hunk sa showbiz?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo nga, e, marami ngang naggaguwapuhan. Pero parang hindi naman ako yung takam na takam.

“May mga instances na ’pag darating ako na walang make-up, kasi parang yun yung type ng mga guys.

“’Pag dadating ako, biglang sasabihin sa akin, ’Ang ganda mo, walang make-up.’

“Makikita mo doon sa guy kung talang interested siya.

"Yun pa lang, ang sasabihin ko na, ’Oh, my God, paano kung manligaw ito?’

“’Tapos, inaano ko na lang na, ’Hindi, mawawala rin ’yan, attraction lang ’yan. Huwag na.’

“Pero sabi ko nga, kung talaga namang darating, e, di okey.

“Kung hindi, I’m perfectly fine.”

Dadating pa kaya yun?

“Ako, parang mas dadating pa si Lord sa second coming!" tawa niya.

“Yun pa ang naglu-look forward ako.”

Sa ngayon, mas naka-focus daw si Carmi sa kanyang acting projects, sa propesyon niya bilang interior designer, sa pagsisilbi sa Christian church, at sa kanyang personal na buhay kasama ang mga kapatid at mga alagang puppies.

“Mas masaya talaga ako sa kung ano meron ako.

"I’m at peace and contented talaga with the Lord.

“Mas nakakatakot nga kapag… baka mas magulo pa kung meron akong relationship.

“Pero tignan natin. Kung gusto talaga ni Lord na magkaroon ako, hindi naman natin puwedeng tanggihan.

“Sa ngayon kasi, hindi ko na talaga iniisip ang anuman.

"Yung lust, yung mga boys, wala talaga," sabi ni Carmi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN