Solenn Heussaff, Polo Ravales committed to their live-in partners

For Solenn Heussaff, her living-in arrangement with boyfriend Nico Bolzico is like a marriage without the papers, "We don’t want any stress or pressure." On the other hand, Polo Ravales and his live-in partner Shasta Munsayac are giving themselves three years before they’re ready to raise a family.


Magkasama sa Ilustrado sina Solenn Heussaff at Polo Ravales na parehong may live-in partners.

Naging curiosity ang dalawa sa press launch ng bayaniserye ng GMA noong Huwebes, Ocober 16, dahil sa nauuso ngayon sa showbiz ang pag-amin sa pagpapakasal, ’tulad nila Alwyn Uytingco at Jennica Garcia, Nadine Samonte at Richard Chua.

Gayon din ang mag-propose in public ’tulad ng ginawa nima Dingdong Dantes at Marian Rivera, John Prats at Isabel Oli.

Bakit nga ba mas gusto nina Solenn at Polo ang living-in arrangement kaysa sa pagpapakasal?

Sa parte ni Solenn, na three years nang ka-live-in ang kanyang Argentinian boyfriend na si Nico Bolzico, mas pinili raw nila ang ganitong pagsasama dahil walang pressure sa kanilang relasyon.

“Para na rin naman kaming kasal, wala lang papel!” tawa pa niya.

“I guess it’s better this way because, both me and Nico, we don’t want any stress or pressure.

“I always say nga that life is too short. Let’s all chill, relax and have fun.

"Ayokong ma-pressure. Nakaka-affect daw ‘yon ng relationship.

“As long as we’re happy with what we have now, there’s nothing to worry about.

“Yung pagpapakasal, it’s just papers, formal papers.

“But yung pagsasama namin, para na rin kaming mag-asawa minus those papers na pinipirmahan.”

HEART’S BRIDESMAID. Pero aminado naman si Solenn na balang-araw ay gugustuhin din niyang maging bride, ’tulad ng kanyang kaibigan na si Heart Evangelista.

Sabi ng 29-year-old actress-TV host, “Oo naman. Someday... but not in the next two years.

“Siguro when I’m like 31 or 32.

“But many women say na that’s still a young age to settle down.

“Nowadays, women really get settled when they are nearing their 40s.

“Pero ayoko naman na umabot pa sa age na ‘yon.

“I think 32 is the right age na to really think about settling down and have a child.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo naman, we would love to have kids with blue eyes!”

Speaking of Heart, isa nga si Solenn sa bridesmaids sa magaganap na Ongpauco-Escudero nuptial next year.

Sabi ni Solenn, “Nakakatuwa kasi lahat ng bridesmaids ni Heart are all our friends in high school.

“Na-meet ko na nga ang mga groomsmen. I just don’t know kung sino ang ipa-partner sa akin.

“It’s nice to talk about a friend getting married.

"Kaya in the future, gusto ko rin naman mangyari ang kasal sa amin ni Nico."

POLO’ STORY. Three years na ring nagli-live-in si Polo Ravales at ang kanyang non-showbiz girlfriend na si Shasta Munsayac.

Nitong nakaraang bakasyon nila sa U.S., hindi naman daw nila naisip na magpakasal doon.

Sabi ng aktor, “Hindi namin naisip ‘yon, e. Talagang bakasyon lang ‘yon.

“Two weeks lang kasi yun. We went to San Francisco, Sacramento, New York, New Jersey, and Pennsylvania.

“Hindi kami nag-Las Vegas kaya hindi namin naisip magpakasal!”

Pabor naman daw pareho sina Polo at Shasta sa kanilang live-in situation. Magandang paraan daw ito para mas makilala pa nila ang isa’t isa bago nila maisipang magpakasal.

Sabi pa ni Polo, “We’re at the right age naman. I’m 32 and she’s 30.

"Wala naman na sigurong issue tungkol diyan.

“And for me, mas okey ang ganitong arrangement.

"Walang problema with both our families.

“We don’t want to jump in sa pagpapakasal kasi kailangan emotionally ready kaming dalawa.

“Kasal na kasi ‘yan, it’s going to be a lifetime commitment.

"Kaya kailangan handa kaming dalawa."

In three years ay nasa plano na nila Polo at Shasta ang magpakasal. Gusto nga nila ay magkaroon sila ng dalawang anak.

“Tamang plano lang ‘yon para sa amin.

“I guess in three years, handang-handa na kaming dalawa sa commitment of marriage,” sabi pa ni Polo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN