Glenda Garcia back to TV work after being declared cancer-free

Glenda Garcia believes her advocacy of counseling breast cancer patients was God’s way of showing her how to overcome the disease when she herself had to deal with it.


Masayang ibinalita ng character actress na si Glenda Garcia na back to work na siya ngayong cancer-free na siya.

Saad niya, “Thank God may mga trabaho na ako.

“Una, nag-guest ako sa seryeng Carmela. Patapos na yun nung inilagay nila ako doon.

“And then, nag-guest naman ako sa Magpakailanman, asawa naman ang role ko ni Boy Logro.

“Nag-guest din ako sa Maalaala Mo Kaya recently lang.

“Lumabas din ako sa ongoing naman ngayon na series sa GMA-7, yung [Ang Lihim Ni] Annasandra. Ako yung nanay ni Pancho Magno na lasenggera.

“Now, parang nakatanggap uli ako ng tawag sa GMA-7.

"Guest uli ako sa Second Chances, so hinihintay ko na lang yun."

ORDEAL. Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Glenda sa inorganisa nilang celebrity bazaar ng kapatid niyang si Melissa Mendez, ang Shop’s Hub, sa Fishermall, noong October 17, ikinuwento niya ang kanyang pinagdaanan bilang cancer patient.

Matatandaang na-diagnose si Glenda na mayroon siyang breast cancer nong nakaraang taon.

Read: Glenda Garcia bravely battles breast cancer

Ayon pa sa aktres, “Okey na ako, parang one year na nung na-diagnose, nung August 8, 2013, ng breast cancer.

“October 19 nung inoperahan ako, double mastectomy.

"So, dalawa na yung tinanggal para wala nang babalikan,” na ang tinutukoy niya ay ang kanyang breasts.

“Kaya lang, nung inoperahan ako para sa mastectomy, nandun din yung aking plastic surgeon.

"Para na rin maglagay siya ng implant. So, inilagay niya yung implant expander muna.

“So, yung expander na yun every week, ini-inject siya ng saline hanggang doon sa desired size na.”

Ayon sa Wikipedia, ang saline o saline solution ay "general phrase referring to a sterile solution of sodium chloride (NaCl, more commonly known as table salt) in water, but is only sterile when it is to be placed parenterally (such as intravenously); otherwise, a saline solution is a salt water solution."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy pa niyang detalye sa pinagdaanang medical procedure, “’Tapos nag-chemo muna ako, six cycles of chemotherapy.

“Natapos ako ng March nung chemo.

“And then, after twenty-one days, nag-radiation naman ako simula nung April, thirty sessions.

"Natapos naman ako doon nung June.

"After nung radiation, cancer-free na ako, bumalik na akong mag-tennis."

IMPLANT. Nakalinya na raw sa priorities ni Glenda ang paglalagay ng totoong implant sa kanyang dibdib.

“Yung expander ko, inilagay sa loob.

"Every week ini-inject siya hanggang sa desired size na gusto ko.

"Kasi ’pag nilagyan ka ng silicone na hindi ka nilagyan ng expander, ang mangyayari, para siyang pinitpit na breasts.

“Eto, kailangan muna yung skin ko ma-expand para ’pag inilagay yung implant ko, maganda siya. Silicone implant na siya.

“Medyo tinatantiya ko pa muna kasi kung may gagawin pa akong project.

"Like, yung Second Chances, bago ko gawin yun, magpaopera muna ako.

“I was thinking na sana next week [this week na], magawa ko na.

"Para kung sakali mang magdiretso ako sa TV appearances ko, wala na akong alalahanin na babalikang surgery pa."

LUCKY. Hindi ba siya nag-aalala na baka makasama sa kanya ang ma-expose sa daylights o malalaking ilaw na ginagamit sa shootings or tapings?

Sabi ni Glenda, “A, wala namang ipinagbawal sa akin.

"Ang suwerte ko nga, sabi nila yung chemotherapy mahirap, e.

“Pero alam mo, hindi naman talaga ako nahirapan.

"Ongoing yung soap opera ko, nagki-chemotherapy ako, nagti-taping ako.

"Ang baba ng WBC [white blood cell] ko.

“’Pag ang WBC mo, mababa, normally magba-blood transfusion ka, nakahiga ka lang sa kama.

“Ako, nag-e-exercise pa.”

Hindi ba siya nahirapan sa radiation?

“Ang radiation talaga walang hirap kasi five minutes lang yun, e.

"Ang chemo, yung iba nagsusuka. Yung iba, nagkakaroon ng metallic taste. Nanghihina yung katawan nila.

"Pero ako, wala. Wala talaga. Suwerte-suwerte talaga."

PREPARED. Patuloy pa niya, “Alam mo, ang sabi ko nga, wala akong karapatang mag-complain.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi nong 2005, nasa foundation na ako ng mga breast cancer.

"Ako yung nagbibigay sa kanila ng counseling.

"Ang hihirap nila, kung saan-saan nila kinukuha yung pambili ng gamot.

“Kailangan ko pa bang mag-complain? Ang suwerte ko nga, e.

“Biruin mo, nagka-counselling ako sa breast cancer patient nung 2005, ’tapos nagkaroon ako.

“At that time, nung 2005, wala akong alam na magkakaroon ako.

“Sabi ko nga, nai-prepare na ako ng Diyos. Alam ko na kung paano ang gagawin ko.

“Alam mo, naiyak pa rin yung mga pasyente namin, nalungkot pa rin para sa akin.

"Pero sabi ko, hindi naman kailangan, kasi marami akong natutunan doon.

“Ngayon, nakita ko kung gaano kaganda ang buhay.

"Mas na-appreciate ko ang bawat blessings ng umaga."

Walang asawa si Glenda pero meron siyang 14-year-old kid.

“Siya ang unang worry ko.

"Sabi ko, hindi ko kailangang mag-worry kasi nandiyan naman ang Panginoon.

"Yung faith talaga very important," pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN