Judy Ann Santos willing to postpone next teleserye for another baby

Judy Ann Santos and husband Ryan Agoncillo have been trying to have another baby. “’Yon talaga ang pinagpe-pray ko na sana makahabol pa kami this year,” says Judy Ann.


“Sadyang hindi siya para sa akin.”

Ito ang maikling komento ni Judy Ann Santos tungkol sa pagtanggi niya sa mga nakaraang pelikulang inalok sa kanya.

Sa press conference ng upcoming horror film niyang T’yanak, na ginanap kaninang tanghali, October 20, inamin ni Judy Ann na ang cookbook na ginagawa niya ngayon ang isa sa mga dahilan ng hindi niya pagtanggap sa dalawang pelikula—ang Cinemalaya entry na Mariquina at Star Cinema horror film na Maria Leonora Teresa.

Sabi pa niya, “Siguro para talagang makapagpahinga rin ako.

“May mga reasons na lumalabas, ayaw ko naman pong i-push.

“Mayroon lang po talagang mga moments.”

Sa ngayon, ayon kay Juday, malapit nang matapos ang cookbook na pangrap niya talagang gawin.

“Ako na lang ang hinihintay kasi hindi ako marunong magsulat!” natatawang sabi ng actress-TV host.

“Ang hirap pala ng ginagawa niyo.

“I really wanted the book to be very Juday, kung paano po ako magsalita, yung ganito.

“Hindi naman baklang-bakla, pero yung masaya lang.

“Baka hindi na maintindihan ng mga bata kapag ako na ang nagsalita.

“Una, ang iniisip ko, gusto ko siyang i-full English kaso baka hindi naman sila maniwalang ako talaga ang nagsulat.

“I’m getting there. Iniisa-isa ko po.”

Dahil ito ang unang pagkakataon na gagawa ng isang cookbook, sabi ni Judy Ann, “Kinakabahan more than excited kasi baby book ko siya.

“Sana magkaroon ng kasunod.

“Masyado kasing personal yung book for me, so kailangan kong mag-focus sa isang project at the time Mariquina and MLT came.

“I had to prioritize one thing and that was the cookbook.

"Ang feeling ko, kapag pinatagal ko pa, maluluma na yung idea, mababantilawan na siya, at saka atat lang ako.”



TELESERYE NEXT YEAR. Ikinatutuwa rin ni Judy Ann na pinayagan siya ng ABS-CBN na sa 2015 na lamang siya gumawa ng teleserye.

“Dapat may teleserye talaga na naka-lineup this November. Kaya lang, sabi ko, baka wala na akong pamilya!” biro ni Juday.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon, dalawang programang hinu-host niya ang sabay na umeere sa ABS-CBN—ang game show na Bet On Your Baby at ang reality series na I Do.

“ABS-CBN obliged naman,” banggit ni Judy Ann tungkol sa susunod niyang teleserye.

“Kasi, ’yon naman talagang Bet ay for next year, kaya lahat talaga nabulabog.

“But then again, it was a blessing. All of these are blessings na talagang...

“Buti na lang din na Bet ang ginagawa ko ngayon kasi mas nakakatutok ako sa mga studies ng anak ko, sa mga PTA, sa cookbook."

Hirit pa niya, “Feeling ko by next year, kung hindi pa kami ma-bless ng another baby, then I will be able to do another teleserye.”



PRAYING FOR ANOTHER BABY. Depende raw ang paggawa ng teleserye ni Judy Ann kung mabubuntis siya o hindi.

Sa panayam ng entertainment reporters kay Judy Ann pagkatapos ng press conference ng T’yanak, sinabi ng aktres na ipinagdarasal nila ng asawang si Ryan Agoncillo na magkaroon ng isa pang anak.

“Gustung-gusto ko yung pinitch sa akin ng Dreamscape na story.

“Kung sakali man na mabuntis ako, ipapaalam ko kay Sir Deo [Endrinal, business unit head] na sa akin ’yan, huwag ibibigay kahit kanino.

“Kung nabuntis ako, siyempre mahu-hold.

“Pero kapag hindi, gagawin ko siya.

"Kapag na-hold, dapat sa akin pa rin yung project," sabi ni Judy Ann.

Inaalala raw kasi niya ang edad nilang mag-asawa kung sakaling masundan pa si Lucho.

“Kasi kapag binibilang ko, magti-37 na ako next year.

"Kapag nagtagal pa, baka mahirapan na ako magbuntis.

“Ayaw ko na magtagal pa sa part na ’yon.

“Gusto ko pa rin siya ma-enjoy at saka yung paglaki ng mga bata, gusto ko yung mahahabol ko pa rin sila.

“Kaya ka nga nagpapaka-healthy kasi gusto mo may energy ka kapag nakipaghabulan ka sa kanila kapag naglalaro sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Yon talaga ang pinagpe-pray ko na sana makahabol pa kami this year.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN