Nova Villa reveals getting a ’visit’ from late sister Tia Pusit

Nova Villa on her late sister: “I’m sure, si Tia Pusit, masaya siguro siya ngayon. Mas happy siya because meron kaming mga pakiramdam. Kung minsan kasi, let’s face it, bago pa lang siya nawala… ‘andiyan pa lang, gumagala-gala at dumadalaw sa amin.”


Pagkatapos mailibing ang komedyanteng si Tia Pusit, muling humarap sa ilang miyembro ng press ang kapatid nitong si Nova Villa para sa promo ng pelikula niyang 1st ko si 3rd, na ipalalabas sa Ayala Cinemas simula sa November 12.

Excited na ikinuwento Nova na sasama siya sa Honolulu para dumalo sa Hawaii International Film Festival, kung saan entry ang naturang pelikula niya.

Ibinahagi rin ni Nova sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung paano nila tinanggap ang pagpanaw ng kanyang kapatid.

Aniya, “I’m sure, si Tia Pusit, masaya siguro siya ngayon.

“Mas happy siya because meron kaming mga pakiramdam.

“Kung minsan kasi, let’s face it, bago pa lang siya nawala… ‘andiyan pa lang, gumagala-gala at dumadalaw sa amin.”

Natutuwa niyang ikinuwentong pati sa pagpaparamdam ay comedy pa rin daw ang kapatid.

Unang ikinuwento ni Nova ang paramdam ni Tia Pusit sa isa nilang kapatid na pinakamalapit daw sa namayapang komedyante.

Kuwento niya, “Meron akong isang kapatid na stewardess, sila ang mag-best friend. Talagang harutan sila nang harutan.

“Nung mawala na si Tia Pusit, nung ilibing namin, umiiyak siya, pinakikinggan ko yung ano niya…

“’Tapos bandang huli, nung ika-ninth day, we went again sa [sementeryo], nagsi-share kami ng mga dalaw.

“Sabi niyang ganun, ‘Si Manang Meng, nagsalita talaga ako dun sa coffin, nung ililibing na…’

“Nito na lang niya sinabi nung Pasiyam, sabi niya, ‘Manang Meng, hindi ako natatakot, dalawin mo ako.’ But she was crying.

“’Alam mo naman,’ sabi niyang ganun, ‘ikaw lang ang nakakapagpatawa sa akin hanggang sa ako’y maihi.’

“Eto na ang Pasiyam. Kuwento niya, alam mo daw, nung kahapon, natulog siya, paggising niya, basang-basa ang kutson!

“’Saan nanggaling ‘tong basang-basa…’ pati ang likod niya, pati panty niya.

“’Never in my life, kahit nung bata pa ako, hindi pa ako umihi sa kama.’

“Until na-realize niya na sinabi niya na, ‘Ikaw lang ang makakapagpatawa sa akin hanggang sa ako ay maihi.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Bakit basang-basa, saan galing yun?

“And there was no dream at all.

“Hindi naman niya na-dream na siya ay dyumi-jingle sa kama.”

Hindi raw maipaliwanag ng kapatid niya kung paano nangyari yun.

“Ang natitiyak daw nila ay pinaglaruan sila ni Tia Pusit.

THE VISIT. Ibinahagi rin ni Nova kung paano naman nagparamdam sa kanya ang namayapang kapatid.

Kuwento niya, “About three days ago, tulog ako…

“Alam ko madaling-araw na yun, pero malapit na akong gumising ng 5 A.M., kasi I go to Mass sa umaga.

“’Tapos sabi niya ‘Ate, tabi ako sa ‘yo.’ Malinaw na malinaw on my right, dito,” sabay turo ng kanyang kanang tainga.

“Gumanyan ako, naramdaman ko ang lamig. Yung parang hindi ko maintindihan kung gising ako.

“Tumabi ako sa asawa ko at saka dahan-dahan ko inano yung kumot. Hanggang sa hindi na ako natulog.

“I don’t know if it’s a dream or half-awake... alam ko meron pa, e,” napapangiti niyang kuwento.

Kahit nga raw ang anak ni Nova sa Amerika ay mayroon din daw ibinahagi kung paano nagparamdam si Tia Pusit, at ipinapadama daw sa kanila na masaya ito sa kabilang buhay.

“Sabi ko sa mga kapatid ko, ‘You know, ang isipin natin, she’s happy.’

“Ano siya… safe. Because, malalaman mo sa mga ginagawa niya.

“Nagku-comedy siya, kasi she’s a jolly person.

“Napaka-comedian pati sa amin,” sabi ng 67-year-old comedienne.

FUNDRAISING. Ang isa pang ipinagpapasalamat ni Nova ay unti-unti raw nilang naayos ang problema pagkatapos ng libing ng kanyang kapatid.

Isa na rito ang balanseng P1.5 million hospital bill.

Malaki ang pasasalamat niya sa lahat na tumulong, pati ang binuong benefit show sa Zirkoh, dahil nakalikom daw ng sapat na halagang pandagdag sa pambayad sa hospital.

“Naiyak talaga ako dito, dahil nag-fundraising pa sila.

“After nung libing, after two days, inasikaso na ng anak niya, si Christian, nagpunta ng Heart Center, ganyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May mga donasyon naman sa government, sa PCSO… siyempre hindi naman ganun kataas ang kundisyon ng kabuhayan nila.

“Yung concert, plus yung bigay ng ating mga kapatid, yung mga kapuso natin, yung mga dumalaw, siyempre may abot.

“Woud you believe, P1.5 million, bayad lahat?

“Sabi namin, maaaring si Tia Pusit tumutulong na rin... yung ganun.

“Saka plus the prayers, ang dami-daming prayers talaga.

“Praise God talaga, we were able to settle,” saad ni Nova.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN