Angeline Quinto makes conscious effort not to look and sound like Regine Velasquez

Angeline Quinto on staying grounded despite her success: “Natutuwa naman po ako na nakikita ang ganung pagkatao ko hanggang ngayon. Kaya nga, every time na may nagtatanong sa akin na, ’Nagbago ka na raw? Sosyal ka na raw?’ hindi naman totoo yun. Kumbaga, mas gusto ko lang na may naipupundar ako sa sarili ko na bagong kaalaman, ‘di ba? At, alam ko kung saan napupunta ang aking mga pinaghirapan. Ayoko naman na tumanda na wala... na hindi marunong mag-


Muling pinabulaanan ni Angeline Quinto ang isyung ginagaya raw niya ang look at style sa pagkanta ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez.

Sabi ng singer-actress tungkol dito, “Hindi, si Ate Regine naman, kahit sa simula pa lang, nung manalo ako sa Star Power, talagang hindi nalalayo ang pangalan ko kay Ms. Regine.

“Kasi nga, laging ganun, ‘di ba? Lalo na kay Sarah [Geronimo], ‘di ba?”

Ayon pa kay Angeline, “Sobrang idol ko si Ms. Regine pero hindi naman ako umabot sa punto na gusto kong gayahin siya. Hindi po talaga ganun.

“So, kung ano man ako ngayon, siguro dahil sa sobrang pagkaidolo ko sa kanya, baka lumalabas sa the way akong kumanta at paano ako gumalaw sa stage.

“Kasi, simula sa pagkabata ko, wala akong hinangaang singer bukod sa kanya, na hanggang ngayon ay...

“Siyempre, ilang taon na rin po ako bilang singer dito sa ABS-CBN, marami na rin akong ibang international artists na hinahangaan.”

May conscious effort ba sa parte niya na gawan ng paraan para maiwasan ang mga komentong ganito?

“Ginagawa ko naman po yun, lalo na nung mabigyan ako ng unang chance para kumanta ng teleserye theme songs.

“Kasi, si Sir Jonathan Manalo po ang producer ng album ko, so siya rin po ang nagasabi na merong pagkakataon na ‘pag kumakanta ako, may boses na lumalabas na kahawig talaga ng kay Ms. Regine.

“Kaya nga ginagawan namin ng paraan yun, kasi ayaw ko na tumanda ako na, ‘Ginagaya naman niyan si Regine Velasquez.’

“Ayaw ko ng ganun. Gusto ko talagang makilala bilang singer as Angeline Qunito.

“Na sana ay yun ang makita ng mga tao sa akin."

Totoo rin bang iniiwasan niyang sagutin ang mga tanong tungkol sa kanyang idolo?

Paglilinaw ni Angeline, “Hindi naman po, lagi naman akong ready na sumagot sa mga tanong na kagaya ng ganyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Feeling ko, nasanay na nga ako.

“Pero ayaw ko nga lang na nakakarinig ako ng mga isyu sa akin na hindi totoo, kasi yun talaga ang ipaglalaban ko.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Angeline sa press conference ng pelikulang kinabibilangan niya, ang Beauty In A Bottle, noong Biyernes, October 17.



CHANGED WOMAN. Marami rin daw ang nakakapansin sa malaking pagbabago ni Angeline ngayon.

Hindi na raw siya “jologs” katulad ng dati, at sosyal-sosyalan na raw siya ngayon.

Natawang reaksiyon ni Angeline, “Hindi na ako jologs? Hindi naman po yun totoo.

“Sabi nga nila, nag-aaral daw ako ngayon sa John Robert Powers.

“E, talaga naman pong nag-e-effort ako kasi hindi naman po ako nakapagtapos ng high school.

“Ang dami sa akin ang nagsasabi na ituloy ko ang pag-aaral ko dahil yun ang tanging yaman ko hanggang sa mamatay ako.”

Sabi pa niya, "Gustung-gusto ko talagang mag-aral sa school, pero hindi nga ako mabigyan ng chance dahil sa dami ng mga ginagawa ko.

“Meron po akong shows na out of town, out of the country po, so inuuna ko yun, kasi nag-iipon talaga ako.

“Kapag nabigyan ko ng chance na makapag-aral sa school, gagawin ko po… siguro next year.”

Mayroon pa nga raw mga eskuwelahang nag-o-offer sa kanya ng libreng pag-aaral.

“Kasi nga, merong kumukuha sa akin na culinary school na mag-aaral ako nang libre.

“Dati kasi, gusto kong mag-aral ng Hotel and Restaurant Management [HRM], pero hindi po talaga kaya ng budget namin.

“’Tapos ang mahal-mahal pa ng culinary course.

“Yun din po yung time na napasok ako sa Star Power, so huminto talaga ang lahat.

“Gusto ko talaga yung gigising ka every day ’tapos papasok ka sa eskuwelahan.

“And ngayon ay meron na akong sasakyan at ‘di na ako magko-commute, feeling ko ay napakadali na.

“’Tapos, mga bagong kaibigan din... na yung iba ay ayaw din, dahil baka raw mabarkada ako…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nasa sa akin naman po yun.”



DOWN TO EARTH. Sa kabila ng kanyang tagumpay, marami naman ang humahanga sa pagiging totoong tao raw ni Angeline.

Sa presscon proper nga ng Beauty In A Bottle, isa siya sa cast na nagpasaya ng hapon na yun dahil sa pagiging down to earth niya at nakakatawang mga sagot sa tanong sa kanya.

Ano ang masasabi niya rito?

Nakangiting reaksiyon ni Angeline, “Natutuwa naman po ako na nakikita ang ganung pagkatao ko hanggang ngayon.

“Kaya nga, every time na may nagtatanong sa akin na, ’Nagbago ka na raw? Sosyal ka na raw?’ hindi naman totoo yun.

“Kumbaga, mas gusto ko lang na may naipupundar ako sa sarili ko na bagong kaalaman, ‘di ba?

“At, alam ko kung saan napupunta ang aking mga pinaghirapan.

“Ayoko naman na tumanda na wala... na hindi marunong mag-English.

“At saka, ‘tulad ngayon na may mga tao namang humahanga sa akin, gusto ko naman po na ilagay nila sa sarili nila na puwede naman pong mangyari yun sa kanila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN