John Lapus feels he’s had enough after three failed relationships: "Kapag naka-strike three ka na, out ka na."

John "Sweet" Lapus: “Hindi naman sa pagmamamaganda, pero may mga nagpaparinig, nagpaparamdam. Na hindi lang daw sex ang habol nila sa akin, gusto nila relasyon. Pinaprangka ko naman, ‘Ay, ako, pasensiya na, sex lang ang habol ko sa ‘yo.’ Ginaganoon ko naman.”


Looking forward si John “Sweet” Lapus sa darating na Pasko at pagpasok ng 2015 dahil tatlong malalaking pelikula ang naka-lineup sa kanya.

Una, kasali siya sa official entry ng Regal Films sa 2015 Metro Manila Film Festival na Shake, Rattle & Roll XV.

Early next year, magsu-shoot na siya para sa Part 2 ng hit comedy movie na Here Comes The Bride (2010).

Banggit pa ni Sweet sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Same cast pa rin yung Here Comes The Bride, kaya sure ako na kasama ako!

“’Tapos sa Shake naman, kinuha ako ni Mother [Lily Monteverde].

“Nung nalaman niya na wala na akong kontrata sa Viva [Films], kinuha niya ako.

“At hindi lang basta isinama sa Shake… ‘Di ba, usually iba-iba ‘yan kada episode?

“Ako, kasama ako sa tatlong episodes!”

May sinu-shoot din siyang horror film, pero baka palitan daw ang title nito.

“Oo, e, kasi parang may gumamit na nung title.

“’Tapos eto, ipapalabas naman ang Moron 5.2 with Direk Wenn [Deramas].

“At least, this year, maganda ang Pasko ko.

“Kasi two years wala akong project, nganga ang Pasko ko!”



TV PROJECTS. Sa TV5 naman, may ongoing segment si Sweet sa gag show ng TV5 na Tropa Mo ’Ko Unli Nice ‘Di ba?.

“Pero guest lang ako kasi wala akong kontrata sa TV5.

“Ini-spoof namin ni Alwyn [Uytingco] yung Aquino & Abunda. Yung sa amin, ‘Anino’t Abundat.’

"Then, may gagawin ulit ako sa ABS, yung Wansapanataym. Si Kathryn [Bernardo] ang bida.”

Kasama rin ba dito si Daniel Padilla?

“Hindi ‘ata… mukhang susubukan nila na wala si Daniel. Baka gusto nilang i-launch na solo star si Kathryn,” sabi ni Sweet.

Nakapanayam ng PEP si Sweet sa press conference ng Moron 5.2 last week.



BECKY IS BACK! Sa Moron 5.2 ay nagbabalik ang karakter ni Sweet bilang si Becky Pamintuan.

Ano ang challenge doing Becky Paminutan for the second time?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Sweet, “Ang challenge dito is, modesty aside, nakita ninyo naman ang mga reviews kay Becky… I mean, or sa akin.

“Yung mga reviews ng mga bloggers or ng ibang press people, or even yung mga movie critics na ni-review ang Moron 5, napaka-flattering… yung ako na ang nahihiya.

“May ibang mga sumulat na parang ako lang daw ang papanoorin doon.

“Yung parang… nakaka-flatter. May pressure on my end.

“‘So, ano? Ginalingan mo masyado sa Part 1, dapat sa Part 2 mas husayan mo,’ sabi nga namin.

“Mas maganda, mas malaki, mas pasabog, at mas nakakatawa itong Part 2.

“And, thank God, na-deliver ko naman. Nag-dub na ako noong isang araw, nailusot naman.

“So, I hope, magustuhan ulit ng mga critics yung performance ko."



SPY IN REAL LIFE. In real life, ramdam ba niyang may pagka-Becky Pamintuan din siya?

Sagot ni Sweet, “Oo naman, yung kabaliwan ni Becky?

“Yung hobby ni Becky na nag-iiba-iba siya ng look para mag-spy ako sa kanila.

“Oo, may ganyan ako. Mahilig ako sa ganyan.

“Yung nag-i-spy ako sa mga tao, lalo na yung mga taong I find interesting? Yung mga gusto kong maging kaibigan, ganyan.

“Well, eventually, kapag naging kaibigan ko na sila, inaamin ko naman na, ‘Alam mo, ngayong friend na tayo, gusto kong malaman mo na Ginoogle kita, tsinek ko Facebook mo.’

“Kasi, ‘di ba, nowadays, parang ang hirap mamili ng mga tunay na kaibigan?

“So, thank God for social media, madali mong malalaman ang background ng mga tao.

“Plus the fact na maraming tao ngayon na yung mga… ‘di ba, sa news, kaibigan mo na, kilala mo na, kasama mo na sa bahay, kriminal pala. Magnanakaw pala.

“So, hindi masama ngayon na pumili ng kaibigan.”

Paano niya iniiwas ang sarili sa mga ganoong klaseng tao, lalo na yung mga lalaking gusto siyang maging “special friend”?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ay, ako, I research,” mabilis niyang tugon.

“Number two, I’m not that promiscuous…. I don’t just have sex with strangers.

“Gone are the days na I would go to places na ang makaka-sex mo hindi mo kilala.

“Gone are the days na may lalapit sa akin sa bar ‘tapos fight na ako. Magse-sex na kami after.

“Gone are those days.”

Nag-mellow na siya because of his age?

“Well, isa pa rin yun.

“Maliban sa tumanda na ako, bumaba na rin siguro yung sex libido ko.

“Hindi ko na hinahanap every day.”



LOVELESS. May boyfriend siya ngayon?

“Wala, my last relationship, twelve years ago pa ‘ata.”

Gusto niya ulit magka-boyfriend?

Sagot ni Sweet, “Hindi na, quota na.

“Hindi naman sa pagmamamaganda, pero may mga nagpaparinig, nagpaparamdam.

“Na hindi lang daw sex ang habol nila sa akin, gusto nila relasyon.

“Pinaprangka ko naman, ‘Ay, ako, pasensiya na, sex lang ang habol ko sa ‘yo.’ Ginaganoon ko naman.”

Nadala na siya?

“Hindi, kasi yung last dyowa ko, twelve years ago, was my third dyowa.

“Parang ang feeling ko, strike three, I’m out.

“Game lang ‘yan, parang baseball lang ‘yan. Kapag naka-strike three ka na, out ka na.

“Parang been there, done that, ‘di ba?

“Ewan ko… but I’m not closing my doors.

“And yun namang mga naging ex ko, straight naman...

“Well, yung pangalawa, apparently, hindi pala siya straight.

“But the moment na karelasyon ko sila, ang alam ko, straight sila.

“So, nadala na rin siguro ako makipag-relationship sa straight guy.

“Kasi deep inside, I know naman, eventually, since he’s straight, ipagpapalit din naman ako sa babae, mag-aasawa, ‘di ba?

“Like, yung una at last ko, sila pa lang ang may asawa.

“Ang buhay ng mga bakla, pang-Maalaala Mo Kaya story.”

SOLO MOVIE? May posibilidad bang gawing solo movie niya ang kanyang Becky Pamintuan character?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Sweet, “Why not? Puwede rin.

“Oo naman, gusto ko.

“Basta Wenn Deramas and, hopefully, gawin din ‘yan ng Viva since dalawa yung pinirmahan kong kontrata.

“’Tapos yung isa, e… well, expired na nung June. Pero isa lang ang nagawa ko, ‘eto nga [Moron 5.2].

“So, sana Viva Films would honor na dalawang pelikula ang gagawin ko sa kanila.

“Although, hindi naman dalawang solo ang naka-stipulate sa kontrata ang dapat na gagawin ko sa kanila.

“So, sana naman bigyan pa nila ako ng isa pang pelikula na bida ako.

“But… aside from the fact na willing pa rin akong mag-support, ha.”



WENN DERAMAS. Bakit gustung-gusto niya katrabaho si Direk Wenn?

Sabi ni Sweet, “Well, maliban sa kaibigan ko si Direk Wenn, box-office director siya for everybody, sino ba ang may ayaw katrabaho si Direk Wenn?

“Two, iba yung may rapport kami, e.

“Kasi nga, pareho kaming galing sa theater guild ng UST, yung Teatro Tomasino, ate ko siya doon.

“So, college pa lang ako, hindi pa ako artista, hindi pa siya director, nagkatrabaho na kami.

“Pero hindi naman kami magka-batch sa UST ni Direk Wenn.

“Graduate na siya nung first year college ako sa UST at member ako ng teatro, pero bumabalik-balik pa rin siya.

“Parang noong time ‘ata na ‘yun, waiter pa siya sa Aristocrat, ganoon. ’Tapos college student pa lang ako.

“I think, since 1989, magkaibigan na kami. At pumasok ako sa Taeatro Tomasino, kilala ko na siya..."

Sabi pa ni Sweet, “Sa mga hindi nakakaalam, lalo na kapag comedy films, ako kasi nakikita ko rin, like sa set ng Moron 5, siya yung tipo ng direktor na puwede kang mag-suggest.

“Kapag natawa siya, igo-go niya ‘yan. Mapagbigay ‘yan sa artista niya.

“So, lalo pa kami dalawa na magkaibigan.”

Paano nila na-maintain yung friendship nung pareho na silang nasa showbiz?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Sweet, “Siguro it’s the fact na wala pa kaming pera pareho, magkaibigan na kami.

“Well, nauna lang siya, but more or less, nakilala namin ang isa’t isa sa panahon na walang-wala kami, hanggang sa nagkaroon kami at naging mga sikat kami.

“Siguro yun yung magic, years of friendships, very important days, moments together…

“Very important ‘yan sa friendship kapag marami kayong ganoon, hindi kayo mag-aaway.

“At siguro, it’s a fact na magkaiba kami ng tinahak na landas—director siya, artista ako.

“Since mas matanda siya sa akin, ‘andun pa rin ang respect, ate pa rin ang tingin ko kay Direk Wenn Deramas.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN