James Reid on showbiz rival Daniel Padilla: "I’m sure we would get along."

James Reid on Daniel Padilla: “Of course, all the fans are going crazy right now. But overall, I think it’s good for me. I’m really happy to be on the cover [of YES! Magazine November 2014] with Daniel Padilla," says the Filipino-Australian in an interview with PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).


Lalong tumindi ang bangayan sa pagitan ng solid fans nina James Reid at Daniel Padilla nang pagtapatin ang dalawang young actors sa cover ng YES! November 2014 issue.

Base ito sa halos isang libong comments na makikita sa YES! cover photo na ibinahagi ni James sa kanyang Instagram.

Grab a copy of YES❕Magazine’s November issue 🏁 #TheSexyDozen

A photo posted by James Reid (@jaye.wolf) onOct 10, 2014 at 3:34am PDT

Ngunit iginiit ni James na wala sa isip niya ang sinasabing kumpetisyon sa pagitan nila ni Daniel.

“Nakita ko kahapon [yung YES!]. Yeah, it’s great. I’m the cover with Daniel.

“Of course, all the fans are going crazy right now.

“But overall, I think it’s good for me.

“I’m really happy to be on the cover with Daniel Padilla,” nakangiting saad ni James.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si James sa story conference ng bagong pelikulang pagbibidahan nila ni Nadine Lustre, na pinamagatang Para Sa Hopeless Romantic.

Ginanap ito sa Viva Films headquarters sa Pasig City kagabi, October 21.

Ayon kay James, hindi sila nagkasabay ni Daniel sa pictorial para sa naturang magazine.

“No, we’re separate. But I’m looking forward to it. I’m sure eventually I’ll get to work with him.”

Maging sa ABS-CBN compound ay hindi pa umano nakakasalubong nina James at Nadine ang sinasabing rival tandem nila na sina Daniel at Kathryn Bernardo.

Sabi ni James, “Surprisingly, we have been there so much. But we haven’t crossed paths.”

Ngunit kahit na itinuturing ng fans na magkaribal sa showbiz sina Daniel at James, naniniwala ang huli na hindi ibig sabihin ay magkakaroon ng tensiyon sakaling magkita sila.

“I’m sure we would get along. I don’t see any reason why we shouldn’t,” pahayag ni James.

Noon pa man ay hindi raw nagpapaapekto si James sa pagkukumpara sa kanya sa ibang lalaking artista na kahenerasyon niya.

“Like I said before, I don’t try to be different. I just try to be myself.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“For me, it’s working so far. So, I’ll just keep doing that,” kumpiyansang sabi ni James.


IÑIGO PASCUAL. Sa katunayan, mainit din ang pagtanggap ni James sa tambalan nina Inigo Pascual at Julia Barretto na bahagi rin ng lead cast ng Para Sa Hopeless Romantic.

Mismong si James pa ang nagsabi na minsan na niyang nakatrabaho si Iñigo sa pelikulang Relaks, It’s Just Pag-ibig, na nakatakdang ipalabas sa November 12.

“I’ve worked with Iñigo before in Relaks, It’s Just Pag-ibig. I played a small role, he was the lead.

“But I met him there. So, I’m excited to work with him again.”

Kuwento pa ni James, gusto niyang mapanood ang pinagbidahang pelikula ni Iñigo dahil kasama roon ang ex-girlfriend ng una na si Ericka Villongco.

“She [Ericka] is also in that movie and there’s actually a kissing scene between her and Iñigo.

“And we [Ericka and I] are still together at that time.

"So, I’m excited to watch it,” nakangiting pahayag ni James.

NADINE LUSTRE. Speaking of lovelife, nilinaw ni James na nananatiling malapit na magkaibigan pa rin sila ni Nadine, lalo na’t madalas silang magkasama sa kanilang mga proyekto.

Katatapos lang nilang mag-taping para sa Kapamilya weekly series na Wansapanataym na magwawakas sa Linggo, October 26.

Ano na ba ang estado ng relasyon nila ni Nadine ngayon?

“Our status? We’re busy!” natatawang sagot ni James.

Dagdag pa niya, “We’re still close friends. We see each other every day. Right now, she’s my best female friend.”

Marami sa kanilang fans ang umaasa na maging higit pa sa pagkakaibigan ang relasyon nina James at Nadine.

Ngunit sa ngayon ay hindi pa raw masabi ng Filipino-Australian actor-singer kung ano ang kahihinatnan ng pagiging malapit nila sa isa’t isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well, even off cam, sobrang sweet kami ni Nadine. But I don’t know. We’re naturally like that,” sabi ni James.

ñ


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN