Liza Soberano on being compared to Kathryn Bernardo: “She’s Kathryn and I’m just Liza now.”

“Lahat naman tayo gusto nating maging successful sa trabaho. Pero ayaw ko kasing kinu-compare kay Kathryn kasi she’s very different from me. She’s Kathryn and I’m just Liza now,” says Liza Soberano about being compared to fellow Kapamilya young actress Kathryn Bernardo.


“Nabibilisan po ako, pero I guess I’m just blessed.”

Ito ang naging pahayag ni Liza Soberano tungkol sa pagkakaroon agad ng primetime teleserye sa kabila ng pagiging baguhan niya sa showbiz.

Si Liza ang magiging katambal ni Enrique Gil sa bagong romantic-comedy series ng ABS-CBN, ang Forevermore, na magsisimula na sa Lunes, Ocober 27.

Saad niya, “Natutuwa ako na naa-appreciate nila ang efforts ko sa pag-arte.

“Pressured din kasi, parang, bakit nga ba binigyan nila ako ng ganitong project, e, one year pa lang ako [sa showbiz].

“Pero siguro, may ginagawa akong tama, siguro gusto nila ang pag-arte ko.

“Kaya natutuwa ako na napapansin nila ako at naa-appreciate ng management.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Liza nang bisitahin siya at iba pang cast ng Forevermore sa set nila sa Tuba, Benguet, kahapon, October 21.

Dahil ipalalabas na ito agad sa Lunes, kinakabahan din daw si Liza dahil hindi pa sila masyadong nakakapag-promote ni Enrique.

“Excited and kinakabahan ako kasi hindi kami nakakapag-promote, ’di ba?

“Hindi ko alam kung alam ng mga tao na may Forevermore. Baka mamaya walang manood,” sabi niya.

COMPARISON WITH KATHRYN. Unang napanood si Liza sa teleseyeng Got To Believe, kung saan siya ang naging third party sa tambalang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Dahil dito, nag-umpisa na rin ang pagkukumpara kina Liza at Kathryn.

Bagamat masaya ang 17-year-old Kapamilya talent tungkol dito, gusto niyang linawin na, “Magkaiba po kami.

“Maybe something like her, na maraming endorsements and shows, gusto ko rin naman mangyari ’yon.

“Pero I’m different from Kathryn.”

Nakangiting dagdag pa ni Liza, “Lahat naman tayo gusto nating maging successful sa trabaho.

“Pero ayaw ko kasing kinu-compare kay Kathryn kasi she’s very different from me.

“She’s Kathryn and I’m just Liza now.

“Parang unfair for her to be compared to me and for me to be compared to her.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



NEW LOVETEAM. Umaasa si Liza na tanggapin ng mga manonood ang pagsasama nila ni Enrique Gil bilang isang bagong loveteam.

“Gusto kong maging solid ang loveteam namin,” sabi ni Liza tungkol sa dating kasamahan niya sa pelikulang She’s The One (2013)

“Hindi ako masyadong nag-e-expect kasi ayaw kong ma-hurt.

“Pero I’m hoping and praying na everyone will love our loveteam and the show mismo.”

Dagdag niya, “Naghu-hope po ako na sana [mag-click] kasi big chance ’yon para sa amin.

“Masaya akong kasama si Enrique.

"Kung magustuhan ng mga tao, e, di okay.

“Pero desisyon din ng management na paghiwalayin kami. Whatever they decide, okay naman sa akin.”



GETTING TO KNOW ENRIQUE. Sa pamamagitan daw ng Forevermore, mas nakilala ni Liza si Enrrique, na inamin niya noong crush niya.

Sa set, nakita raw ng dalaga na, “Mabait po talaga siya.

"Pantay-pantay po talaga ang tingin niya sa mga tao. Fair po siya magtrato sa mga tao.

“Lagi niya akong inaalalayan kasi medyo may pagkalampa ako.

"Marami akong na-realize sa kanya.

“Kasi, lagi lang nating nakikita na funny siya or pa-cool lang, pero deep din pala siya mag-isip.

"Kasi nagkakausap din kami behind the scenes."

Inamin ni Liza na hanggang ngayon ay nananatili ang paghanga niya sa kapwa Kapamilya talent.

“Hindi naman po mawawala ’yon,” sabi niya.

Pero hangga’t maaari, ayaw muna ni Liza na mapunta sa ibang level ang samahan nila ni Enrique.

“Dito, hindi ko talaga focus yung mga ganun. Ayaw ko pong ma-distract,” aniya.

Bukod sa pinagbabawalang ma-in love ng kanyang talent manager na si Ogie Diaz, sabi ni Liza, “Decision ko rin naman po kasi gusto kong maayos ko rin muna ang pag-a-acting ko, pagta-Tagalog ko.

“Kung dadagdag pa ang mga lalaki sa isipan ko, o may dumagdag pa na ganun sa akin, parang ang gulo na.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa huli, nilinaw rin ni Liza na hindi pa nanliligaw sa kanya si Enrique.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN