Yasmien Kurdi criticized for being too kind to StarStruck 6 aspirants

Yasmien Kurdi is looking for charm and sex appeal among the StarStruck hopefuls: "Kahit guwapo or maganda nga, kung wala namang appeal, parang wala ring dating, ‘di ba? Maraming mga guwapo at maganda diyan talaga. Pero bihira yung may malakas ang dating.”


Maagang nagpasabi ang Kapuso actress na si Yasmien Kurdi sa staff ng teleseryeng Yagit tungkol sa kanyang holiday leave dahil sa Dubai at Kuwait daw siya magpa-Pasko.

Hanggang New Year daw siya doon, kasama ang kanyang mister na si Rey Soldevilla Jr. at ang kanilang anak na si Ayesha Zara.

Hindi pa raw kasi nakikita ng ama ni Yasmien ang kanyang anak kaya magandang timing daw ang Pasko para makilala ni Ayesha ang kanyang lolo.

“Humingi na po ako ng bakasyon sa kanila. In-advance ko na para walang maging problema.

“Gusto na kasing makita ni Daddy yung apo niya. Kaya perfect time yung Christmas para magsama-sama kami.

“Nasa Kuwait kasi ngayon ang daddy ko kaya nagpasabi na ako sa kanya na darating kami doon sa Christmas para ma-meet na niya ang apo niya.

“Excited naman si Daddy kasi nga first apo niya at sa mga photos lang niya nakikita si Ayesha.

“Matagal din kaming hindi nagkita kaya magandang reunion para sa amin.

“’Tapos sa Dubai naman, yung daddy ni Rey ang nandoon.

"Kaya reunion din iyon with his dad at makikita rin ni Ayesha ang isa pang lolo niya.

“Kaya ngayon pa lang, ang saya ng feeling ko, kasi alam kong mami-meet na ni Ayesha ang mga lolo niya.

“Ayesha is turning two on November 22 kaya tama lang na makilala na niya mga lolo niya.

“’Tapos doon pa kami mag-holiday sa ibang bansa kaya nae-excite kami ni Rey sa mga nangyayari sa buhay namin,” kuwento ni Yasmien nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) siya sa press launch ng Yagit.

BIG WEDDING. Tinanong din namin si Yasmien kung pinaplano na ba nila ng mister niyang magkaroon ng malaking wedding.

Simple lang kasi ang naging wedding nila two years ago at sa January 25, 2015 ay third anniversary na nila.

“Gusto namin sa Europe! Ang sosyal, ‘di ba?” sabay tawa ni Yasmien.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dream ko kasi yung naka-wedding gown ako ’tapos mag-kiss kami sa Eiffel Tower in Paris. Ang romantic, ‘di ba?

“Siyempre, dream ko lang naman iyon.

“Who knows, baka magkatotoo rin.

"’Tsaka nandiyan na si Ayesha na magiging flower girl namin.

“Dito kasi sa Pilipinas, okey na ang naging kasal namin.

"Kahit simple lang, naging maayos naman lahat."

STARSTRUCK 6. Bukod sa teleseryeng Yagit, abala rin si Yasmien sa regional auditions ng StarStruck 6.

Ang feedback nga kay Yasmien ay masyado raw siyang mabait sa mga nag-o-audition.

Alam kasi ng aktres ang pakiramdam na humaharap sa maraming tao para mag-audition.

Si Yasmien ang First Princess sa unang season ng StarStruck.

Saad ng 25-year-old actress, “Napagdaanan ko na kasi ‘yan.

“Naranasan ko ang mapagsungitan ako, okrayin ako.

"Alam ko ang feeling. Kaya ayokong may sumama ang loob sa akin.

“Alam kong they are trying their best at maganda iyon.

“Gusto kong maging confident sila kapag umakyat at bumaba sila ng stage.

"At hindi yung aalis sila ng audition na malungkot sila."

Hanap daw ni Yasmien para sa mga makakapasa sa StarStruck 6 ay ang charm and sex appeal.

“Gusto ko kasi yung may appeal talaga.

"’Tapos yung charming, yung magugustuhan ng publiko kapag napanood na siya sa TV or sa pelikula.

“Alam ko na kailangan natin ng mga mukhang artista talaga.

"Pero kahit guwapo or maganda nga, kung wala namang appeal, parang wala ring dating, ‘di ba?

“Maraming mga guwapo at maganda diyan talaga, pero bihira yung may malakas ang dating.”

Natutuwa naman si Yasmien sa muling pagbabalik ng StarStruck.

Bilang isa sa first batch ng reality-based artista search na ito ng GMA Network, malaki ang nabago sa buhay niya sa pagsali rito at panahon na raw ulit na mag-develop ng mga bagong artista.

“Maraming pagbabago ang nabigay ng StarStruck sa akin at sa iba pang mga naging batches nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Lahat kami nabigyan ng pagkakataon na maging part ng showbiz at gumanda ang buhay.

“Ngayon kasi, halos lahat kami ay nag-mature na, may mga asawa’t anak na kami.

"Yung iba ay may ibang mga ginagawa na aside sa showbiz.

“Kaya tama lang na magkaroon ng bagong stars na i-develop ang GMA-7.

“Para sila naman ang makaranas ng magandang suwerte na dumating sa buhay namin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN