Marvin Agustin confirms return to ABS-CBN via daytime soap

Marvin Agustin returns to ABS-CBN and confirms that he will star in an upcoming soap opera that will replace Be Careful With My Heart.


Kinumpirma ni Marvin Agustin na muli siyang gagawa ng teleserye sa kanyang original home network, ang ABS-CBN.

Ito ay sa pamamagitan ng daytime drama na Flor de Liza, na papalit sa timeslot na mababakante ng hit series na Be Careful With My Heart nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap.

Ang Flor de Liza ay hango sa 1981 film na pinagbidahan nina Janice de Belen at ng namayapang young actress na si Julie Vega.

“Totoo po, I’m going to do one project with ABS... telenovela. It’s going to be by Direk Wenn Deramas. I’m so happy to be doing this project,” pagkumpirma ni Marvin sa grand press conference ng pelikulang Moron 5.2, kaninang tanghali, October 22, sa Mom And Tina’s Bakery & Café, Sgt. Esguerra St., Quezon City.

Ngunit kabaliktaran ng mga naunang ulat, nilinaw ni Marvin na wala pang kumpirmasyon kung makakasama niya sa teleseryeng ito si Jolina Magdangal.

Usap-usapan kasi na magbabalik-Kapamilya na rin ang actress-singer.

Sumikat ang tambalan nina Marvin at Jolina noong dekada ‘90.

Ayon kay Marvin, “Kung sino po ang kasama ko, hindi pa po namin alam, we’re still fixing it.

"But we started taping already.

“Pero kasi, marami ho yung kasama sa cast. Yung iba final na, yung iba hindi pa.

"So, malalaman din natin in the coming days.

"But, yeah, I’m doing Flor de Liza early this November.”

Sinagot naman ni Direk Wenn, direktor ng Moron 5.2 at ng Flor de Liza, kung bakit hindi sigurado kung makakasama nga si Jolina sa soap.

“May mga inaayos pa po sila. Hindi pa sigurado rin dahil ako, honestly, hindi ko pa alam.

“Hindi pa nila ako binabalikan, hindi pa nila ako binabalitaan.

“Pero napakaganda siguro kung mangyayari ’yon… Marvin-Jolina. Throwback na throwback!

“Hindi ko man sila naidirek sa pelikula pa na magkasama, sana talaga [matuloy], dahil ang ganda ng istorya, ang ganda ng serye.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong pa ng direktor, “Nakapagsimula na kami kahapon, kanina nga lang kami natapos. Sana matuloy.”

Ibig sabihin ba ay wala na si Marvin sa TV5?

“So far po, I’m with ABS,” maiksing tugon ng actor-restaurateur.

Nagsimula si Marvin bilang Star Magic talent at pumatok ang tambalan nila ni Jolina.

Lumipat siya sa GMA Network noong 2006 at nagbida sa mga teleserye.

Taong 2012 nang mapanood sa TV5 at gumawa ng mga proyekto kagaya ng Artista Academy, Karinderya Wars, at Obsession.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN