Glaiza de Castro still waiting for closure after breakup with Felix Roco four years ago

Glaiza de Castro on her reluctance in entering a new relationship: "Sa mga previous relationships ko kasi, parang wala siyang closure. Medyo mahirap ’tapos parang left hanging, so natakot ako dun sa attachment. Kumbaga, mag-jump into a relationship na alam kong hindi pa ready yung guy."


“Hindi, kasi medyo naging choosy din ako.”

Ito ang nabanggit ni Glaiza de Castro na posibleng dahilan kung bakit single pa rin siya, kahit apat na taon na ang nakalilipas mula nang matapos ang relasyon nila ng aktor na si Felix Roco.

Dagdag pa ng Kapuso actress, “Wala, ngayon, medyo hindi ako masyado naglalalabas.

"Yung social skills ko, parang hindi masyado napapraktis ngayon dahil mas bahay ako. Ngayon, hindi ako lumalabas.

“Parang ngayon, natutuwa na lang ako na nakikita ko na lang sila Takeru Satoh... sobrang ganun ako ka-geek!

"Medyo mahirap talaga... mahihirap talaga yung mga gusto ko!" natatawang pagtukoy ni Glaiza sa Japanese actor na bida sa pelikulang Rurouni Kenshin.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at YES! Magazine si Glaiza sa Summit Media office, sa Pioneer St., Mandaluyong City, kaninang hapon, October 22.

Bumisita si Glaiza at ang kapwa niya GMA Artist Center talent na si Phytos Ramirez sa PEP at YES!, kasama ang ilang executives ng talent arm ng Kapuso network sa pangunguna ni Mark Sablan.

NO CLOSURE YET. Inamin ni Glaiza na may trauma pa rin siya mula sa huli niyang relationship kaya hindi na muna siya nagbu-boyfriend.

Saad niya, “Sa mga previous relationships ko kasi, parang wala siyang closure.

"Medyo mahirap, ’tapos parang left hanging.

"So, natakot ako dun sa attachment... kumbaga, mag-jump into a relationship na alam kong hindi pa ready yung guy."

Sinabi ni Glaiza na open naman daw siya kung may darating na lalaking pasok sa katangian na hinahanap niya.

“Until ready na yung guy, kung may nanligaw man, ’tapos nakita kong ready siya, or makita ko yung mga qualities na hinahanap ko.

"Kasi siyempre, ’di ba, ’pag nanliligaw, palaging best foot forward?"

Inamin din ni Glaiza na wala pang closure ang naging relasyon nila ni Felix.

“Ang nangyayari, ilang months, okay...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"’Tapos ilang months na nawala na lang, as in nawala. Walang kahit na ano.

"Hindi pa naman ako matanong. Hindi ko pinupuwersa yung isang tao kung ayaw niya.

"Hindi ko pipilitin, hindi ako ganun.”

Kahit hindi gaano nagtagal ang relasyon at naging malabo ang naging hiwalayan nila ni Felix, klaro naman daw na mag-boyfriend at girlfriend sila noon.

“Hindi kami umabot ng isang year, parang ilang months...

"’Tapos nag-off, ’tapos bumalik ulit.

"’Tapos, parang wala na. Nag-disappear na talaga siya.

"’Tapos ako naman, hindi ko na siya hinanap.

"Parang, ’A okay, hindi sumasagot, okay.’"


ALMOST. Mula raw noon ay nawalan na sila ng komunikasyon at hindi na nagkitang muli.

Naikuwento rin ni Glaiza ang isang insidente kung saan muntik na silang magkita ni Felix, pero hindi pa rin nagpang-abot.

“Nung nag-7107 na concert [sa Clark, Pampanga], yung friends ko na kasama daw siya, hinahanap ako.

"Hindi na kami nagkita kasi jammed yung signals nun, e."

Sa liit ng showbiz, himala na hindi pa nag-krus ulit ang landas ng dalawa?

“Oo nga, e, ’tsaka malapit lang yung bahay namin sa bahay nila. Isang village lang,” banggit pa ni Glaiza.

Ano kaya ang magiging reaksiyon niya kapag nagkita at nagkausap sila ulit ni Felix?

“Siguro... ayoko rin ng masyadong mahabang usapan, e. Kung ano man sabihin niya.

"Hindi ko rin alam, e... siguro aapiran ko na lang siya!” biro ng 26-year-old actress.

Dagdag niya, “Actually, nagkikita kami ni Dom [Dominic Roco, Felix’s twin brother].

"Kasi after nung breakup, nagkakatrabaho pa rin kami, magkasama kami sa isang episode ng Magpakailanman, sa Katipunan.

“Pero never naman namin na-bring up. Hindi ko na-bring up, e.

“Okay naman na ako,” paniniguro pa ni Glaiza.

“DAPAT PATIENT SIYA.” Kung sakaling magkaroon siya ng panibagong manliligaw, sinabi ni Glaiza ang mga katangiang hahanapin niya.

“Kasi ngayon, naka-focus ako sa mga ginagawa kong long term... sa business, naka-focus ako dun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa mga interests ko, I’m into running and Airsoft.

"’Tapos sa music, siyempre isa yun sa mga passion ko talaga, e.

“So, dapat patient siya, e.

"Pagdating sa isang bagay na gusto ko, focused ako dun.

"Parang, ’di ba, dapat yung partner, katulong mo siya sa mga ginagawa mo sa life?

“Ngayon, tapos na ako dun sa kilig-kilig, e.

"Yung source of kilig ko na lang talaga ngayon, sila Takeru. Sila Haruma... mga Japanese actors.

"Pero ’pag commitment, iba na yun,

"Crush lang ’to, kilig lang ’to. Fangirl lang ako."



BRIDAL SHOWER. Napag-usapan din daw ang pagiging single ni Glaiza noong dumalo siya sa pangatlong bridal shower ni Marian Rivera, na ginanap sa Kiyosa Nail Salon sa Bonifacio Global City, noong October 19.

Kuwento niya, “Sabi nila, mag-boyfriend na daw ako.

"Ang daming masasayang ganap nung araw na yun... sobrang girly namin.

"Ang saya rin pala na may mga kikay kikay stuff, ’tapos pinag-uusapan yung mga girl problems, mga tips on paano magiging mas maganda yung relationship mo with your man."

Na-inspire ba siyang magkaroon na rin ng sarili niyang bridal shower?

Tugon ni Glaiza, “Na-inspire ako, kaya lang, ang layo ko pa dun, e, wala pa akong boyfriend.

“Sabi ko, ’Di pa ako dumadating sa ganyan, so wala pa ako masi-share sa inyo. Pero makikinig na lang ako.’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN