Character actor Simon Ibarra explains incident at Wattpad Presents taping

Nilinaw ng character actor na si Simon Ibarra ang paratang na "nagwala" diumano siya sa taping ng TV5 show na Wattpad Presents dahil pinaghintay siya nang matagal bago kunan ang kanyang eksena. Sabi niya sa huli, "Ayaw ko patulan ‘yan. Negative sa buhay ‘yang ganyan."


Nagpaliwanag ang character actor na si Simon Ibarra tungkol sa Facebook post ng assistant director ng TV5 program na Wattpad Presents tungkol sa diumano’y pagwawala niya sa taping.

Ang Wattpad Presents ay isang nightly love series ng TV5 na nagsimulang umere noong September.

Ang mga istorya ay hango sa Wattpad, ang sikat na online book series, na hindi lamang TV5 ang bumibili ng rights nito, kundi pati na ang ABS-CBN at Star Cinema.

Sa TV5, nag-pilot episode noong September 22 ang “My Tag Boyfriend” ng real-life sweethearts na sina Jasmine Curtis-Smith at Sam Concepcion.

Sinundan ito ng “Mr. Popular Meets Miss Nobody” na pinagbidahan ng TV5 homegrown talents na sina Shaira Mae at Mark Neumann.

Next na ipinalabas ang “Poser” ng Kapatid exclusive young artists na sina Akihiro Blanco at Chanel Morales, ka-love triangle si Sam Rodriguez, ang anak ng yumaong aktor na si Miguel Rodriguez.

Sinundan ito ng “Almost A Cinderella Story” last week, topbilled by Kapatid Princess na si Eula Caballero, kapartner si Carl Guevara.

Ang latest ay ang “Dyepni” episode ng married couple na sina Jennica Garcia at Alwyn Uytingco.

Kaninang umaga, October 22, may nasagap na balita ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa taping ng Wattpad Presents.

Recently, sa taping ng episode na “Fake Fiancé”, starring Artista Academy winners Vin Abrenica and Sophie Albert, directed by Jade Castro, ay may naging “isyu” pala sa pagitan ng assistant director nitong si Han Salazar at isa sa mga artista ng episode na si Simon Ibarra.

Kagabi, October 21, may ipinost si Direk Han sa kanyang personal Facebook account na “nagwala” raw si Simon dahil matagal siya bago makunan sa taping.

Pinabulaanan naman ito ng aktor sa PEP at sinabing “biruan” lamang ang lahat.

Ang eksaktong post ni Direk Han:

“Nagwala si Simon Ibara sa taping ng Wattpad dahil ang calltime niya is 3pm, pero 8pm na hindi ko pa siya nakukunan. Hindi naman daw siya talent, artista daw siya...”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Direk Han rin ang nag-post ng unang comment sa nasabing post: “Just sharing…” aniya.

May nag-comment: “Han, bakit nga ba kinoltime ng 3pm si Simon, ‘di pala siya makukunan ‘till 8pm? Sa ganitong nangyari, sino ang sa tingin mo may mali -- ang TC (talent coordinator), ang AD (assistant director), ang Direktor, o ang artista mismo?”

Nag-reply si Direk Han: “Kaya siya kinoll ng 3pm, kasi target makunan yung scene niya ng 4pm. Kaya lang, nagkaproblema sa paglipat ng location.

“And besides, nung dumating siya, nag-usap agad kami na hindi ako ang kukuha sa kanya kundi yung Unit 2 at nagkaroon kami ng delay sa paglipat ng location.

“Isang sequence lang siya, at waiting din yung Unit 2, dahil priority yung mga scenes na kinukunan ng Unit 1 (kami ‘yon).

“Well, okay lang na magalit siya, kaya lang nag-react yung mga kasama niyang artista sa tent, kasi hindi siya kilala.”

HAN’S SIDE. Kaninang umaga, October 22, kinuha ng PEP ang panig ni Direk Han sa isyu sa pamamagitan ng personal message sa kanyang Facebook account.

Ang aming tanong: Paano ‘nagwala’ si Simon Ibarra sa set?

Tugon ni Direk Han: “Actually, sa loob ng tent ng artista nangyari. Co-actors niya ang nagkuwento sa akin. Warning daw, sabi sa akin ng co-actor, may galit na galit sa akin.

“Sabi daw ni Simon, ‘3 P.M. ang call ko sa kanya,’ ‘tapos, 8 P.M. na hindi pa siya nakukunan, e, hindi naman daw siya talent, artista daw siya.

“Sabihin daw sa AD na suntukan na lang daw kami kung gusto ko. Sobrang galit na galit daw.

“Actually, pagdating niya nung hapon, kinausap niya agad ako na kunan na siya, tutal daw, 1 sequence lang siya.

“Sinabi ko sa kanya na hindi ako ang kukuha sa kanya kundi Unit 2. Pero ang gusto niya, ako na ang kumuha.

“Hindi ko hinarap si Simon nung nagwawala siya, yung EP [executive producer] ang kumausap sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi rin ako nag-sorry bilang hindi ko nararamdaman na may kasalanan ako.

“Dati ko nang naririnig na may attitude siya, pero hindi ako naniniwala hanggang nangyari sa akin ito.

"Hope na hindi na kami magkatrabaho..."

SIMON SAYS... Upang makuha ang kabilang panig, nag-private message din ang PEP sa Facebook account ni Simon, almost the same time na ka-PM namin si Direk Han kaninang umaga.

Mabilis na sumagot si Simon: “Nabasa ko rin yung post ni Han Salazar, AD ng Wattpad. ‘Di accurate yung post niya at yung term niya na ‘nagwala.’ Mali yun.”

Kuwento ni Simon, “Dumating ako ng 3 P.M., ’tapos 10 P.M., ’di pa ako nakukunan, pero ayos lang yun.

“’Tapos, dumating si Ahron Villena. Tinanong niya ako kung nasalang na, sabi ko, hindi pa.

“’Tapos, dumating yung P.A. [production assistant]. Sabi, ‘Kuya Ahron, ikaw na.’

“Doon nag-umpisa yung BIRUAN, sumali pa si Vin Abrenica sa biruan.

“First day nangyari yun.

“’Tapos noong 2nd day ko sa Wattpad, may nagbulong sa ‘kin na masama daw ang loob ni Han sa ‘kin.

“Kaya nang ma-packup ako ng 5 A.M., kinausap ko muna siya bago ako umuwi re: that matter.

“Nag-explain ako sa kanya at pwede niya tanungin yung dalawa [Vin and Ahron].

“Sabi niya, ‘No prob [problem], ok lang yun...’

“’Tapos, nag-post siya ng ganon. Tsk tsk tsk!” himutok ni Simon.

Tanong ng PEP: Diretso ba sa iyo ang text ng call time or may handler ka? Sino nag-text ng call time na 3 P.M.?”

Sagot ni Simon, “Kay Kuya Ed Instrella lahat dumaan mga text nila, siya handler ko.”

At this point ay sinabi ni Simon na ayaw niyang patulan ang issue dahil ayaw raw niya ng negativity.

“Ayaw ko patulan ‘yan. Negative sa buhay ‘yang ganyan.

"Mas masarap maging masaya. Birthday ni Kuya Ed ngayon.

“Log off muna ako, nagda-drive lang. Next time magkape tayo para mas maganda tsikahan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Reply namin, nais naming kunin ang kanyang panig para malaman ng publiko ang side niya, since naging “public” na ang post na yun ni Direk Han laban sa kanya.

“Ikaw bahala, pero please sa positive side lang. Ayaw ko kasi ng negativity. Bye for now,” sagot niya.

May sumunod pa kaming tanong kay Simon na "biruan" lamang pala nina Vin at Ahron ang lahat at nakarating kay Direk Han ang "galit" daw niya.

Hindi pa nag-reply dito si Simon, at this point.

ATTITUDE. Ipinarating namin kay Direk Han ang panig o paliwanag ni Simon sa PEP tungkol sa “pagwawala” issue, sa PM pa rin ng Facebook.

Hindi ito kumbinsido na “nagbibiro” lamang si Simon.

Muli siyang nag-react: “Wala ako sa tent nung ‘NAGWALA’ siya. Yung co-actors lang niya ang nagsabi sa akin na mag-ingat daw ako, kasi nga galit na galit si Simon sa akin at sinabi niyang ‘Sabihin niyo sa AD, suntukan na lang kami.’

“Sa tingin ko, hindi ako wawarningan nung mga actors kung BIRUAN lang ‘yon.

“Totoong nag-sorry siya nung last day (2 days lang ang taping) at sinabi kong ‘NO PROBLEM,’ dahil hindi ko naman puwedeng sabihing sorry din.”

At sa kanya na rin galing ang dahilan ng pag-post niya sa pangyayaring ito.

“Nag-post ako ngayon para lang alam nung mga nagkukuwento sa akin ng attitude ni Simon, na alam ko nang tama sila.”

Sa thread pa ring yun, may nag-comment na “smear campaign” daw ba ito para sa aktor:

“Ito ang standard ng shooting natin. Parang normal EDSA traffic lang ‘yan.

“Unfortunately, this is the sad Pinoy standard. And we just go with the flow.

“Is this a smear campaign against the actor? A smear campaign against the production? Your #justsaying -- pointing -- meaning?

“So yeah, what’s the point of #justsaying?”

Dalawang oras ang lumipas habang ginagawa namin ang artikulong ito, nakapag-reply uli si Simon sa Facebook.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hahaba lang ito, ayaw ko na patulan. Stay positive na lang ako,” pahayag ng character actor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN