Matteo Guidicelli denies using Sarah Geronimo’s name in promo of his film

Matteo Guidicelli is very close to banning the mention of Sarah Geronimo when he meets the press to promote a project. "Kasi siyempre, after the presscon, somebody will say, ’Bakit na naman kailangang pag-usapan ni Matteo si Sarah?’ I don’t want to insult anybody."


Si Matteo Guidicelli ang bagong "moron" na kasama sa Moron 5.2: The Transformation.

Lumalabas na pinalitan ni Matteo ang dating kasama sa cast na si Martin Escudero.

Hindi naman daw naging mahirap para kay Matteo na makisabay kina Luis Manzano, Marvin Agustin, DJ Durano, at Billy Crawford.

“They were very, very nice to me, all of them, especially Direk Wenn [Deramas].

"Si Billy, not so much!” natawang biro niya sa ginanap na press conference ng pelikula sa Mom and Tina’s Bakery Cafe sa Sgt. Esguerra, Quezon City, kahapon, October 22.

Ayon pa kay Matteo,“I’m just joking. Pero they were very, very nice.

"Sa unang eksena namin, si Tito Marvin ang nagga-guide sa akin.

"Siyempre, this is my first full-length comedy film.

"So, siyempre, gina-guide nila ako, especially si Direk Wenn, all of them actually.

“So I’m very, very thankful.”

Pero may isang pagkakataon daw na napag-tripan ng lahat na biruin si Matteo.

Ito yung kalalabas lang ni Billy sa kulungan pagkatapos nitong magwala sa Taguig police station.

Napag-tripan daw na biruin si Matteo na galit si Billy rito. Siya raw ang nagpainom dito pero iniwan niya si Billy ng lasing na ito.

Natatawang kuwento ni Matteo, “Nakainom po kaming dalawa.

"Hindi po ako ang nagpainom, yung kaibigan namin.

"Basta, close friend namin, ’tapos yun, umalis na ako.

"Paggising ko, nandoon na siya [in jail].”

Pero na-guilty ba siya na nangyari yun kay Billy?

“Siyempre, nagulat talaga ako, na-shock ako.

"Kaibigan po natin si Billy.

"Nang pumunta siya sa shooting, sobrang eyebags niya, sobrang stressed niya.

"Siyempre, we were all there to comfort him.”

Umiyak nga ba siya dahil akala niya ay talagang galit sa kanya?

“Teary-eyed lang!” natawang sabi niya.

Kung may maganda man daw sa nangyari, “We’re all very close now.”

SURPRISE LEADING LADY. Sabi ng mga kasamahan niya sa pelikula ay ang pagiging gullible o naïve daw ni Matteo ang isa sa nakakatawa sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon naman kay Matteo, “Siyempre, effort pa yun.

"Mahirap talaga ang comedy.

"I’m well-guided by Direk Wenn, number one comedy director.

"And yung mga cast po natin dito, sobrang galing na komedyante.

"Sila ang nagli-lead at sumusunod lang ako.”

Parang nadulas naman si Direk Wenn nang sabihin nito na kasama ang girlfriend ni Matteo na si Sarah Geronimo sa pelikula.

Natawang sabi ni Matteo, “Hindi, kasi ang leading ladies nila, alam na.

"Ang sa akin, hindi pa.

"Kumbaga, ma-surprise kayo kung sino siya.”

Masu-surprise pa ba ang manonood?

“Oo, kasi hindi niyo mae-expect kung sinong babaeng yun.

"Ako nga, noong pumunta ako sa set, nagulat din ako, hindi ko ini-expect na makita ko siya.

"So, na-surprise din ako. Maganda, sobrang sweet kami rito.

“Noong una, parang nailang ako, pero maganda, masaya siya.”

NAME-DROPPING? Nagiging isyu rin na sa promotion daw ng pelikula nilang Moron 5.2, parang palaging nababanggit ang pangalan ni Sarah.

Mabilis namang depensa ni Matteo, “Hindi naman po, hindi ko naman ginagamit si Sarah sa pelikula.

"Hindi naman nila alam kung ano ang nangyayari sa presscon.

"Siyempre, may mga press na nagtatanong, bilang respect sa kanila at bilang respect sa lahat, we have to answer it with the best answer.

“I don’t wanna say too much kasi hindi naman ito promo sa amin ni Sarah, sa pelikula po ito.

"As much as possible, I’d like to promote the film with the cast, not with anybody else.

"Sana maintindihan naman nila na hindi ko sadya na sabihin ang pangalan niya or whatever, ‘di ba?

“So, yun ang intensiyon ko lang is to be with the cast and promote the movie.”

Napipikon din ba siya kapag inaasar siya ng mga kasamahan niya?

“Minsan,” nakangiting sabi niya.

Pero binawi niya rin at sinabing, “No, magbabarkada kami rito at yung pikon, talo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kapag pikon ka, you’re lost.”

KEEPING QUIET. Kung sa unang press conference ng Moron 5.2 ay napag-usapan ang pagiging zero raw ng sex life ni Matteo, base sa mga ibiro ng cast, nakiusap naman si Matteo ngayon na huwag na itong pag-usapan.

Sabi niya, “Huwag na nating i-comment, sa atin na lang yun.

"Basta ang importante, masaya tayong lahat.”

Noong naging tampulan ng tukso at biro ang sex life niya, naramdaman ba niya kung napikon din si Sarah sa bagay na yun?

Ayon kay Matteo, “Sa totoo lang, hindi. Everything was well.

"I answered it the best I could. Wala naman, okey naman lahat.”

Ang ina ni Sarah na si Mommy Divine, hindi ba ito nag-react?

“Hindi ko po alam, e. And I don’t have anything to say about that.

"And as much as possible, I don’t wanna talk about her.

"Kasi siyempre, after the presscon, somebody will say na, ’Bakit na naman kailangang pag-usapan ni Matteo si Sarah?’

"As much as possible, ‘di ba, I wanna keep quiet about that.”

USER? Sabi namin kay Matteo, Matteo Guidicelli na rin naman siya.

Pero meron pa ring nag-iisip na dahil si Sarah ang naitatanong sa kanya, tipong napaparatangan siyang nagagamit niya ang girlfriend.

Naaapektuhan siya kapag ganoon?

Sagot niya, “No, because it’s not true.

"I wanna work with my career alone, by myself.

"I create my name by myself.

"And siyempre, it’s reality, she’s my girlfriend and they always say things they want to say.

"But I’ll just prove it, like with Moron 5.2, sana ma-appreciate nilang lahat.

“As much as possible, ayokong gamitin ang ibang tao.

"Gusto ko, galing sa akin at galing sa hard work ko, kumbaga.”

Sa isang banda, posibleng naiintindihan din naman ni Sarah ang sitwasyon na tinatanong lang din siya tungkol sa kanilang dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagsang-ayon ni Matteo, “Naiintindihan naman niya.

"But it’s my choice to keep it quiet and not say too much anymore.”

Pero, kumusta ang relasyon nila ngayon ni Sarah?

“We’re okay,” nakangiting sabi ni Matteo.

Mas pinapayagan na rin ba sila ni Mommy Divine na magkasama sa labas, mag-date na silang dalawa lang?

“You know, I really want to answer your questions but, like I’ve said, ayoko na masabihan na I’m talking about her in my film promo.

"Sana we can talk about other things, movie, other stuff.

"Siyempre, I don’t want to insult anybody.”

May balita kasing kapag nagdi-date daw sila ni Sarah, mas gusto ng ina nito na may chaperone pa rin na kasama ang anak kaya parang napu-frustrate daw siya. Totoo ba ito?

“Rumors are rumors, ayokong mag-comment. I don’t wanna be in deep waters,” iwas ni Matteo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN