Alden Richards sacrifices time for his family because of hectic schedule

Alden Richards is grateful for the plaudits but draws the line on being perceived as a fair-haired boy of GMA Network. He says, "Ayokong isipin na gano’n ang tingin sa akin ng mga katrabaho ko... Marami po kaming mga artista na inaalagaan nila."


Teary-eyed ang bida ng GMA bayaniserye na Ilustrado na si Alden Richards dahil sa posts ng kanyang amang si Richard Faulkerson Sr. sa Facebook account nito.

May isang post kasi ang daddy ni Alden na isang linggo na raw itong hindi umuuwi sa bahay nila sa Sta. Rosa, Laguna, dahil sa magkakasunod na mga trabaho ng anak.

Nami-miss na raw niya ang kanyang malambing na anak.

Nagpatung-patong kasi ang trabaho ni Alden nitong mga nakaraang buwan kaya masuwerte na raw kung nakakauwi ito sa bahay nila sa Laguna para makasama ang kanyang pamilya.

Sumabay pa raw ang taping ni Alden para sa Ilustrado sa mga biyahe niya para sa sa Bet Ng Bayan. Pagkatapos ay pumasok pa ang shooting ng pelikula nila ni Mark Herras na Cain at Abel.

Inamin ni Alden na sa sasakyan na lang siya natutulog kapag lumilipat na siya ng ibang taping set at kapag papunta na siya sa airport para sa Bet ng Bayan.

Naka-adjust na raw ang young actor sa kanyang hectic schedule, pero nalulungkot siya dahil sa kawalan ng panahon para sa pamilya niya.

Pahayag ni Alden nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Sa totoo lang po, para akong nasa ibang bansa.

"Nandito lang ako sa Pilipinas, pero parang ang layu-layo ko sa pamilya ko.

“I really miss my family, lalo na ang daddy ko.

“Si Daddy kasi ang madalas kong makasama noon, lalo na noong nawala na si Mommy.

“Bago ako naging sobrang busy, lagi kaming may boys’ night out ni Dad. Yun ang nami-miss ko ngayon.

“Pero ito ang sakripisyo na sinasabi ni Daddy sa akin.

“Ito ang kapalit ng mga magagandang nangyayari sa akin ngayon.

“Sabi ko naman, hindi ko po naman kailangan isakripisyo ang isang bagay, e.

"Konting adjustment na lang at magkakasama na ulit kami at mag-bonding.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Tulad ngayon, tapos na kami sa shoot ng Ilustrado at tinatapos na rin namin ang Cain at Abel.

“Yung Bet ng Bayan na lang ang matitira sa calendar ko.

"Doon na siguro ako makaka-spend ng maraming time with my family.”

GOLDEN BOY. Hindi mapagkakailang si Alden ang "golden boy" ng Kapuso network ngayon dahil sa malalaking projects na ibinibigay sa kanya.

Marami naman ang nagsasabing deserve ni Alden ang lahat ng projects dahil walang nagiging reklamo sa kanya ang production staff dahil napakabait, magalang, at pasensiyoso ito.

At never daw itong nagpaka-brat sa set kahit na pagod ito.

Sabi ni Alden tungkol dito, “Ayoko naman pong isipin na paborito tayo o mas pinapaboran ako ngayon ng GMA-7.

“Marami po kaming mga artista na inaalagaan nila.

"Lahat naman po kami may kanya-kanyang mga projects na ginagawa.

“To say na ako ang golden boy, hindi po...

"Ayokong isipin na ganun ang tingin sa akin ng mga katrabaho ko.

“Ang akin lang po ay ginagawa natin ng maayos ang trabahong pinagkatiwala sa atin.

“Lagi ko lang inaalala ang mga pangaral sa akin ng daddy at mommy ko.

“Isang sikreto sa magandang buhay ay ang maayos na pakikitungo mo sa mga kasama mo sa trabaho.

“Kung maganda ang ipinapakita mo, maganda rin ang balik sa ‘yo.

“Tsaka panay ang dasal ko na maging maayos ang trabaho natin.

"Hindi ko naman magagawa ito kung walang guidance ni Lord."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN