James Reid confirms that Andi Eigenmann and Bret Jackson have stopped dating

“Siguro [Bret was hurt] kaunti. He’s my best friend. I know if he’s feeling good or he’s feeling bad. Even if he doesn’t say it,” says James Reid, who confirmed that Bret Jackson and Andi Eigenmann are no longer dating.


“I think they’re just friends for now.”

Ito ang pahayag ni James Reid patungkol sa naudlot na pagkakamabutihan nina Andi Eigenmann at Bret Jackson.

Sabi pa ni James tungkol sa pinagdadaan ng best friend niyang si Bret, “Siguro masyadong maaga pa to know if you love someone.

"They only saw each other for two months.

“I think Andi is just going through a rough time. So he’s giving her space.”

Matatandaang namataan sina Andi at Bret na magka-date sa Cosmo Bachelor Bash 2014, noong September 25.

Bukod dito, inamin ni Andi na si Bret ang naging sandalan niya noong panahong nagkakalabuan sila ni Jake Ejercito.

Ngunit ngayon ay may espekulasyong muling nagkabalikan sina Andi at Jake, matapos silang mamataang magkasama sa isang restaurant sa Greenhills.

Ayon kay James, hindi man tahasang sabihin ni Bret ay siguradong kahit papaano ay nasaktan ang kaibigan dahil nabigo ito sa panunuyo kay Andi.

“Siguro [Bret was hurt] kaunti. He’s my best friend.

"I know if he’s feeling good or he’s feeling bad. Even if he doesn’t say it,” saad ni James.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si James sa story conference ng Para Sa Hopeless Romantic, noong October 21.

Bilang kaibigan, agad na niyaya ni James si Bret na magbakasyon sa Cebu para kahit papaano ay malibang ito.

“Actually, he went to Dumaguete. He said, ’I need to clear my mind.’ Then I told him, ’Meet me in Cebu.’

“We took a short vacation.

"We just stayed in Movenpick Hotel. It’s a really nice hotel [in Mactan, Cebu].

"We just stayed on the beach and just relaxed," kuwento pa ni James.

Sa kabila ng nangyari kina Bret at Andi, iginiit ni James na walang dapat sisihin dahil sadyang kumplikado talaga ang pag-ibig.

Pahayag ni James nang hingan siya ng mensahe para kay Andi, “I know Andi. Since I’ve known her, she’s such an amazing girl. She’s so kind.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I know she never intends to hurt anyone. So I’m sure she knows what she’s doing.

“It’s difficult when you’re in love. You won’t listen to anyone. You will only listen to yourself. So, good luck.”

Maging si Bret ay hindi rin pinangunahan ni James pagdating sa anumang desisyon nito na may kinalaman sa usapang pag-ibig.

“Actually, siya yung nag-a-advice sa akin. So, I’m sure he knows what he’s doing,” sabi ni James.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN