Wenn Deramas does not believe in same-sex marriage: "Ibigay na natin sa babae at lalaki."

Wenn Deramas does not believe in forever. He explains, "Magandang foundation yun ng isang tao na alam mong lahat ay may katapusan. So, dapat ready ka. ’Pag nangyari ang paghihiwalay, kailangang buo ka pa rin. And ibigay mo nang todo."


Sa presscon ng bagong comedy film niyang Moron 5.2: The Transformation, kahapon, October 22, inamin ng direktor na si Wenn Deramas ang pagkakaroon niya ng bagong non-showbiz boyfriend.

Binanggit ni Direk Wenn ang pangalan ng kanyang boyfriend at kung ano ang negosyo nito, ngunit nakiusap siyang huwag nang banggitin pa sa write-ups ang nabanggit na pagkakakilanlan nito.

Nang tanungin kung sasailalim ba siya sa same-sex marriage kapag nagtagal ang kanilang relasyon, sinabi ni Direk Wenn na hindi siya naniniwala rito.

Rason niya, “Pinaghirapan ko ang yaman ko, ihahati ko lang sa kanya?”

Kahit na may “prenuptial agreement’?

“E, kahit ba! Hindi na ba ako magtatrabaho?” sagot ni Direk Wenn.

Natawa nang malakas si Direk Wenn nang tanungin kung mayroon din bang prenup sa same-sex couples.

Pero seryoso niyang pahayag, “Hindi… meron din sa ganyan, kapag nag-divorce kayo.

“Saka hindi rin naman maaaprubahan dito [sa Pilipinas].

“Ako rin mismo, hindi ako naniniwala sa concept na ‘yan, e.”



THEIR LOVE STORY. Tatlong buwan pa lang daw tumatakbo ang relasyon ni Direk Wenn sa boyfriend niya ngayon.

Paano sila nagkakilala?

Kuwento ng box-office director, “Kaibigan siya ng kaibigan ko.

“So, nakita ko siya. Nakita ko yung picture ng kaibigan ko na kasama siya.

“’Tapos sabi ko, ‘Sino ‘yan? Ipakilala mo ako…’”

Bukod sa pagiging isang businessman, nagtatrabaho raw sa isang medical company ang boyfriend ni Direk Wenn.

May sariling trabaho naman pala ang boyfriend niya, bakit natatakot siyang pakasal?

Diin ni Direk Wenn, “Hindi lang talaga ako naniniwala sa concept.

“Ibigay na natin sa babae at lalaki.

“’Pag nangyari na sa aming mga bakla, baka magpatiwakal na kayo.”

Ang ex-boyfriend ni Direk Wenn na si DJ ay palaging kasama sa mga project na ginagawa niya. At kahit break na sila ay kasama pa rin ang aktor sa Moron 5.2

Wala bang interes sa showbiz ang bago niyang boyfriend?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala. Bisyo ko na lang na isama siya sa, like, ‘O, extra ka sa ganyan.’

“Nanood ka ba ng Maria Leonora Teresa?” pagtukoy ng direktor sa horror movie na ipinalabas noong nakaraang buwan.

Napangiti lang si Direk Wenn nang sabihin ng isang entertainment writer na may cameo appearance sa pelikula ang bagong boyfriend niya bilang taxi driver.

“Ang guwapo, ‘di ba?” pagmamalaki pa niya.



GIVE YOUR ALL. Ano ang natutunan ni Direk Wenn sa past relationship niya na hindi niya gustong maulit sa relasyon niya ngayon?

Tugon niya, “Wala. As a matter of fact, kaya kami naging magkaibigan niyan [DJ], it’s bound to happen.

“Kung magkakahiwalay, tanggap ko yun from the very start.

“Walang forever. Magandang foundation yun ng isang tao na alam mong lahat ay may katapusan.

“So, dapat ready ka.

“’Pag nangyari ang paghihiwalay, kailangang buo ka pa rin. And ibigay mo nang todo.

“’Pag naibigay mo nang todo, lahat-lahat, wala kang regret.

“Kaya kami naging magkaibigan [ni DJ] kasi wala kaming puwedeng isumbat na, ‘Kasi hindi mo ako ginanyan, walang masyadong ganito…’

“Walang ganun. Naibigay mo na. Wala na.

“Parang toothpaste lang ‘yan. Pindot ka nang pindot, naubos. Tapos.

“E, di bumili ka ng bago.”

Ano lang ang hindi niya kayang ibigay?

“My love…

"I can give my time, I can give my money, I can give everything, but I can’t give my love.

"Akin lang yun. Akin yun.

“Kunwari, mahal kita, akin yun, kasi mahal kita.

“Hindi ko ito puwedeng ibigay sa iyo.

“Kasi ‘pag ibinigay ko ito sa iyo, katapusan na natin pareho.”



JENNIFER LAUDE CASE. Naitanong din ng PEP kay Direk Wenn kung ano ang masasabi o opinyon niya sa nangyaring pagpaslang sa transgender woman na si Jennifer Laude, bilang kapwa sila miyembro ng LGBT community?

Si Jennifer ay pinatay diumano ng isang US marine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maingat na sabi ni Direk Wenn, “Baka ma-bash na naman ako. Baka sabihin nakikisawsaw na naman ako.

“Ako, mataas ang respeto ko sa bakla o sa lalaki o sa babae o sa tomboy o sa bulag o sa isa lang paa, kung mabuti kang mamamayan, kung hindi ka pasakit, nagbabayad ka ng buwis.

“Ibig ko lang sabihin nun, lagi akong naniniwala sa kung ano’ng ginawa mo, yun ang mangyayari, yun ang matatanggap mo. Yun ang maha-harvest.

“So, kung ano ang nangyari sa kanya, hindi natin puwedeng gawing national issue.

“Utang na loob, isa siyang krimen.

“It’s between na psycho na matatawag, yung ‘Kano, at isang victim.

“Huwag natin siyang gawing national issue na sasawsawan natin ultimong Gabriela.

“Utang na loob, hindi siya babae.

"Gusto niyang maging babae, feel niyang maging babae, and let’s face it, hindi siya babae.

“Lumugar tayong sumawsaw.

“Of course, nakikisimpatiya tayo sa mga magulang, sa kanyang pamilya.

“I’m sure mabuting tao si Jeffrey Laude. Gusto niyang magkaroon ng maayos na buhay. Kaso pinutol ng psycho.

“I-limit natin doon. Kailangan ng hustisya ng pamilya.”

Nakaranas na rin ba siya ng physical abuse mula sa isang lalaki?

Sabi ni Direk Wenn, “Ano ako, e, masyado akong fighter, e.

“Nakaamba ka pa lang, nahampas na kita ng silya, ganun ako.

“Kumpleto ako ng gadgets, para akong member ng Charlie’s Angels.”

Kaya payo niya sa ibang mga bakla na mahilig magsama ng mga lalaking hindi nila kakilala, “Number one, mag-ingat.

“Alam mo naman tayo, may kakatihan tayo. Pinaglihi tayo sa higad, sa gabi, ‘di ba?

“At strength natin yun, para tayong si Darna...

“Subukan mong makipaghiwalay sa lalaki, hindi tayo masyadong nalulugmok.

"Hatagan tayo ng bagong lalaki diyan, ‘Sino yun?’ Gumaganun na tayo.

“Yun ang strength natin.

“At sa ratio ng mga nagpapakamatay, unang-una ang tibash [tomboy]… totoo, statistic ‘yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pangalawa, lalaki. Pangatlo, babae.

“At huli tayong mga bakla, kasi nga tayo si Darna!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN