DJ Durano wants to end talks about past relationship with Wenn Deramas for the sake of his girlfriend

Ayon kay DJ Durano, tanggap ng kanyang kasalukuyang girlfriend ang nakaraan nila ng direktor na si Wenn Deramas. Pahayag ni DJ, “Tanggap niya. Kaya nga nandito pa kaming dalawa sa isa’t isa. Pati pamilya niya, tanggap. Nasasaktan lang siya para sa akin… kahit sino naman. Bakit kailangan ko raw sagutin. Sinasabi ko sa kanya, ‘Bakit hindi ko sasagutin? Kumportable naman ako sa pagkalalaki ko. ’Pag ginawa mo, you own up to it.”&


Purely professional na lang daw ang ugnayan ng aktor na si DJ Durano at ng direktor na si Wenn Deramas.

Matatandaang inamin ng dalawa na nagkaroon sila ng relasyon na tumagal ng sampung taon.

Read: Director Wenn Deramas finally reveals 10-year relationship with actor DJ Durano

Nang matapos ang kanilang relasyon ay naging magkaibigan sila at nagkatrabaho muli sa ilang proyekto, kagaya na lamang sa mga pelikulang Moron 5.2: The Transformation at Praybeyt Benjamin 2.

Ngunit hangga’t maaari ay ayaw nang pag-usapan ni DJ kung anuman ang nakaraan nila ni Direk Wenn.

Ito ay dahil nagiging emosyunal daw ang kanyang kasalukuyang girlfriend at gusto niya ring protektahan ang kanyang anak.

Saad ng 40-year-old actor tungkol sa kanyang girlfriend, “Talagang iyak siya nang iyak nitong huli. Nung na-open na naman yung kay Direk Wenn.

“Kasi hindi naman siya sanay, so tama na yun.”

Bakit nasasaktan ang girlfriend niya kapag nauungkat ang nakaraan nila ni Direk Wenn?

Paliwanag ni DJ, “Hindi siya kasi sanay na laging nasusulat kami ni Direk Wenn.

“Bakit sa tuwing may promo na lang, laging paulit-ulit yung kami ni Direk, yung relationship.

“So, iba naman.”

Pero alam naman ng girlfriend niya ang naging relasyon nila ng direktor?

“Oo. Maganda yung open ka, para wala kang itinatago,” sagot ng aktor.

Hindi pa ba tanggap ng girlfriend niya ang kanyang nakaraan?

“Tanggap niya. Kaya nga nandito pa kaming dalawa sa isa’t isa.

“Pati pamilya niya, tanggap.

“Nasasaktan lang siya para sa akin… kahit sino naman.

“Bakit kailangan ko raw sagutin.

“Sinasabi ko sa kanya, ‘Bakit hindi ko sasagutin? Kumportable naman ako sa pagkalalaki ko.’

“’Pag ginawa mo, you own up to it.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si DJ sa grand presscon ng Moron 5.2 kahapon, October 22, sa Mom & Tina’s Bakery Café, sa Sgt. Esguerra, Quezon City.



DJ’S SON. Paano naman nagri-react si DJ kapag nauungkat ang nakaraan niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ng aktor, “Ako yung taong hindi naaapektuhan sa ganun.

“Basta, napipikon lang ako para sa anak ko.

“Ako, itinatawa ko lang ‘yan. I just take it with a grain of salt.

“Wala lang… nangyayari ‘yan. Kasama sa buhay ‘yan, e.

“Kasi, before, that was all I ever wanted.

“’Tapos ngayon, porke ano na… no regrets ako sa buhay ko.”

Ano naman ang sinasabi ng anak niya?

“Ay, napakatalino ng anak ko!” bulalas ni DJ.

“Tini-take niya yun na… alam niya, kaya nangyari, dahil mahal ko siya.

“Ginawa ko yun dahil mahal ko siya, para sa future niya.

“Naapektuhan siya bandang ano… pero hindi na. Nothing affects us.

“Kaya lang, ayoko nang pag-usapan.

“Huwag na nating pag-usapan, ayoko nang pag-usapan.

“Saka wala naman akong inagrabyado kahit sino.”



IT’S BOUND TO HAPPEN. Pinakiusapan ba niya si Direk Wenn na huwag na nitong sagutin ang mga tanong ng press tungkol sa kanilang dalawa?

Ani DJ, “Wala rin, kasi ‘pag hindi ka sumagot, sasabihin din ng mga tao, ‘Ay, plastic!’

"‘Pag sumagot ka, may sasabihin pa rin.

“People have always something to say.

“Kaya sa akin lang, tama na.”

Hindi niya ba na-anticipate ang scenario na hindi maiiwasang mapag-usapan ang nakaraan nila ni Direk Wenn ngayong magkasama sila muli sa isang proyekto?

Sabi ni DJ, “Sa akin naman, tama na yung huli.

“Kahit isulat pa, wala nang papansin niyan. Palasak na yung kuwento. Naisulat na, e.

“Ano pa bang mawawasak sa akin, wasak na ako, e, ‘di ba?”

Pakiramdam ba niya ay “nawasak” siya?

“Yun lang ang feeling ko, pero kung titingnan mo sa social media, mas positive ang pagtanggap sa akin.

“Basahin ninyo yung thread. Natuwa sila sa akin dahil inamin ko.

“So, tama na yun.”



NO ASSURANCE. Gaano kasigurado si DJ na magtatagal ang relationship nila ng girlfriend niya ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot niya, “Nothing is assured. Wala namang assurance.

“Lahat tayo, sa buhay mo na sigurado magtatagal kayo, wala namang ganun.

“Kahit ngayon, puwede tayong mawala sa mundong ito.

“Walang permanenteng relasyon sa mundo.

“Nanay-tatay mo nga nag-aaway. Kahit anak mo, mag-aasawa ‘yan.

“Walang permanente sa industriya, sa pamilya.

“Dapat tanggapin lang natin yung changes na nangyayari sa buhay natin.”

Sa naunang panayam namin kay DJ ay sinabi niyang kaya siya nakipaghiwalay kay Direk Wenn ay dahil gusto niyang pakasalan ang kanyang girlfriend.

Nagbago na ba ang pananaw niya?

Paglilinaw ni DJ, “Ay, hindi, gusto ko talagang mag-asawa.

“Hindi naman nabago yung pananaw ko sa aming dalawa ni Joan [his girlfriend].

“Ngayon lang, mas tanggap ko lang na wala namang permanente sa mundo.

“Mas nagiging mature na ako sa ganyan…

“So, sa akin, take it one day at a time.”

Bagamat gusto na nilang magpakasal ng girlfriend niya, aminado si DJ na hindi pa siya handa financially.

“Kasi wala pang ipon, e.

“Ang hirap naman na sasabak ka sa ano nang wala kang ipon. Isasadlak mo lang sa ano yung pamilya.

“Ayoko naman ng simpleng kasal... yung forty people lang.

“I want to give my girlfriend the best, kasi gusto ko talagang ikasal sa church.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN