Indie actor Kiko Matos does not care about negative issues on Krista Miller

Wala raw kaso kay Kiko Matos kung may kumukuwestiyon sa pagkatao ni Krista Miller. Katuwiran niya, “Well, kahit ako rin naman, meron din naman akong mga sarili kong kasalanan na ayokong malaman ng tao. I guess, love knows no boundaries. Kung magmamahal tayo, kung ano yung mga ginawa natin noong mga nakaraang masama, kalimutan natin yun dahil mahal natin ang tao. Ganoon din po sa atin dahil lahat po tayo, may dark past.”


Hindi raw nagdalawang-isip ang indie film actor na si Kiko Matos na tanggapin ang role sa pelikulang Hukluban, kahit na sinabi sa kanya ng direktor ng pelikula na si Gil Portes na mayroon ditong nude love scene.

Ang Hukluban ay entry sa Sineng Pambansa Horror Film Festival 2014, na mapapanood mula October 29 hanggang November 4 sa SM Cinemas.

Kuwento ni Kiko sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “In-offer pa lang sa akin ni Direk Gil, noong nag-audition ako, tinanong niya sa akin kung okey lang ba akong mag-lovemaking scene, hubo’t hubad.

“Sabi ko, ‘Opo, kaya ko po yun.’

“I think, I’m at the right age. I think, meron naman akong ibubuga.”

Napasabak siya nang husto sa pakikipag-love scene sa leading lady niyang si Krista Miller?

“Yes, napasabak ako, nadala ako!” natawang sabi ni Kiko.

“Pero sa script naman po, nakasulat na passionate lovemaking.

“Hindi naman natin magagawa yun kung magre-reserve, mati-tense, so ibinigay ko na siya.”



KRISTA MILLER. Aminado naman si Kiko na nahulog ang loob niya kay Krista mula nang magkasama sila sa pelikula.

May relasyon na sila?

Sagot niya, “Hindi naman po kami.

“Pero nagkatrabaho kami, palagi kaming magkasama. Nasanay na kami sa ganoong relationship namin.

“Kasi sa shooting, ang hinihinging eksena sa amin, physical, emotional ang gusto ni Direk na mangyari.

“So, sa paghahanda pa lang nun, siyempre ginagabayan ko si Krista, sinusundo ko siya.”

Na-in love siya sa leading lady niya?

“Hindi ko nga alam, pero siguro na-in love na ako,” pag-amin niya.

Ngunit giit niya, “Pero hindi kami.”

DARK PAST. Aware daw si Kiko sa mga isyu at eskandalong nakadikit kay Krista.

Isa na rito ang diumano’y pagiging third party ni Krista sa paghihiwalay ng mag-asawang Cesar Montano at Sunshine Cruz.

Pero hindi raw nila ito napag-usapan habang ginagawa nila ang Hukluban.

“As a leading man, hindi ko po yun binanggit sa kanya. Hindi ko tinanong.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala raw kaso kay Kiko kung may kumukuwestiyon sa pagkatao ni Krista.

Katuwiran niya, “Well, kahit ako rin naman, meron din naman akong mga sarili kong kasalanan na ayokong malaman ng tao.

“I guess, love knows no boundaries.

“Kung magmamahal tayo, kung ano yung mga ginawa natin noong mga nakaraang masama, kalimutan natin yun dahil mahal natin ang tao.

“Ganoon din po sa atin dahil lahat po tayo, may dark past.”



INDIE FILMS. Bago ang Hukluban ay nakagawa na ng ilang indie films si Kiko kaya hindi na bago sa kanya ang mundong ito.

Pero malaking bagay raw kay Kiko na nakasama siya sa Sineng Pambansa Horror Film Festival at maidirek ng award-winning director na si Gil Portes.

Ano ang mga nadiskubre niya sa kanilang direktor?

“It was a challenge… well, lahat naman po kami.

“Kung naninigaw man si Direk, hindi naman personal na naiinis.

“Ganoon talaga yung patakaran niya to get things done. To make things work.

“Maninigaw siya para bilisan ng mga tao.

“Maninigaw siya para ma-motivate ka.”

Nasigawan siya ni Direk Gil?

“Meron pong mga eksena kasi, usually, ang gusto ni Direk, isang take lang para matapos agad.”

Hindi siya natakot?

“Natatakot din po,” pag-amin niya.

“Pero hindi naman po ako nandoon para matakot.

“Kailangan buo ang loob, natatakot ako kapag sumisigaw na siya.

“Pero iniisip ko, mas lalo po siyang magagalit kung hindi ko ginawa ang gusto niya.

“So, may mga eksena na nasigawan po ako, pero I don’t take it personally.

“At the end of the day, we’re all okay. Kumakain kami, wala na ang issue.

“Si Direk nga po, napansin ko, that’s how he works. That’s his style.

“It’s not anger, hindi galit, e. It’s voice, command.

“Yun po ang napansin ko.”

Kung karamihan ng mga artista ay ang manalo ng acting award ang pangarap, si Kiko naman ay iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang aim ko po, to be better every day. Talunin ko kung ano ako yesterday,” sabi niya.

Bilang nagsimula siya sa indie, pangarap din ba niyang maka-crossover sa mainstream?

Sagot ni Kiko, “Gusto ko po. Kung may kukuha sa akin like TV show, tatanggapin ko po.

“Isa po yun sa pangarap ko, makapag-mainstream.

“Idol ko po si Coco Martin, Pen Medina, Ronnie Lazaro.

“Yun po ang gusto kong tahaking daan, yung pagiging actor po talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN