Celia Rodriguez says Dingdong Dantes kept his promise not to let go of Marian Rivera

Celia Rodriguez on being asked to be one of the principal sponsors at Dingdong Dantes-Marian Rivera wedding: “I wasn’t surprised kasi close sa akin yung dalawang yun. Very, very close.”


Hindi na raw nagulat ang veteran actress na si Ms. Celia Rodriguez nang kunin siyang ninang nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa kasal nila na gaganapin sa December 30, 2014.

“I wasn’t surprised kasi close sa akin yung dalawang yun. Very, very close,” pahayag ni Celia nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Magpakailanman episode sa Malabon City, kahapon, October 22.

Nakatrabaho ni Celia si Marian sa Darna (2009) at si Dingdong naman ay sa I ♥ You Pare (2011).

Hindi rin daw niya ikinagulat nang nalamang ikakasal na ang dalawa.

Sabi niya, “Matagal ko nang alam, e.

“Hindi, kasi ano, ‘yan, e, parang two years ago pa nagpaplano.

“Siyempre puro busy, postpone nang postpone, pero alam kong they’re going to get married.”

Hindi raw siya nag-attempt na pigilan ang dalawa at sabihang unahin muna ang career.

“Hindi, kasi matagal na nila yung plano, e.”



THE PROMISE. May nakakatuwa pang kuwento si Celia tungkol kina Marian at Dingdong.

“Nagsu-shooting ako ng Darna, si Marian… Christmas party namin, nag-ring yung telepono ni Marian, ‘Tita, gusto ka raw makausap ni Dingdong.’

“So, ‘Merry Chirstmas,’ ganyan-ganyan.

“’Tapos sabi ko, ‘Dingdong, ‘pag pinakawalan mo si Marian, ako ang hahabol sa ‘yo!’

“Sabi niya sa akin, ‘Tita. I give you my word, I’ll never let her go!’

“Kaya nung party namin nung sa mga ninang, yung first twenty batch, [sabi ni Dingdong], ‘Tita, my promise…’

“Sabi ko, ‘I love you for doing that.’

“Talagang tinupad niya.”

Dahil very close at kilalang-kilala ni Celia si Marian, tinanong namin siya kung ano ang masasabi niya sa mga paninira at pang-iintriga kay Marian na kesyo suplada at mataray ito.

Sagot niya, “Si Marian, hindi suplada, she’s just herself.

“Kaya kami nagkaganun [naging close]. She’s just herself. Mana sa akin!”

Sa “Kalakal Boys: The Cedric Macdon and Joven Santos Story” episode ng Magpakailanman ay gaganap si Celia na ina ng mga bidang sina Ruru Madrid at Miguel Tanfelix.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ay mula sa direksiyon ni Maryo J. de los Reyes na ipalalabas sa Sabado ng gabi, October 25, pagkatapos ng Marian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN