PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ellen Adarna quashes rumored sex video scandal with ex-boyfriend

Ellen Adarna now more careful about her sexy pictorials.
by Arniel C. Serato
Published Sep 11, 2018 | Updated Oct 23, 2014
Ellen Adarna on why she's not the marrying type: "Kasi I was engaged once, okay, fine. It was an abusive relationship. And after that, I was traumatized. So, after that, I don’t want to get married na."

Pinagtatawanan na lang ngayon ni Ellen Adarna ang mga katanungan tungkol sa leaked nude photos niya noong Setyembre.

Matatandaang ilang mga hubad na larawan ni Ellen—na galing sa photo shoot ng Esquire magazine para sa April 2014 cover nito—ang kumalat sa Internet.

Pasalamat na lang daw ang 26-year-old actress-model na maganda ang kuha niya sa mga naturang larawan.

Proud ba siya sa mga larawang lumabas?

Natatawang sabi ni Ellen, “In fairness, walang Photoshop yun, at least flawless.

"So, okay na, at least hindi siya yung banyo nude selfie.

"I mean, it was professionally taken."

Mariin namang kinondena ng Esquire ang paglabas ng mga larawan ni Ellen sa statement na inilabas nito noong September 17.

Read: Esquire condemns unauthorized distribution of Ellen Adarna nude photos

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Ellen sa launching niya bilang pinakabagong calendar girl ng Ginebra San Miguel, kaninang hapon, October 23, sa ballroom ng Rembrandt Hotel, Quezon City.

HARD DRINKER. Pinalitan ni Ellen bilang calendar girl ng naturang liquor brand ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

Pressured daw si Ellen na siya ang pumalit kay Marian.

Pagdating naman sa mga kuha niya para sa kalendaryo, tiniyak ng aktres at ng kanyang manager na may kontrata na sila kung saan naka-stipulate na bawal ilabas ang anumang hindi kaaya-ayang larawan ni Ellen.

Natuto na raw kasi sila sa nangyaring pagkalat ng kanyang nude photos.

“May kontrata. Before a shoot, whatever shoot it is,” sabi ni Ellen.

Hindi naman daw siya kabado sa pictures na lalabas dahil wala siyang nude shots sa calendar photo shoot.

Dagdag pa niya, “Hindi naman, kasi nakita naman namin yung photos, ne-review naman namin after the shoot.”

Dahil alak ang naturang endorsement, aminado ba siyang manginginom talaga siya?

Sabi ng Cebuana beauty, “Manginginom talaga ako kasi laking-probinsiya po ako, malakas po kaming uminom.”

So, totoo ang mga larawang kumalat noon kung saan nakunan siyang halos wala nang malay dahil sa kalasingan?

Natatawa niyang tugon, “Totoo yun at saka in-emote din namin talaga yun.

"Parang masaya lang talaga kami at saka wala kaming pakialam nung time na yun.”

ALLEGED SEX VIDEO. Pagkatapos lumabas ang kanyang nude photos, kumalat naman sa Internet ang links ng diumano’y sex video ni Ellen.

Kasama raw niya sa naturang video ang kanyang ex-boyfriend.

Pero paglilinaw ni Ellen, “Wala... sana lumabas na ‘yan matagal na.

“Wala. Wala po.

"If meron po, matagal na ‘yan [bali-balita] at saka patay ako talaga. Hindi ako magpapakita.

“Wala po talaga.

"I’m very careful about that, praning ako sa mga ganyan."

NOT THE MARRYING TYPE. Sa ngayon, masaya raw si Ellen sa piling ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Raoul Olbes.

Pero aminado ang aktres na hindi siya yung marrying type na babae.

Paliwanag niya, “Because my dad don’t want me to get married.

"And in my head, I was, ‘Okay, hindi na lang ako magpapakasal. I just want to have a baby.’"

Bakit nga ba pinanindigan na niya ang nasabi ng kanyang ama?

Ayon kay Ellen, “Kasi I was engaged once, okay, fine.

"It was an abusive relationship... I was traumatized.

"So, after that, I don’t want to get married na.

“I told him [Raoul] na, ‘If we’re both happy, and have kids, and when I’m old enough, have wrinkles na, and hindi na kaya ng face ko, and then we can get married na.'”

Nakatakdang magbida si Ellen sa teleserye ng ABS-CBN na Pasion de Amor.

Makakasama niya rito sina Jake Cuenca, Ejay Falcon, Joseph Marco, Arci Muñoz, at Coleen Garcia.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ellen Adarna on why she's not the marrying type: "Kasi I was engaged once, okay, fine. It was an abusive relationship. And after that, I was traumatized. So, after that, I don’t want to get married na."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results