Guji Lorenzana reacts to ex-girlfriend Kaye Abad going public with her relationship with Paul Jake Castillo

Guji Lorenzana on ex-girlfriend Kaye Abad’s publicized relationship with Paul Jake Castillo: “Kasi for me, I hoped for that. I waited for so long for my relationship with her to be public. And then, nung naging sila, agad-agad naging public. I’m happy for her because now she found someone she can be that with. I wasn’t the guy, e," he says in an interview with PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).


“I have really moved on.”

Ito ang pahayag ni Guji Lorenzana nang kamustahin ang lagay ng kanyang puso pagkatapos ng breakup nila ni Kaye Abad early this year.

Aminadong nasaktan nang husto si Guji at umasang magkakabalikan sila ni Kaye noon.

“I was sad kasi nag-work hard ako, waiting and waiting, courting and courting her.

“’Tapos all of a sudden, naging kami, biglang wala na. It just ended abruptly.

“For me, it was very heartbreaking.

"I haven’t been that heartbroken for a long time," pagbabalik-tanaw ni Guji.

Ngunit kahit na matagal na silang hiwalay, hindi maiwasang tanungin si Guji tungkol kay Kaye, lalo pa’t naging bukas na ang aktres tungkol sa pakikipagrelasyon nito sa ex-Pinoy Big Brother housemate na si Paul Jake Castillo.

May ilan kasing kumukuwestiyon kung bakit sa itinagal ng relasyon nina Guji at Kaye noon ay naging mailap ang aktres tungkol sa lovelife nito.

Ngunit nang maging magkasintahan sina Kaye at Paul Jake ay agad itong isinapubliko ng aktres noong Mayo.

Pahayag ni Guji, “A lot of fans would take sides, what side they feel is more deserving.

“When it comes to relationships naman, everybody gets hurt. Mahirap talaga.

“For me naman, I’m just happy that nahanap niya yung guy na she can be like that with.

“Kasi, for me, I hoped for that. I waited for so long for my relationship with her to be public.

“And then, nung naging sila, agad-agad naging public.

“I’m happy for her because now she found someone she can be that with.

“I wasn’t the guy, e.”

Pakiramdam ba niya ay ikinahiya ni Kaye ang relasyon nila noon?

Sagot ni Guji, "I don’t think she was ashamed.

"She just wasn’t ready [to immediately admit our relationship then].

"I didn’t bring it up kasi medyo touchy yung subject. All I know is that she wasn’t ready.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Now she is, and I’m happy for her."

NO MORE BAD FEELINGS. Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Guji sa presscon ng Grease, ang musical na pagbibidahan nila ni Tippy Dos Santos.

Ginanap ang naturang event sa Palm Grove, Amorsolo Square, Makati City, noong Miyerkules, October 22.

Tinanong ng PEP kung noong magkasintahan pa sila ni Kaye ay nakaramdam siya ng posibilidad na magkagustuhan ang aktres at si Paul Jake.

Hindi naman lingid sa publiko na noong panahong iyon ay malapit na magkakaibigan ang tatlo.

Sagot ni Guji tungkol dito, “As a boyfriend, you look back—sasabihin ko yung totoo—you wonder, ‘Wow, medyo close sila.’

“But I’m not gonna judge. I’m not gonna say na bawal ka maging friends with someone else.

“And friend ko rin naman si Paul Jake at that time, and friend ko pa rin naman siya ngayon.

“I just hope, siguro when it all ended, na nag-open up siya sa akin na may gusto siya kay Kaye.

“But it’s okay. It’s over now.”

Ayon pa kay Guji, matagal na niyang tanggap na hindi talaga sila ni Kaye ang para sa isa’t isa.

Sa katunayan, naghihintay na lang umano siya ng pagkakataong magkasama ulit sila nina Kaye at Paul Jake bilang magkakaibigan.

“Kasi nami-miss ko rin sila. We were really close.

"Lahat kami—Paul Jake, ako, Kaye. We have a group.

"Now, I’m separate from them and I miss them.

“So, maybe [when] they read this or something, they can decide to call me or something [and we can hang out],” dagdag pa ni Guji.

THE RIGHT GIRL. Samantala, masayang ibinahagi ni Guji na nahanap na rin niya ang babaeng tunay na magmamahal sa kanya.

Nag-umpisa ang relasyon nila ng kanyang non-showbiz girlfriend noong April 21.

Nagkakilala raw sila sa pamamagitan ng kanilang common friends.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagmamalaki ni Guji, “Yes, I have a new girlfriend.

"Her name is Cheska Nolasco. she’s an interior designer.

“She designed Urbn and Rayven. She’s very prominent sa designing scene.”

Kuwento pa ni Guji, kakagaling lang nila sa ilang linggong pagbabakasyon sa U.S. upang pormal na makilala ni Cheska ang pamilya ng 34-year-old singer-actor.

Tiyempong katatapos lang ni Guji ng shooting para sa Cinema One Originals film na Bitukang Manok kaya nagkaroon ng libreng oras ang aktor.

Saad niya, “I decided to bring my girlfriend para ma-meet din ng parents ko.

“And everything just clicked. She’s so supportive of me. She’s not ashamed of me.

“She pushes me [to be better] always. We cry and laugh about the same things.

“She loves my friends. I love her friends. Everything clicks.”

Sa totoo lang ay umaasa raw si Guji na si Cheska na ang makasama niya habang-buhay.

Lalo pa’t nasa tamang edad na rin umano siya upang magpakasal.

“I think she’s the one, yeah.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN