Enzo Pineda admits having non-showbiz girlfriend; has totally moved on from breakup with Louise delos Reyes

Masaya raw si Enzo Pineda ngayon sa kanyang karera at lovelife. May bago na kasing karelasyon ang Kapuso actor at kasama pa siya sa bagong teleserye ng GMA na More Than Words.


March 29, 2014 ang petsa nang pormal na tuldukan nina Enzo Pineda at Louise delos Reyes ang kanilang relasyon.

Si Aljur Abrenica ang itinuturong dahilan ng kanilang hiwalayan. Pero mariing itinanggi nina Louise at Aljur na may espesyal na namagitan sa kanila sa set noon ng kanilang fantaserye na Kambal Sirena.

Read: Enzo Pineda on Aljur Abrenica as third party in breakup with Louise delos Reyes: “Gusto kong maniwalang hindi.”

Makalipas ang halos pitong buwan, may bago nang girlfriend ang 24-year-old na si Enzo.

Sabi niya, “Non-showbiz. I would like to keep it private na lang. Ganun na lang.”

Matagal na ba sila?

Sagot ni Enzo, “We’ve been dating for a few months now, ’tapos ayun... ganun na rin.”

Talagang naka-move on na siya sa hiwalayan nila ni Louise?

Aniya, “Oo naman, hindi na kailangang pag-usapan.

"That was seven months ago... eight months ago?

"It’s really sobrang past na and happy na lahat, peaceful na utak ko.

“Para sa akin, I have to do something na… its part of life.

"Challenge na maybe someone is not really meant to be for you and you deserve like a different path or something.

“Para sa akin, I respect that.

"I think what’s important is myself and I have to always keep on improving."

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Enzo sa ginanap na Artist Center Fan Assembly and Awarding ng GMA Artist Center, Huwebes ng hapon, October 23, sa Amoranto Theater, Quezon City.



HAPPY AND BLESSED. Sa ngayon daw, masaya na si Enzo sa estado ng kanyang relasyon at karera.

“Right now, I’m just happy and feel blessed on everything.

"Kasi, I think, lahat ng mga gusto kong makuha, nakukuha ko na."

Sa bagong early primetime series nina Elmo Magalona at Janine Gutierrez na More Than Words ay kasama si Elmo bilang kontrabida.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento pa niya, “My character is Nate, mayaman, bad boy, Mr. Popular, heartthrob.

"So, ako ang makakalaban ni Elmo kay Janine.

“So, parang magkakaroon kami ng love-hate relationship ni Janine.

"I’ll be a bully against Elmo na inimbento ni Janine na dream guy niya.

“It’s a fun show, enjoy siya.

"First time kong magkontrabida na lovable, of course.

"It doesn’t mean na ’pag ikaw kontrabida, lagi kang masama... lovable yung character ko.”

Sa November 23 na magsisimulang umere ang More Than Words sa GMA bago ang primetime newscast na 24 Oras.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN