Miguel Tanfelix thrilled to be teased as Marian Rivera’s crush

Miguel Tanfelix on being pitted against Ruru Madrid: "More on healthy competition naman po yun. Nagkukumpitensiya kami as magkapatid... sa lahat naman ng GMA artists... hindi siya competition talaga.”


Noong nakaraang Sabado, October 18, ay guest si Miguel Tanfelix sa dance show ni Marian Rivera sa GMA Network, ang Marian.

Sa naturang episode ay may mga nakapansing panay ang pa-sweet ni Marian sa teen actor.

Ayon tuloy kay Lucy Torres-Gomez, na judge that night sa "Celebrity Dance Showdown" segment, ay crush ng Kapuso Primetime Queen si Miguel.

Ano ang reaksiyon dito ni Miguel?

“Siyempre kinikilig po ako dahil crush ko rin si Marian.

“Una, hindi po ako naniniwala, hindi po ako makapaniwala, ‘Ha, crush ko, crush ako?!’

“So, parang kinilig ako, tuwang-tuwa ako.

"Kahit hindi kami manalo, tuwang-tuwa na ako!” tawa ng binata.

Partner ni Miguel si Bianca Umali at sila ang nanalo sa "Celebrity Dance Showdown."

Ngumiti lang si Miguel nang sabihin namin na kaya siguro sila nanalo ay inspired siya kay Marian.

“Grabe! Siyempre po nakakatuwa, nakakakilig.

"Nakaka-inspire na mas gawin mo pa yung best mo dahil nga po hinahangaan ka ng isang big star.

“So, mas pupursigihin mo pang gawin yung mas best mo.”

Kahit mag-aasawa na si Marian ay hindi raw mawawala ang crush ni Miguel sa aktres.

“Wala naman pong masama sa paghanga. Hinahangaan ko lang naman siya.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Miguel sa taping ng Magpakailanman noong Myerkules, October 22, sa Malabon City.



RURU MADRID. Iisa ang manager ni Miguel at ng kapwa niya Kapuso teen star na si Ruru Madrid—ang batikang direktor na si Maryo J. de los Reyes.

Magkasama ang dalawa sa episode ng Magpakailanman, na pinamagatang "Kalakal Boys: The Cedric Macdon and Joven Santos Story," na mapapanood sa Sabado ng gabi, October 25.

Unang beses nagkasama sina Miguel at Ruru, na parehong 16 years old, sa isang drama show at wala raw naganap na patalbugan sa kanilang dalawa.

Ayon kay Miguel, “Siguro more on healthy competition naman po yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi hindi kami dapat nagkukumpitensiya as magkalaban.

"Nagkukumpitensiya kami as magkapatid kaya po siya healthy competition.

“Kasi isa yung manager namin, iisa kami ng station na pinagtatrabahuhan.

"Kahit sa lahat naman ng GMA artists, healthy competition yung nangyayari, hindi siya competition talaga.”

Biniro namin ng tanong si Miguel kung sino ang mas guwapo sa kanila ni Ruru.

Tugon niya, “Siguro may iba-iba naman pong ano.”

Sino ang mas magaling umarte sa kanila?

“Iba rin po.

“Kung sasabihin ko naman po na ako, e, sasabihin ng iba na nagyayabang ako.

"Kung sasabihin ko naman pong si Ruru, sasabihin naman po nila wala akong tiwala sa sarili ko."

SHEDDING OFF NIÑO CHARACTER. Naging matagumpay ang launching project ni Miguel na Niño, kung saan gumanap siya bilang isang special child.

Kinailangan ba niyang mag-adjust para mabalik sa normal ang acting niya sa mga sumunod niyang projects?

Saad ng Kapuso teen actor, “Simula pa naman po na mag-start yung Niño, parang inisip ko na agad kung paano ko siya tatanggalin.

"So, hindi na po naging mahirap na tanggalin sa sarili ko si Niño.

“Hindi po ako masyadong nag-i-struggle o naghihirap na matanggal yung pagka-bulol ko.

"Kasi una pa lang, inisip ko na dapat matanggal ito agad dahil hindi na po ako si Niño, ako po si Miguel Tanfelix."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN