Ruru Madrid prefers older women: "Mas gusto ko po yung older sa akin... hindi ko po alam kung bakit.”

Ruru Madrid on perceived competition between him and Miguel Tanfelix: "Wala naman po sa isip ko yung makipag-compete sa ibang tao. Mas gusto ko yung makipag-compete na lang sa sarili ko para mas mag-improve pa."


May mga nagsasabing si Ruru Madrid ang ginu-groom na Kapuso network na prime leading man kasunod ni Alden Richards.

“Ay, sana po,” natawang reaksiyon dito ni Ruru.

“Siyempre po, kung ganun po talaga yung ibibigay sa akin ng network, talagang ibibigay ko po yung best ko.

“Hindi po ako magiging pasaway!

“Ako naman po, kahit dati pa hanggang ngayon, nararamdaman ko po na talagang bini-buildup po nila ako.

"Talagang ibinibigay ko po, kahit simula’t simula ng Protégé po noon, yung best ko, e.

“Yung one hundred percent ko po talaga.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ruru sa taping ng Magpakailanman noong Myerkules, October 22, sa Malabon City.

TEXTING MARIAN. Binanggit namin kay Ruru na si Miguel Tanfelix ay crush ni Marian Rivera.

“Selos lang!” ang tumatawang reaksiyon niya. “Siyempre kasi crush ko yung si Ate Yanyan, e.”

Si Marian ba ang gusto niyang makapareha, bukod kay Gabrielle Garcia na ka-loveteam niya dati sa My Destiny?

“Sana! Siguro kahit isang soap lang, maranasan ko man lang maka-partner ang isang Marian Rivera.

“’Tsaka si Solenn [Heussaff]!” bulalas niya.

Ano ang gusto niya kay Marian?

“Mabait po.

“Nagti-text-an po kami, kumustahan. Hindi naman po masyadong textmates.

“’Pag tinext ko siya, ‘Ate Yan, kumusta ka?’

“Lagi siyang magre-reply, ‘O, ikaw, kumusta ka din?’”

Ano naman ang nagustuhan niya kay Solenn?

“Lahat!”

Tila nag-iba ang ngiti ni Ruru nang mapadako ang usapan kay Solenn.

“Mahal ko na siya! Hindi, joke lang...

“Crush ko po talaga si Solenn.”

May boyfriend na rin si Solenn.

“Crush ko lang po. Pero ate ko na po yun, e.”

OLDER WOMEN. Sixteen lamang si Ruru pero older women ang crush niya. Bakit nga ba?

Sabi niya, “Hindi ko po alam.

"Kahit dati pa po, mas gusto ko po yung older sa akin.

"Hindi ko po alam kung bakit.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Thirty years old si Marian at si Solenn naman ay 29.

“Payag po ako hanggang forty-five! Hindi, joke lang po,” at muling tumawa si Ruru.

“Hindi, ano po, basta sa akin naman po, hinihintay ko lang po yung destiny ko! Wow!”



WHO’S BETTER? “Hindi ko po alam,” ang natatawang sagot naman ni Ruru nang pabiro naming tanungin kung sino sa kanila ni Miguel ang mas guwapo.

“Hayaan ko na lang po sa ibang tao po.”

Sino ang mas magaling umarte sa kanila ni Miguel?

“Hindi ko rin po alam.

"Mas maganda po kung sa ibang tao po manggaling yun kesa po sa sarili mo.

“Para namang masyado kang nagmamalaki o masyado kang nagpapa-humble.”

Pero sa tanong kung sino ang mas ma-chicks sa kanila ni Miguel, tumatawang mabilis at diretsong sumagot si Ruru: “Si Miguel!”

Sina Ruru at Miguel ang masasabing pinagtatapat bilang mga bagong prinsipe ng GMA, lalo pa nga’t iisa ang manager nila.

Ito ay si Maryo J. de los Reyes na direktor din ng "Kalakal Boys: The Cedric Macdon and Joven Santos Story," ang episode ng Magpakailanman kung saan sina Ruru at Miguel ang gaganap sa title roles.

Kuwento ni Ruru, "Kagabi po nag-usap po kami ni Direk Maryo.

"Sabi niya, ‘Pagka ininterbyu ka, ganyan, sabihin mo kailangan nilang panoorin ito.

"’Kasi ngayon lang kayo pagsasamahin ni Miguel. Yung next na pagsasama niyo, pelikula na.

"Kasi kailangan niyong mag-away na!’

“Iyan yung sinasabi ni Direk kasi gusto po niya yung nagku-compete kami sa isa’t isa, parang ganun.

“Pero ako naman po, wala naman po sa isip ko yung makipag-compete sa ibang tao.

Mas gusto ko yung makipag-compete na lang sa sarili ko para mas mag-improve pa, parang ganun po.”

PREFERRED ROLE. Sa Magpakailanman episode nila sa Sabado ay mas may pagkarebelde ang papel ni Miguel kaysa sa papel ni Ruru.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mas gusto ba niya na mabait ang papel niya o mas gusto niya na siya ang salbahe?

Sagot ni Ruru, “Kahit ano po, e.

"Kasi ang role ko po dito, mahal na mahal ko po yung kapatid ko.

"Like, may isang eksena dun na papasanin ko siya para lang huwag maputikan ang paa niya.

“Parang ganun po, lahat ginagawa ko para sa kanya.

“’Tapos pinipilit ko siyang pag-aralin kaya lang tamad siya.

“Alam ko po na ampon siya, pero ako, iniisip ko totoo po akong anak.

"Yun pala, parehas kaming ampon.”

Kapag mga eksenang iyakan, saan humuhugot si Ruru ng emosyon? Ano ang iniisip niya?

“Inilalagay ko lang po talaga yung sarili ko sa role ko po.

"Mas effective po yung ganun, ’tsaka siguro iniisip ko na rin…

"Kunyari, yung scene na nag-away kami ng kapatid ko, may mga eksena rin sa totoong buhay na talagang mag-aaway po kayo ng kapatid nyo.

“So, inisip ko na lang ang mga ganung bagay.”

Mapapanood ang Magpakailanman episode na "Kalakal Boys: The Cedric Macdon and Joven Santos Story" sa Sabado, October 25.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN