Maryo de Los Reyes stirring rivalry between Ruru Madrid and Miguel Tanfelix

Who does he think is the better actor—Ruru Madrid or Miguel Tanfelix? “I could not judge as of now. Parang pinamili ako kina Nora [Aunor] at Vilma [Santos],” says Direk Maryo de los Reyes.


Ayon sa direktor na si Maryo J. delos Reyes, mas may challenge para sa kanya na idirek ang sarili niyang mga alaga.

Si Direk Maryo ang manager nina Ruru Madrid at Miguel Tanfelix na parehong bida sa Magpakailanman episode na may titulong "Kalakal Boys: The Cedric Macdon and Joven Santos Story."

“Mas may challenge kasi siyempre, you want them to look good and to perform the best na kung ano yung gusto mong makita.

“Magdedetalye ka at saka ibig sabihin, you extend your patience and your time.

“I want to see, to experience kung gaano kahaba ang range nila para ako mismo first-hand, yung aking experience na puwede kong sabihin sa ibang direktor na puwede niyang gawin ’yan.

“Kasi nasubukan kong hingin sa kanila, kumbaga yung endorsement ko, substantiated, ’di ba?”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Direk Maryo noong October 22, sa taping ng Magpakailanman sa Malabon City.

Ano ang pagkakaiba o pagkakapareho nina Miguel at Ruru bilang artista?

“Yung Miguel, yung seriousness.

"Kaya lang pareho silang merong comedic flavor, e. Si Ruru lalo na.

"Ang difference lang nila, puwede siguro mas seryoso yung Miguel.

"’Tapos mas flighty at mas puwedeng mas magaang magdala itong Ruru.”

Sina Miguel at Ruru ang kinukunsidera na mga bagong prinsipe among the male stars ng GMA.

“Wow! Well, good! And then I hope they live up to the expectations.”

Sino sa palagay niya ang mas mahusay na aktor sa dalawa niyang talents?

“I could not judge as of now.

“Parang kumbaga sa ano, parang pinamili ako kina Nora [Aunor] at Vilma [Santos].” ang natatawang bulalas ni Direk Maryo.

“I want them to compete with each other para hindi sila makuntento sa ginagawa nila.

"Kumbaga, they can be friends but look at the other as the competitor, ’di ba?"

OPINION ON LOVI VS DIREK ERIK MATTI. Bilang direktor, hiningan naman namin si Direk Maryo ng komento tungkol sa naging isyu sa pagitan ng direktor na si Erik Matti at Lovi Poe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dapat sana ay nasa opening part pa ng pelikulang Kubot: The Aswang Chronicles 2 si Lovi, na naging leading lady ng bidang si Dingdong Dantes sa unang version na Tiktik: The Aswang Chronicles, pero hindi natuloy dahil ayaw umano ng dalaga.

Sabi ni Direk Maryo, “Baka bugso naman ng damdamin ni ano yun, ni Erik.


“Ganun lang naman si Erik, very outspoken pero siguro pag nahimas-himasan yun, mare-realize niya na iyon.”

Sa kabilang banda, may plano na gawan ng remake ni Direk Maryo ang pelikula niyang Gabun nina Lloyd Samartino at Michael Sandico noong 1979.

“Merong istorya based on it na not necessarily Gabun.”

Sa remake ay sina Ruru at Miguel ang malamang na maging mga bida.

Ani Direk Maryo, “Silang dalawa ang ina-eye ko.

“Pero pina-file ko yung ano, I will submit the storyline to Joey [Abacan of GMA Films].

"Tingnan natin kung ano ang magiging resulta.

“Kung matuloy, ’di matuloy, kung hindi, let’s just keep it on file.

“Para sa akin, ’eto [Magpakailanman] yung pumayag ako para makita yung chemistry nilang dalawa [Ruru at Miguel].

"Pero pagkatapos nito, ayoko na munang pagsamahin sila para merong excitement. Let then fly muna on their own.”



TOO YOUNG FOR LOVE. Binanggit naman namin kay Direk Maryo na nali-link si Miguel kay Barbie Forteza.

READ Miguel Tanfelix denies romantic link to Barbie Forteza: “Crush ko po siya pero marami po akong crush.”

Miguel Tanfelix denies romantic link to Barbie Forteza: “Crush ko po siya pero marami po akong crush.”

Read more at: http://www.pep.ph/news/45352/miguel-tanfelix-denies-romantic-link-to-barbie-forteza-ldquocrush-ko-po-siya-pero-marami-po-akong-crushrdquo
Follow Us: @PEPalerts on Twitter and Instagram | PEP.ph on Facebook

“Baka si Barbie ang nali-link kay Miguel,” at tumawa ang direktor.

Bawal pa raw magka-lovelife ang mga talents niya dahil parehong 16 years old pa lamang sina Miguel at Ruru.


“Bawal, masyado namang ano yun, ibig kong sabihin, premature.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At the same time, mga bagets pa sila. Tumutok muna sa career para mag-carve muna ng pangalan.”

Pinagsasabihan raw niya ang dalawa tungkol dito.

“Oo, sinasabihan ko.”

Si Ruru naman ay nali-link at parang nai-in love na raw kay Gabrielle Garcia na kapareha nito dati sa My Destiny.

“Parang lang!" sabad ni Direk Maryo.

“I mean ibig kong sabihin, hindi mo naman maalis na, everyone has…bagets ka, siyempre.”

May plano raw na pagtambalin muli sina Ruru at Gabrielle sa Baby Love na upcoming show ng GMA.

Hinihintay naman daw ni Direk Maryo kung ano ang susunod na regular show ni Miguel pagkatapos ng matagumpay na Niño.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN