Vice Ganda reveals reason for his recent hospitalization

Vice Ganda on his recent hospitalization: "Isang reminder ito na umu-OA na ang lifestyle ko. Kasi, ‘di ba, for the longest time, hindi ko naman naranasan yun nung mahirap pa ako. Since kumikita ako, gusto ko namang i-enjoy ang kinikita ko, e, sumagad na siguro sa vodka, ‘ayan."


Marami ang nag-aalala sa ilang araw na pagkawala ni Vice Ganda sa noontime show ng ABS-CBN na It’s Showtime dahil sa pagkaka-confine niya sa ospital.

Nag-alay pa nga ng dasal on-air ang mga kasamahan ni Vice sa programa para sa mabilisang paggaling niya.

Iba’t ibang kuwento ng sakit ni Vice ang lumabas.

Nandiyang may nakita raw na cyst sa kidney ng comedian, may acid reflux daw siya, at may polyps daw sa kanyang lalamunan.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Vice sa studio ng It’s Showtime noong Miyerkules, October 22, ay kinumusta namin ang kalagayan niya ngayon.

Aniya, “Okay naman ako, kailangan ko lang magpahinga, pero okay naman ako.

“Need ko lang ipahinga kasi hindi puwedeng ma-stress ang lalamunan ko, hindi puwedeng ma-overwork, kaya relax-relax lang.”

Ano nga ba ang sakit niya base sa tests na ginawa sa kanya.

Ayon kay Vice, “Nung ultrasound, nakitang may cyst sa kidney.

“Pero maliit na maliit lang, nothing to be alarmed, hindi siya dangerous, wala lang.

“Ang problema ko talaga ay yung acid reflux ko, siya yung naging dahilan kung bakit namaga ang esophagus ko, na okay na.

“Siya rin ang dahilan kung bakit lumala yung polpys ko sa lalamunan kaya yun ang inaano ko—yung acid reflux.”

Ang acid reflux, ayon sa medicalnewstoday.com, "a very common symptom of burning pain felt internally around the lower chest area, caused by stomach acid flowing back up into the food pipe."

Aminado naman si Vice na naging masyado siyang kampante at napabayaan talaga niya ang kanyang kalusugan.

“Matagal na, bumalik lang, e.

"Kasi nga, ‘di ko nabantayan yung acid reflux, e, yun ang nagsimula ng lahat.

“Nung akala ko na magaling na ako, hindi na ako uminom ng gamot na pang-maintain, dinedma ko na.

“Bumalik, ‘tapos mas lumala after nitong ‘Magpasikat’ [segment sa It’s Showtime]…”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Totoo bang magpapaopera siya?

Sagot ni Vice, “Biniopsy [biopsy] lang yung sa lalamunan ko, ‘tapos after ’Magpasikat’ na.

“Kasi after kong ipaayos ang lalamunan ko, kailangan ko ng complete rest.

“E, hindi ko puwedeng gawin ngayon kasi nagsu-shoot pa ako ng movie saka ’Magpasikat.’”

TRUE FRIENDS. Sa kabila ng pagkakaospital ng ilang araw, napatunayan daw ni Vice kung gaano karami ang nagmamahal at nag-aalala sa kanya.

“Actually, positibo ang na-realize ko.

“Na-realize ko na ang daming nagmamahal sa akin lalo, ang dami kong kaibigan.

“Hanggang ngayon nga patuloy pa rin ang pagdating ng bulaklak at pagkain sa bahay.

“Yung kuwarto ko sa hospital, punung-puno siya ng bulaklak, naging flower shop na siya!

“’Tapos ang daming pagkain.

“Biro ko nga, parang papunta na ito sa lamay!

“Tuwang-tuwa ako, nakakatuwa."

Dagdag niya, “Saka isang reminder ito na umu-OA na ang lifestyle ko.

“Kasi, ‘di ba, for the longest time, hindi ko naman naranasan yun nung mahirap pa ako.

“Since kumikita ako, gusto ko namang i-enjoy ang kinikita ko, e, sumagad na siguro sa vodka, ‘ayan.”

Pinasalamatan din ni Vice ang mga kasamahan niya sa It’s Showtime.

Sabi niya, “Lagi namang naka-support ang mga kapatid ko dito.

“Maya-maya naka-text, nakatawag para mangumusta, na i-update ako ng sarili nila.”

Nagbigay rin ng kasiguraduhan si Vice na makakahabol ang pelikula niyang Praybeyt Benjamin 2 sa Metro Manila Film Festival 2014 kahit nagkasakit siya.

“Oo, tuluy-tuloy, hahabol siya for MMFF.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN