Ricardo Cepeda says he and ex-wife Snooky Serna are not friends but, "...hindi naman kami magkaaway..."

Ricardo Cepeda is all praises for Ilustrado lead star Alden Richards, "...may depth, e. Hindi lang siya automatic na… meron siyang sariling system of his acting kasi ‘yong preparation niya iba from a lot of young stars I’ve worked in the last 10 years."


Ginagampanan ni Ricardo Cepeda ang character ng ama ni Jose Rizal na si Francisco Mercado sa historical drama series ng GMA na Ilustrado.

Si Eula Valdez naman ang gumaganap sa role ni Teodora Alonso na asawa ni Ricardo sa istorya at ina ni Rizal.

“It was a good role. Iyon ang gusto kong role na at this stage in my life, gusto kong ipakita ‘yong role ng father because I really feel a lot for young kids.

"They need mga characters to identify with, kung paano ’yong maging tatay,” pahayag ng aktor sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong October 16.

Marami na siyang nagawang father roles before, ’di ba?

“Oo, pero most of the time, kontrabida ang nakukuha ko,” sabay tawa ni Ricardo.

“Itong role ko sa Ilustrado, good father ito.

"I connected with it, sa aking personal way of bringing up my own kids.

“Parang no’ng panahong iyon, hindi naman uso ‘yong marami kang katulong because ’yong buhay nina Rizal, sa hacienda sila.

“So very hands-on ‘yong relationship with your kids.

"Nando’n ka at hindi ‘yong nauutusan na yaya, e.

“Nagbasa rin ako at nag-research tungkol kay Francisco Mercado.

"Actually there’s a lot na puwede mong mabasa about him at meron din sa Google.

“Hindi naman naging mahirap for me na i-portray ‘yong role kasi si Francisco ‘yong typical Filipino father at that time na low-key siya at very forgiving, mapagbigay, e.

"Na tinatanggap niya kung ano ‘yong sinabi para walang gulo.

“Hindi pa siya ‘yong… ’Oy, laban tayo.’”

DAUGHTERS. Dalaga na pareho ang mga anak niyang sina Samantha at Sachi kay Snooky Serna. Kumusta ang relasyon niya sa mga anak?

“Strong as ever!” sabay ngiti ng aktor.

“I’ve always had a very good relationship with my daughters, four or five times a week kaming nagkakasama kahit malayo ang mga bahay namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nasa Quezon City sila, ako naman nasa Pasig. But they come over whenever they want.”

Si Samantha ay 21 years old, graduate ng International European Studies sa Dela Salle University at nagtatrabaho na. Si Sachi ay 18 at freshman sa La Salle studying Literature.

For sure, may mga manliligaw na ang mga anak niya. O baka nga may boyfriend na ang mga ito?

“No!” kampanteng sagot ni Ricardo.

“They will tell me. But wala!

“Like si Sam, she’s very intelligent. I think nasisindak ’yong mga lalaki!” sabay tawa niya.

“Leader, e. Kaya kapag parang bopis [bopol] nang konti ang dating [ng guy], wala siyang panahon.

“Ayaw niya, ayaw niya ‘yong ganyan.”

SNOOKY. Kumusta naman ang samahan nila ng dati niyang asawang si Snooky Serna?

“Wala naman kaming samahan!” tawa niya ulit.

“As parents, we’re good, we’re good.

“We work together with the kids.”

Magkaibigan ang turingan nila sa isa’t isa?

“Honestly, no.

“Wala, hindi kailangan, e.

“I mean we talk about the kids. But may kanya-kanya kaming direksiyon.”

They’ve chosen not to be friends?

“I guess so, parang gano’n.

“It’s just that there’s no opportunity.

“I think it’s much easier gano’n.

“Ang mahalaga naman, hindi kayo enemies. Hindi naman kami magkaaway, e.

“But we’re not buddy-buddy na kapag may issue, tatawagan ko for advice. Hindi, e. Nor does she call me for advice. May sarili na kaming ano…

“I just know na she’s doing well professionally, nagti-taping siya ngayon sa ABS.

“’Tapos sa Iglesia Ni Cristo, she’s doing projects for them.

"Balita ko kinukuha nga siyang broadcaster sa Net 25.

“’Tapos kapag may mga events sila, kinukuha siyang host nila.

“So she’s doing very well there.

"And when it comes to work, nagugulat na nga lang daw ang lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi lang siya on time, ahead of time pa,” sabi ni Ricardo.



MARINA. Tungkol naman sa relasyon nila ng dating beauty queen na si Marina Benipayo, wala raw silang balak magkaanak. May mga anak din si Marina sa dating asawa.

“Pareho kaming hands-on and we feel that at our age, 40s na, ako 50 na.

“By the time 65 na ako halimbawa, ’yong anak namin 15.

"How can I guide properly and give the time if I don’t have the energy?” tawa na naman niya.

“It’s not fair to the child.

"I always feel na talagang if you’re going to have kids, ready ka ring magbigay ng oras.”

Hindi pa siya mukhang 50, ano ba ang sikreto niya for looking younger than his age.

“Ay, sa dami ‘yan ng supplements!” sabay ngiti ulit ng actor.

Maganda pa rin ang built niya.

“I still work out, four times a week.

"Basketball once in a while pero regularly, gym ako.”

ALDEN. Tulad ni Eula ay puring-puri si Ricardo kay Alden Richards sa pagganap nito bilang si Jose Rizal sa Ilustrado.

Marami na rin daw silang nagawang eksena together.

“Si Alden is one of the ones now na nakikita ko na very talented, may depth, e.

“Hindi lang siya automatic na… meron siyang sariling system of his acting kasi ‘yong preparation niya, iba.

"He prepares differently from a lot of youngstars I’ve worked in the last 10 years.

“Iba talaga, mabilis. He gets into the role right away.

“Kaya niya at saka niri-research niya.

“Hindi lang siya ‘yong base sa script. Alam niya rin ‘yong historical.”


Dalawang serye sa magkaibang network ang ginagawa ngayon ni Ricardo. Pero hindi raw ito magkakaroon ng conflict dahil wala naman siyange exclusive contract sa alinmang istasyon.


“Alam ng GMA na semi-regular ako sa Pure Love.


"Ipinaalam din namin sa ABS-CBN na gagawin ko ang Ilustrado.”


“Okay naman. Wala naming nagiging problema sa schedule ng tapings no’ng dalawang show, e.


“’Tapos magkaiba rin ng oras. Hindi sila magkatapat ng airing.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang Pure Love ay romantic-comedy series ng Kapamilya network kung saan bida si Alex Gonzaga.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN