DJ Durano will not stop daughter from entering into a lesbian relationship

DJ Durano still open to doing nude scenes: "Bigyan ako ng magandang project, gagawin ko. Naghihintay pa ako ng isang Cinemalaya movie na seryoso at magtsi-change sa isang DJ Durano. I’m calling all directors to try me, kahit frontal, basta in good taste, gagawin ko yun!"


Bukas ang aktor na si DJ Durano sa posibilidad na pumasok sa lesbian relationship ang kanyang 16-anyos na anak na babae.

Kagaya na ng alam ng marami, si DJ ay nagkaroon din ng same-sex relationship sa direktor na si Wenn Deramas.

Inamin ng dalawa ang kanilang relasyon na tumagal ng halos sampung taon.

Sa panahong palasak na ang ganitong unconventional relationship, nakahanda raw si DJ kung sakaling mangyari ito sa kanyang anak.

Hindi man niya ito hinahangad, ngunit wala raw siyang magagawa kundi tanggapin kung anuman ang kagustuhan o desisyon ng anak sa usapin ng pag-ibig.

Pahayag ni DJ, “Actually, may mga nanliligaw-ligaw sa kanya. Open siya sa ganun.

“Maganda nga ang... kasi nakita niya yung dati [relasyon niya kay Direk Wenn], so open siya sa ganun.

“Malawak ang pag-iisip niya at hindi siya nagdya-judge ng tao.

“Napalaki ko siya nang tama...”

Wala ba siyang planong kontrahin ito kung sakali?

Pambubuyo niya sa amin, “Kayo ba, may nagawa ba ang tatay niyo nung... mahirap, ‘di ba?

“Kung ano ang choice niya, susuportahan ko siya, kasi wala ka namang magagawa, e.

“You can never change or cure a person dahil sa gusto mo, selfish ka nun.

“Let her be... let her be.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si DJ sa final presscon ng pelikulang Moron 5.2 The Transformation, sa Mom and Tina’s Bakery & Café, sa Quezon City, noong October 22.



ENTERING SHOWBIZ. Paano kung gusto rin ng anak niya na pasukin ang pag-aartista? Papayagan ba niya ito?

Ayon kay DJ, “Gusto niyang mag-commercial muna.

“Ang ganda ng anak ko.

“Siguro, kung talagang gusto niya, okey lang sa akin.

“Ang importante ay matapos niya ang kanyang pag-aaral… high school pa lang siya, e.

“’Pag natupad niya yun, hahayaan ko siya sa gusto niya sa buhay niya.”

Katulad nga raw ng nanay niya noon na hindi siya napigilang pumasok sa That’s Entertainment at tinanggap ang desisyon niyang mag-showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maraming pagsubok ang pinagdaanan ni DJ bago naabot kung nasaan man siya ngayon.

Sa palagay niya, ano ang pinakamagandang leksiyon na natutunan niya sa buhay?

Tugon niya, “Mas naging mature ako ngayon.

“Sa akin, hindi hawak ng iba ang kaligayahan mo.

“Huwag mong iasa sa ibang tao ang kaligayahan mo, ikaw ang gagawa ng sarili mong kaligayahan."



SAME-SEX RELATIONSHIP. Sa pakikipagrelasyon naman sa kapwa lalaki, ano ang mahalagang aral na nakuha at natutunan niya.

Diretsahang sagot ni DJ, “Bago pa man, alam na natin ang mga rela-relasyon na ganyan, ‘di ba?

"Panahon pa nina... ‘di na bago ‘yan.

“Never naman akong naging homophobic o judgmental sa mga kagaya niyo [gays].

“Nangyari na, e, nangyari na.”

Lahad pa niya, “Lumaki ako na walang tatay.

“Ang nanay ko, hindi masyadong... pinapabayaan kami ng mga panahon nun.

“Kaya nung nangailangan ako, like nung high school ako, e, dun ako napunta sa...

“Yung iba nga, pinangarap nila na straight sila, naging straight ba ang buhay nila? Saan sila ngayon?

“Kaya pipiliin ko na ang naging buhay ko.

"Napaganda naman ang buhay ko, ‘di ba?

“Ang masama ay kung napasama ang buhay ko.”



LEAD STAR. Maging sa pagiging aktor ay hindi raw siya basta kinuha para umarte lang. Mayroon daw siyang kakayahan dito na puwede niyang ipagmalaki.

“Tuwing kinukuha nila ako sa TV, hindi naman basta aakting lang ako.

“Wala namang nagsasabi na ang sama ko at na-justify ko naman lahat ng ibinigay sa akin, pinagtrabahuhan ko talaga.

“Ako ang dumarating sa set, ako ang umaarte, ako ang nagbibihis, ako ang umaalaga sa sarili ko.

“Dun, walang kinalaman si Direk, ako ang may kinalaman sa sarili ko,” pagtukoy niya kay Direk Wenn Deramas.

Wala na rin daw siyang pangarap maging bida ’tulad ng mga kasama niya sa Moron 5.2 o ni Coco Martin, na nagsimula sa sexy films.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ni DJ, “Wala na, okey na ako dito.

“Pero, ‘di ba, hindi pa ba ako bida rito [sa Moron 5.2]?

“Sa lahat ng mga kasamahan ko sa That’s, ‘andito pa rin ako.

“What more can I ask for? llan na lang kami... ako at si Piolo [Pascual].”

Sa edad niyang 40, handa pa rin daw siyang maghubad sa pelikula.

“Ako, okey ako.

“Ginawa nga ‘yan ni Ben Affleck sa Gone Girl. Bigyan ako ng magandang project, gagawin ko.

“Naghihintay pa ako ng isang Cinemalaya movie na seryoso at magtsi-change sa isang DJ Durano.

“I’m calling all directors to try me, kahit frontal, basta in good taste, gagawin ko yun!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN