Toni Gonzaga tells how sister Alex can be annoying at times: "...nanggugulo siya sa dressing room."

Toni Gonzaga talks about how she often ends up being the target of sister Alex’s harmless but annoying mischief: “Si Alex walang pinipiling panahon. Siyempre, kapatid ko. Alam niya, anytime puwede niya akong lokohin.”


Hindi hamak na mas mayaman pa rin daw ang ate ni Alex Gonzaga na si Toni kahit kaliwa’t kanan ang project ng una sa ABS-CBN, gaya ng pagiging backstage host ulit sa Season 2 ng The Voice Philippines at pagiging bida sa seryeng Pure Love.

Naitanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang magkapatid sa presscon proper ng The Voice Philippines 2 noong October 23, sa 9501 Resto, ELJ Building, ABS-CBN compound.

Mabilis sumagot si Alex ng, “Siya po,” sabay turo sa kanyang ate, na hindi naman kumontra.

Dugtong ni Toni, kung ano ang meron siya, isini-share niya sa nakababatang kapatid, at ganoon din si Alex. Ito raw ang itinuro ng kanilang daddy.

Sa presscon, walang tigil ang kakulitan ni Alex, na laging bumabangka sa mga punchlines.

Nagri-react lang naman si Toni sa mga sinasabi ng kapatid.



PETTY FIGHTS. Sa puntong ito, tinanong ng PEP si Toni kung meron bang pagkakataon na naiinis o napipikon siya sa kapatid dahil sa kakulitan nito.

Ani Toni, “Oo, kami ni Alex, may time. Naiinis ako kasi parang wala namang sinasabi, salita lang nang salita.

“’Pag minsan gusto kong mag-concentrate lalo na kapag meron kang mine-memorize, nanggugulo siya sa dressing room. Yun lang."

Sa lahat daw ng hosts ng The Voice, kung saan kasama rin nila sina Luis Manzano at Robi Domingo, si Alex ang pinakamakulit.

“Pero sa aming dalawa lang. Kasi sina Robi at Luis, ano naman sila, alam nila ’pag mag-memorize na, ’pag time na.

“Si Alex walang pinipiling panahon. Siyempre, kapatid ko. Alam niya, anytime puwede niya akong lokohin. Pero kay Luis at Robi, alam naman nila.”

Nasigawan na ba ni Toni si Alex dahil sa inis?

Mabilis nitong sagot, “Ay sobra, daming beses! Hindi nakunan ng kamera, buti na lang.”

Paano naman nila naaayos ang mga tampuhan nila? Namamagitan ba sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lahad ni Toni, “Nakikiramdam ang Mommy. Alam na niya yun.

“Kapag hindi kami natutulog sa isang kuwarto or tahimik ang bahay, alam niyang may mali doon sa magkapatid.Yun lang.”

Bakit kasi "binu-bully" ni Alex ang nakatatanda niyang kapatid?

Sagot ng Pure Love star, “Kasi ’di ba, naikuwento ko, nung bata ako, ako ang binu-bully niya.

“Hindi ko naman binu-bully ang ate kapag alam kong seryosohan na.”



ALEX THE EXHIBITIONIST? At dahil sinasabing si Alex ang female version ni Luis, "exhibitionist" din ba siya?

Naikuwento ni Toni sa isang interview namin na kapag nasa bahay daw si Alex, naka-panty lang ito. Muli niyang binanggit ito sa amin.

Aniya, “Ang hilig niya, super! Gano’n siya.”

Komento naman ni Alex, “Nagkukuwentuhan nga kami ni Kuya Luis, para sa mga simpleng tao, ibinababa natin ang dignidad natin.

“Pero hindi naman ako kasing-exhibitionist ni Kuya Luis. Maybe in time, baka,” birong sambit nito.

Sabad ni Toni, “Sabunutan kita, never kang magiging exhibitionist."

May mga gano’ng moment si Alex na naka-underwear lang, ’di ba? Tanong namin kay Toni.

Sagot niya, “Oo, ewan ko ba diyan, ayaw laging nagdadamit. Hindi ko talaga alam.

“Every time na pupunta ako sa kuwarto niya, naka-panty siya. ’Di ba, may damit naman?”

Sabi naman ni Alex, “Ang init, e."

Dagdag pa niya, “Kasi ganito, hindi naman po yun ang reason ko. ’Pag galing ka sa labas, siyempre marumi ang damit mo, ’di ba?

“Ayaw niyang hihiga kami sa kama. So, alangan namang magtatanggal pa ako ng damit, kukuha pa ako ng bagong damit.

“’Pag tulog dadalhin ko pa yun sa marumi. Aksaya sa labahan, ’di ba? So hindi na lang ako nagdadamit.

“Hindi, yun talaga ang reason ko, prior to anything,” pagtatapos ni Alex.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN