Alex Gonzaga doesn’t mind being tagged as the female version of Luis Manzano

Alex Gonzaga on natural rapport with Luis Manzano: “Kami ni Kuya Luis, iisa lang ang utak namin. Minsan sabay kaming nagsasalita, sabay yung mga hinihirit namin.”


Nababansagang babaeng bersyon ni Luis Manzano si Alex Gonzaga dulot ng kakulitan nito sa nakaraang season ng The Voice Kids at sa unang season ng The Voice Philippines.

Ngayong magkasama na naman ang dalawa sa Season 2 ng The Voice Philippines, kabilang din ang original host ng show na si Toni Gonzaga at ang backstage host na katuwang ni Alex na si Robi Domingo, mas lalo raw makikita ang malaking pagkakahawig ni Luis at ng nakakabatang kapatid ni Toni.

Inayunan naman ito ni Alex sa presscon proper ng nasabing talent reality show noong October 23, sa 9501 Resto, ELJ Building, ABS-CBN compound, Quezon City.

“Nag-text siya [Luis] sa akin, ’Alam mo, sinasabi ng mga tao sa akin, ikaw raw ang female version ko.’

"Sagot ko sa kanya, ’Sana minura n’yo na lang ako.’”



RAPPORT WITH LUIS. Biglang bawi naman nito at sumeryoso sa kanyang pahayag, “Hindi, kami ni Kuya Luis, iisa lang ang utak namin.

“Minsan sabay kaming nagsasalita, sabay yung mga hinihirit namin. So okay lang sa akin. Okay lang.

“’Di ba may awards ka naman?” baling na tanong nito kay Luis na nasa presscon din kasama sina Toni at Robi.

Tugon naman ni Luis sa tanong ni Alex, “Dalawa.”

Patuloy ng dalaga, “Siyempre, tuwang-tuwa ako kasi bago pa ako mag-artista kaibigan ko na si Kuya Luis at never siyang nagbago. True friend.”

Nakaka-intimidate ba ang husay ni Luis sa hosting?

“Kapag iisipin mo talaga, ang mga achievements niya talagang nakaka-intimidate.

“Pero ’pag katrabaho mo si Kuya Luis, never mong mararamdaman yun, never niyang ipa-feel na, ’Mataas ako, ’eto na yung napatunayan ko.’

“Parang ipapa-feel niya sa iyo na pareho lang tayo. Ang sarap niyang katrabaho. ’Tapos ’pag mahihirap, ibinibigay ko sa kanya.

“Mai-intimidate ka nga sa kanya kasi nga royalty si Kuya Luis ’tapos yung achievement niya...Pero kapag kasama mo siya, mawawala yun sa isip mo kasi the way he treats people.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



MORE INTIMIDATED WITH TONI. Hindi ba nai-intimidate si Alex sa ate niya?

Sagot ni Alex, “Sa ate ko kasi, what’s good with my ate is she always shares everything with me. Hindi ako...sige, aaminin ko, nai-intimidate ako. Mas gusto kong kasama ko si Kuya Luis.

“Kasi ang ate ko masyado siyang perfectionist. Pero kapag nakikita niyang nagkaka-problema na ako, to enter na siya.

“Gusto lang naman niyang i-bring out ang best ko. So na-appreciate ko naman yun.”



ALEX HONES COMIC FLAIR. Sa buong presscon, panay ang joke at bitiw ng mga nakakatawang punchlines si Alex.

Umaktong tila walang alam ito sa Ingles nang tanungin siya in English ng entertainment columnist na si Bong De Leon tungkol sa kung ano ang magagawa ng The Voice Philippines 2 para mapantayan ang tagumpay ng The Voice Kids.

Nagkunyaring hindi naintindihan ni Alex ang tanong kaya nag-comedy punchline ito, “That’s a wonderful question Tito Bong. Will you reprise it?”

Inulit muli ni Bong ang tanong sa Tagalog para maintindihan na ito ni Alex.

Seryosong sagot naman ni Alex, “The people behind naman po ng The Voice Kids are the people behind the Voice of the Philippines.

“Whatever success naman po na makukuha ng The Voice Kids, I’m sure makukuha naman po ng The Voice Philippines 2. Now kasama na namin si Kuya Luis pa.

“Kasi sa The Voice Kids, wala po sina Ate at Kuya Robi. Paano ba yun? Ano pa bang ginawa nila recently?”

Sabad ni Toni. “Nag-PBB [Pinoy Big Brother] kami ni Robi."

Patuloy ni Alex, “Ah, yes. Parang ngayon mas bigger, better, and bolder. Whaz you gonna asks?” biro nito sa kanyang bersyon ng carabao English bilang pangwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN