Miguel Tanfelix denies romantic link to Barbie Forteza: “Crush ko po siya pero marami po akong crush.”

Miguel Tanfelix on being linked to tween star Barbie Forteza: “Hindi naman po kami nagkakasama so parang bakit po kami nali-link?”


Itinanggi ni Miguel Tanfelix na may relasyon sila ng kapwa niya tween star na si Barbie Forteza.

Aniya, “Hindi naman po kami nagkakasama so parang bakit po kami?"

Paliwanag pa ng binatilyo, sa SAS o Sunday All Stars lang daw sila nagkikita ni Barbie habang si Bianca Umali, "halos araw-araw po kaming magkasama," dahil pareho silang miyembro ng cast ng sitcom na Ismol Family.

Inamin naman ni Miguel na crush niya si Barbie.

Sabi niya, “Crush ko po siya pero marami po akong crush. Si Bea [Binene], crush ko rin.”

Bakit kay Barbie siya natsitsismis at hindi kay Bianca gayong bihira niyang makasama si Barbie?

“Yun nga po, hindi ko nga po alam yung sinasabi nila.

“’Di ba dati po nung sa Paroa, magkasama kami?

“Parang nagkaroon po kami ng, naging sweet-sweet-an kami sa Twitter. Mga ‘Hi, good morning.’ parang ganun po,” pagbabalik-tanaw niya.

INSPIRED. Samantala, sinabi ni Barbie in a separate interview na may inspirasyon siya ngayon—si Miguel kaya iyon?

“Hindi ko po alam kung ako ba yun. Basta ako, lagi akong inspired,” diin ng binatilyo.

Sino ang inspirasyon niya ngayon?

Aniya, “Siyempre yung family ko po, si God, yung work ko po and siyempre, ’di ba katulad nga po ng sinabi ko sa presscon ng Niño na kaya ko binigyan ng flowers si Bianca, dahil ini-inspire niya ako araw-araw po.”

BARBIE OR BIANCA? Kapag may pagkakataon, sino ang liligawan niya sa dalawa?

“Siguro si Bianca, dahil mas... feeling ko mas makakabuti yun sa loveteam namin.”

Pero kung sa mas personal na rason?

“Sa ngayon, siguro, hindi ko po alam kasi hindi ko naman po naiisip ’yang mga ganyang ano kasi nga po, busy po ako sa work, ’di ba?

“So yung konting time na ibibigay ko lang sa sarili ko, sa family ko, bakit ko pa iaano sa [panliligaw],” dagdag pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sixteen si Miguel ngayon. Kailan niya planong magkaroon ng girlfriend?

Lahad nito, “Siguro ’pag ready na po ako, dahil alam ko sa sarili ko na hindi pa ako ganun ka-ready.”

May tsikang binabawalan sila ni Barbie ng GMA management na aminin ang kanilang relasyon for the sake of their career.

“Ewan ko po, ewan ko po.

“Wala naman po kaming aaminin kung wala po talaga,” muli niyang iginiit.

Speaking of his showbiz career, gaganap bilang si Joven Santos si Miguel sa Magpakailanman na may titulong Kalakal Boys: The Cedric Macdon and Joven Santos Story.

Si Ruru Madrid ang gaganap bilang kapatid niya na si Cedric.

Si Maryo J. delos Reyes, na siya ring manager nina Miguel at Ruru, ang direktor ng kanilang Magpakailanman episode na mapapanood sa Sabado ng gabi, October 25 pagkatapos ng Marian.


Nasa naturang episode rin sina Maybelyn dela Cruz at Ms. Celia Rodriguez bilang si Leonida “Manay” Macdon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN