Ruru Madrid insists he’s not courting Gabrielle Garcia but says, “...lagi kaming magka-holding hands.”

Ruru Madrid on screen partner Gabrielle "Gabbi" Garcia: “Wala pa po sa isip namin ang ligawan, e. Siguro mas ano pa, mas pagkakaibigan. Mas sa pagkakaibigan pa lang kami.”


Wala raw kaso kay Ruru Madrid kung pinagtatapat o pinaglalaban sila ni Miguel Tanfelix sa popularidad bilang Kapuso teen stars.

“Mas pumapangibabaw po yung pagiging magkapatid namin, e,” pagtukoy ni Ruru sa pagiging kapwa talent nila ni Miguel ng manager nilang si Direk Maryo J. delos Reyes.

Hindi maiiwasan na ang mga fans nila ay mag-aaway o magkakabanggan.

Aniya, “Minsan po siguro. E, kami po basta magiging ano lang talaga, kung ano ko siya nakilala, kung paano ko siya nakilala dati, ganun na lang din siguro kami hanggang tumatagal, ganun.

“’Tapos magtutulungan na rin kami.”

NO MORE DARING SELFIES. Samantala, itinigil na pala ni Ruru ang pagse-selfie niya nang nakahubad.

Ayon sa yound actor, “Hindi ko na nga po ginagawa masyado, e.

“Siyempre nakakahiya, hindi naman po ganun kaganda ang katawan ko, e.

"At hanggang dito lang po yung mga selfie ko dati, hanggang neck lang po.

“Paminsan po naisip ko na mas magandang mag-post ng ibang bagay kaysa laging mukha mo na lang.

“Pag may nakikita akong magandang view, nilalagyan ko ng caption, parang ganun.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ruru sa taping ng Magpakailanman noong Miyerkules, October 22, sa Malabon City.

Gaganap si Ruru bilang si Cedric Santos, kapatid ni Joven na gagampanan naman ni Miguel, sa Magpakailanman episode na “Kalakal Boys: The Cedric Macdon and Joven Santos Story” na mapapanood sa Sabado, October 25, pagkatapos ng Marian.

Nasa naturang episode rin sina Ms. Celia Rodriguez bilang si Leonida “Manay” Macdon at si Maybelyn dela Cruz na gaganap bilang tunay na ina ng karakter ni Ruru.

Ito ay sa direksyon ng manager nilang si Maryo J. delos Reyes.



INTIMIDATED BY VETERAN STAR. Inamin ni Ruru na ninerbiyos siya noong maka-eksena ang primera kontrabida na si Ms. Celia.

Kuwento niya, “Nung una pa lang po, nakahiga po ako sa tent, bigla pong pumasok si Ms. Celia.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tumayo raw agad si Ruru pagkakita sa beteranang aktres.

Ani Ruru, “Siyempre po pagka napapanood ko po siya, lalo dun sa Magnifico, ’di ba nakakatakot, lalo yung boses niya dun?”

NEXT DINGDONG? Samantala, nais sundan ni Ruru ang mga yapak ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.

“Si Kuya Dong talaga kasi hindi lang siya artista, nagho-host din, dancer, nagpu-produce ng pelikula, direktor, businessman, lahat po, e!

“Kung ano yung katayuan niya ngayon, lahat yun pangarap ko nung bata pa po ako,” paghanga niya kay Dingdong.

NOT THREATENED BY NEWCOMERS. Dahil may bagong season ang Starstruck, ibig sabihin ay maraming susulpot na mga baguhan. Pero hindi raw nate-threaten si Ruru dito.

Bulalas niya, “Actually, excited po. Baka may mga bagong girls. Hindi, joke lang po!

“Siyempre ang akin naman po, patuloy ko pa ring gagawin yung best ko kahit na siguro marami na akong makakalaban po niyan, ’di ba?

“Basta gagawin ko na lang po yung best ko lagi.”

JUST FRIENDS” WITH GABBI. At dahil nga sa pagdagsa ng mga aspiring young stars, siguradong marami ring female newcomers na kabilang dito, biro namin kay Ruru.

“E, basta si Gabbi lagi ko naman pong kasama e,” pagtukoy niya sa ka-loveteam na si Gabrielle Garcia.

Hindi raw niya nililigawan si Gabrielle.

“Wala pa po sa isip namin ang ligawan, e.

“Siguro mas ano pa, mas pagkakaibigan. Mas sa pagkakaibigan pa lang kami,” paliwanag niya.

Nakasanayan na raw nila na madalas magkasama, halimbawa na lang kapag nanonood ng sine. Pero kasama raw nila ang nakatatandang kapatid ni Gabrielle.

Dugtong niya, “Siguro po yung kaming dalawa kumain lang sa labas. Pero ipinagpaalam ko naman po siya sa parents niya."

Napagkakamalan nga raw na may relasyon sila.

Patuloy niyang kuwento, “’Pag magkasama po kami, lagi kaming magka-holding hands, magkahawak ng kamay.”

Wala silang relasyon pero naghu-holding hands sila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag niya, “Iniingatan ko po siya. Iniingatan ko lang po siya as my loveteam partner.”

Normal ba iyon na walang relasyon ay magka-holding hands?

“Opo, normal naman po yun,” giit niya.

Close rin daw si Ruru sa parents ni Gabrielle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN