Former Viva Hotbabe Jennifer Lee embarks on new career as DJ

Sexy star Jennifer Lee recounts how she became a DJ: "Actually, musically-inclined ako, mahilig ako sa music since I was a kid. I love music, I love playing instruments, kaya ngayon, parang nag-branch out lang talaga into another music-related thing naman. So bumili ako ng equipment, nag-aral talaga ako."


Nakahanap na ng bagong career ang sexy actress at dating miyembro ng grupong Viva Hot Babes na si Jennifer Lee.

Kung dati ay naiimbitahan siya sa out-of-town shows bilang isang hot babe, ngayon ay laman ito ng corporate shows at special events bilang female celebrity disc jockey o DJ.

Sa launching ng Bare magazine kamakailan, naging in-charge si Jennifer sa music background na ginamit para sa sexy fashion show.

Sa November 13 naman ay nakatakda siyang ipakilala bilang celeb DJ sa concert ng idolo niyang si DJ Juicyland sa Solaire Resort and Casino.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang miyembro ng entertainment media ang sexy actress-DJ sa mini-presscon para sa kanya sa Moonshine Bar sa Makati City noong October 21, idinetalye nito kung paano siya nagsimula at nagkahilig sa bago niyang career.

Pahayag ni Jen, "Kaya siguro ako nagdecide na maging DJ kasi, siguro dahil sa sobrang demand of events ngayon. Ang daming projects, tuluy-tuloy, so sobrang blessing siya.

"Feeling ko, it’s an opportunity na hindi ko dapat i-miss, so tinuluy-tuloy ko na siya.

"Actually, musically-inclined ako, mahilig ako sa music since I was a kid.

"I love music, I love playing instruments, kaya ngayon, parang nag-branch out lang talaga into another music-related thing naman.

"So bumili ako ng equipment, nag-aral talaga ako."

TIMING. Itinanggi niya ang intriga na kaya siya nag-DJ ngayon ay dahil wala nang interesado sa grupo ng Viva Hot Babes.

Marami na kasi ang nagsusulputang mga baguhang sexy stars na mas bata at mas daring.

Aniya, "Actually, marami pa ring tours ang Viva Hot Babes—provincial tours, out-of-the-country shows, tuluy-tuloy pa rin talaga.

"Oo nga, ang dami na ring bago, kaya nga, tama lang yung timing ko.

"Ang plano ko noon na after graduating in Culinary Arts, ma-practice ang profession ko as a chef.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I did naman for a while pero, hinihila lang talaga ang katawan ko sa entertainment, sa performing.

"So performer talaga ako ever since, when I was in school, in show business, and now, sa DJ scene."

Taglay pa rin ni Jennifer ang kaseksihan at advantage raw niya ito bilang isang disc jockey.

Napapangiting saad ng sexy actress, "I guess, malaking factor talaga yun.

"Lalo na ’pag nalalaman nila na dati nga akong Viva Hot Babe, kasi mas madaling i-book.

"But then, you also have to prove your worth, that you’re not just a face but you’re really a DJ.

"I just arrived from Japan, next week, pupunta ako sa Doha in Qatar, then sa Dubai, then yung sa Juicyland in Manila nga where they’re gonna launch my DJ career."

Maging ang mga kasamahan niya raw dati na sina Maui Taylor, JC Parker, at Gwen Garci ay ini-encourage rin niya na i-try ang pag-mix ng records.

Natatawang sabi niya, "Naku, tuturuan at tutulungan ko nga sila kung paano.

"Kung gusto nilang matuto, I have the equipment naman, e.

"I think mai-enjoy naman nila ’to."

NOT YET READY TO SETTLE DOWN. Sa puntong ito ay napag-usapan namin ang tungkol sa mga ka-batch niya na may kanya-kanya nang pamilya habang siya ay nananatiling single pa rin.

Nakatawang sabi ni Jennifer, "I’m one of the youngest naman sa group, e.

"I’m stll taking my time kasi nga, marriage is a big commitment, ’di ba?

"I don’t want to get into something na I’m not ready yet.

"When it comes, it comes, ’di ba?"

Pero nagdi-date naman daw siya.

Aniya, "I’m dating someone who’s my schoolmate.

"He’s also a chef and a DJ so we have so much in common.

"Since DJ na rin siya, he supports me a lot, and when he spins, I’m also there, lagi kaming magkasama."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang kanyang constant date nga raw ang best critique niya pagdating sa pagiging DJ.

Pagsang-ayon ni Jennifer, "Oo, that’s true!

"Kasi siya, ever since he was a kid, gusto niya talagang mag-DJ, pero ako, I never knew that I will make it as a DJ.

"I was always scared to spin, kahit marami ang nagsasabi na, ’Jen, ready ka na to spin?’ Until this year nga na sabi ko, ’Sige, i-try ko nga.’

"And one event won’t hurt, then, sobrang bilis, nagtuluy-tuloy na."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN