Vic Sotto on relationship with Pauleen Luna: “Sa edad kong ito, makikipaglaru-laro pa ba ako sa relasyon?”

Vic Sotto on taking his relationship with Pauleen Luna to the next level: “Ayaw lang namin na parang pangungunahan pa kami. Kung ano man, hindi naman namin itatago. Parati ko naman sinasabi yun na kaya kayo nagkaroon ng relasyon is dahil meron kayong gustong patutunguhan na dalawa.”


Nag-shooting si Pauleen Luna kahapon sa pelikulang My Big Bossing, kung saan siya ang gaganap na kontrabida sa “Sirena” episode ng naturang pelikula.

Sabi ni Bossing Vic, “Hindi lang basta guesting, e. It’s a very important role. Medyo may kahirapan ang role, kasi may prosthetics pa.”

Noon pa man ay tinatanong na si Vic kung bakit hindi niya kinukuhang leading lady si Pauleen sa mga movie projects niya.

Bale pangatlong pelikula na ito kunsaan nag-guest ang actress/TV host.

Nakangiting pahayag ni Bossing Vic, “Ang importante para sa akin, may guesting siya kahit kapiraso na mabigat o magaan.

“Kailangan kasama siya kasi ano, napansin ko lucky charm siya. Pabuwenas, e."

Sabi naman ni Pauleen, “I don’t think parang there is a need for it na parang kailangang-kailangan.

“Magkaiba naman din yung path ng career namin. Parang I’m more on the dramatic side and all, siya sa comedy.”

REAL-LIFE LEADING LADY. Napatango naman si Vic nang sinabi naming si Pauleen naman ang leading lady niya sa tunay na buhay.

Saad ng 60-year old comedian/TV host, “Ang importante, kaming dalawa nagkakaintindihan.

“Alam naman namin kung anong gustong patunguhan ng aming mga landas, and sometimes I feel na…yun na nga maraming nagtatanong, pero hindi ko na lang pinapansin kasi makakagulo pa sa mga desisyon namin yun, e."

At anuman ang maging desisyon nila, ibabahagi raw nila ito sa publiko.

Dugtong ni Vic, “Ayaw lang namin na parang pangungunahan pa kami. Kung ano man, hindi naman namin itatago.

“Parati ko naman sinasabi yun na kaya kayo nagkaroon ng relasyon is dahil meron kayong gustong patutunguhan na dalawa.

“Sa edad kong ito, makikipaglaru-laro pa ba ako sa relasyon?”

APPEAL FOR PRIVACY. Ang hinihingi lang naman daw sana nila ay konting privacy.

Sabi ni Bossing Vic, “Yun ang gusto kong ma-achieve—less talk, less talk ng iba. Hindi naman natin maiiwasang magsasalita yung ibang tao, mabuti o hindi mabuti.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mas okay na yun. Lalo na ako, gusto ko yung may privacy naman, kahit konting natitirang privacy."

Pero sinundan pa rin namin ng tanong kung sa susunod na taon ba ay posibleng mag-iba na sila ng status?

“Tingnan n’yo na lang sa Facebook ko,” pabiro niyang sagot na sumingit naman si Pauleen na nakiki-Facebook lang naman daw ang boyfriend sa kanya.

“Pero kung meron mang changes, it’s for the better,” pakli pa ng comedian/host.

Sagot naman ni Pauleen; “Yung pag-change ng status, I think that’s very easy.

“Mas importante yung commitment ko with him, and I think I’m fully committed. So I don’t think there’s gonna be a problem naman.”

Sa isyung may pinapatayong bahay na raw si Vic para sa kanilang dalawa, hindi niya deretsahang sinagot na meron.

“Basta imbitado kayo sa blessing, sa house warming. Pero matagal pa yun,” tipid na sagot ng Eat Bulaga! host.

Tinanong namin uli kung nakatirik na ba ang bahay na yun. “Pinag-uusapan pa lang,” sagot nito.

VIC’S KIDS. Hindi pa raw nakakausap ni Bossing Vic ang mga anak niya tungkol sa kung ano man ang plano nila ni Pauleen.

“Open naman ako sa mga anak ko. Alam naman nila kung anong nangyayari.

“Wala pang…not too far to verbalize anything at this point. But the time will come, of course, I have to tell them.

“Alam mo yung mga anak ko, kung saan ako maligaya, okay lang sa kanila,” saad niya.

NOT IMPOSING ON PAULEEN’S SHOWBIZ CAREER. Kung sakaling mag-asawa na sila, papayag ba si Bossing Vic na maging active pa rin si Pauleen sa showbiz?

Sagot ni Vic; “Kung ano ang ikaliligaya niya, okay lang. Pero mas mabuti kung housewife.

“But it doesn’t really matter. It’s okay. Hindi naman ako yung tipong magi-impose ng ito bawal, bawal ’yan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi naman ni Pauleen, “I’ll cross the bridge when I get there. I don’t wanna get overwhelmed with a lot of things. Ano lang tayo, in the present.”

IDEAL PARTNERS. Sa pagtatapos ng panayam ng PEP sa magkasintahan, tinanong namin silang dalawa kung ideal partner nga ba sila sa isa’t isa.

Sagot ni Vic, “If there is such a thing as ideal wife, ideal partner, lahat na lang ng ‘ideal’ na puwede mong i-describe, siya na yun."

Sabi naman ni Pauleen, “Yeah. Kasi parang match yung personalities namin.

“Parang sometimes, parang effortless nga na parang maging match. Naiintindihan namin ang isa’t isa.

“I think nag-swak talaga yung personalities namin, and I think that’s a very important detail pagdating sa magkarelasyon,” sagot naman ni Pauleen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN